CHAPTER 2
UMIIYAK si eunice habang nakatingin sa lola nya na wala ng buhay,hinde ko alam kung anong mararamdaman ko dahil ganyan din ako nung nawala si mamà
Pero magkaiba naman kami dahil ako ay nakatingin lang sa mamà ng namatay sya sa harap ko,kala ko kasi natutulog lang sya pero gigising din agad, nagkamali pala ako tuluyan na syang natulog at kailan man hinde na gigising
Hinde ko sya mapatahan dahil ang daming taong umusisa sa pagkamatay ng lola nya,gusto ko syang lapitan pero nasa malayo sya habang umiiyak at inaalo ang kapatid
Naaawa ako sakanya dahil sa murang edad nya ay nakakaya nya ang gantong bagay, nagp-pasalamat ako dahil nung time na nawala si mamà nandun si papà para saakin,kaya thankful talaga ako sakanya nung time na yun
Pero etong si eunice ang lola nya nalang ang meron sya at iniwan pa silang dalawang magkapatid
"Wala na po bang magulang sila Eunice?"tanong ko sa babae na may hawak na baby na kapitbahay lang nila eunice
"Oo,Simula nung tumira sila dito wala ng magulang si Eunice,ang alam ko inampon lang si eunice ni ate Pacing,dahil nga wala ng magulang si eunice"
Ibig sabihin ampon lang sya ng lola nya,ang hirap nun lumaki ka sa hinde mo kamag-anak pero pinalaki na ng tama
"don't go"Napatingin ako kay lonzo
"Kawawa si Eunice,sinong magpapatahan sakanya?,Wala nga syang karamay oh,Pinapatahan nya din yung kapatid nya"sambit ko
"Maraming pwedeng umalalay sakanya" napakunot ang noo ko dahil sa sinabi nya
"Manhid kaba?" Napataas na ang boses ko dahil dun
"Nakikita mong wala ng karamay ang bata,at oo maraming tao dito ngayon,sa tingin mo sino ang gustong mag alo sakanya?,Sino ang magpapatahan sakanila?"
"Alam ko ang nararamdaman ni eunice ngayon dahil ganyan din ako,pero ako may dumamay saakin nung oras na nawala si mamà,pero si eunice wala,wala ng aalo sakanya,kasi nga wala na yung lola nila,wala ng mag-aalaga sakanila,wala ng p-punas ng luha nila,satingin mo sinong hinde maaawa sa kanya?,Maraming nakakakita ng sakit na nararamdaman nya ngayon,pero ni isa walang dumamay?,tignan mo nga sya" tinuro ko pa si Eunice na umiiyak "Iniiyak nya ang sakit na nararamdaman nya,Bata lang sya wala syang kamuwang muwang sa mundo natin,bata lang sila na hinde alam ang nangyayari ngayon,umiiyak lang sila,pero wala silang kamuwang muwang na wala na ang lola nila"
Pinunasan ko ang luha ko bago sya talikuran at lumapit kay eunice,hinde alintana saakin ang dungis nilang magkapatid ang masamang amoy nila,basta ko.silang niyakap dalawa habang umiiyak
Para kahit p-paano ay maramdaman nila na merong taong r-ramay sa sakit na nararamdaman nila,para kahit paano ay maramdaman nilang merong handang tumulong at pumunas ng mga luha nila
"Kaya nyo yan, Nandito lang ako"sambit ko sakanila habang nakayakap
Nakatingin lang ako kila eunice at ella habang mahimbing na natutulog sa kandungan ko, nandito kami sa burol ng lola nya,hinde ko sila kilala pero ang gaan ng pakiramdam ko sakanilang mag kapatid, tinulungan ni lonzo ang sila eunice at ella para sa pagpaburol ng lola nila
Nakaupo lang ako habang nakatingin sa kanilang magkapatid na nakahiga ang ulo sa kandungan ko,buti nalang pinaliguan sila kahapon kaya pwede ko silang mayakap ng hinde nadudumihan ang suot ko
Pinayagan ako ni blair na dito muna dahil naaawa talaga ako sa dalawang magkapatid at hinde ko alam kung kanino sila dadalhin gayong wala kaming kilalang pamilya nila lalo na ang mga kapitbahay nila na ang lola lang nila ang kamag-anak na kilala nila
Ilang araw bago matapos ang libing ng lola nila ay mas lalo lang akong naawa sakanila,dahil nakikita ko sa mga mata nila ang labis na sakit,kahit na hinde nila alam na hinde na darating ulit ang lola nila
"Ate,gigising po ulit si lola diba?"yun ata nag pinaka masakit na narinig ko sa tanang ng buhay ko
Huminga ako ng malalim para pigilan ang emosyon na lalabas,hinawakan ko ang kanyang buhok upang ipalandas ang mga daliri sa dating dikit dikit at ngayong malambit nya ng buhok
"Ahmm,Hinde na po sya gigising"Nahirapan pa akong ibigkas yun sakanya
Nakita ko namang nagsilabasan ang mga luha nya,hinde ko alam kung paano sya papatahanin ngayon dahil mas higit na masakit ang mga luhang lumalabas sa kanyang mga mata
"Bakit po?"
"Kasama na po sya ni papa god,Hinde mo naman sya makikita lagi ka naman nyang binabantayan"
"bakit ayaw nya po ba sa-amin ni ella?"
Umiling ako sakanya "Nah,Gustong gusto ka nga nya ei,kaya ka nga nya inampon at inalagaan"humina ang boses ko banda sa inampon
"Kung gusto nya po kami bakit hinde na po sya babalik?"
Ang hirap ng tanong nya at ang hirap ding sagutin yun dahil hinde ko alam kung saan ako kukuha ng isasagot sakanya
"Eunice, Don't bothered your ate Andy,Sleep beside ella" napatingin kami kay lonzo ng pumasok sya sa kwarto ng apartment ko
"Ano po?"nagtatakang tanong ni eunice, ngumiti ako kay eunice
"Sabi ni kuya lonzo mo,matulog ka na daw at bawal sa bata ang nag p-puyat"
Tumango naman sya at humiga na sa kama,kinumutan ko silang dalawa ni ella na mahimbing ng natutulog
Hinde ko kasi alam kung saan sila dadalhin kaya ako nalang ang kumuha sakanilang dalawa dahil naaawa ako sakanila at ayaw ko naman silang ibigay sa ibang tao,pero nagsabi naman ako sa barangay nila na ako mag aalaga sa kanila
Lumabas kami ni lonzo ng kwarto ko,at umupo ako sa dining !v chair,at tumulala habang nakatingin sa kung saan
"What's your plan?" Napatingin ako kay lonzo ng umupo sya kaharap na upuan,sumandal sya sa inuupuan at tumitig saakin
"Plano?, Anong plano ba ang gagawin ko?" Pabalik kong tanong sakanya
"How 'bout Eunice and ella?,Anomg gagawin mo sakanila" napaayos ako ng upo dahil sa sinabi nya
"Anong gagawin ko sakanila?, Hinde ko alam,gusto kong maranasan nila ang pagiging masaya habang bata sila,at hinde ko alam kung ibibigay ko sila sa orphanage"
Maging ako ay naguguluhan, gusto ko silang alagaan pero hinde naman pwede dahil gusto ng dswd na sila ang mag alaga sa dalawang bata,naguguluhan ako
"you mean you want to adopt them?"napatitig ako sakanya
"Kung kinakailangan ko silang ampunim gagawin ko,ayaw kong maranasan nila ang naranasan ko"
Gusto ko ding magkapatid dahil nga hinde na ako pinapansin ni jandy ay ayaw nya na saakin bilang kapatid,masakit yun saakin dahil pati kapatid ko ay umaayaw na din saakin,pati sya brinain wash ng magaling nyang ina at ate
Pero kung pipilitin talaga na dalhin sila sa orphanage ay wala akong magagawa dun pero kapag may time naman ako ay pupuntahan ko silang dalawa dun at kapag pwede na silang dalawa ay kukunin ko sila
"Dahil bago nawala ang lola nila,nagbilan syang alagaan ang dalawa nyang apo,bukod sa gusto ko silang akuin,ay gusto kong tuparin ang pinangako ko sa lola nila at ayaw kong baliin yun,ayaw kong gumaya sa taong nangakong sa tabi ko lang hanggang dulo
"Ikaw ano pang ginagawa mo dito?, Umuwi kana, masyado knh feeling close saakin" pagtataboy ko sakanya, tinaasan nya ako ng kilay at sumandal lalo sa upuan
"Pagyan gumiba lago-" naputol ang sasabihin ko ng marinig ko ang c***k ng upuan
Napatingin ako sakanya,pinigilan kong matawa ng makita ko syang nasa baba na habang nakaupo na sa lapag dahil na sira yung upuan
He glared at me "Kakasabi ko palang, bakit kasi masyado kang bida-bida at ayan tuloy na sira yung upuan,Paano na yan?, Palitan mo yan"
Lumapit paako at tinulak sya ng konti para tignan ang nawasak na upuan, napangiwi ako ng masugatan ang kamay ko,tumayo ako at lumapit sa sink, naghugas ako ng kamay
"Aistt,Bakit mo kasi hinawakan?"hinde ko sya pinansin at nag sabon lang ng kamay
Pagtapos nag punas agad ako at kumuha ng bulak at Alcohol,mag lagay lang ako ng konti sa bulak ng alcohol bago idampi sa nasugatan kong kamay, medyo masakit dahil nga alcohol sya
Pagtapos ko hinarap ko sya at tinaasan ng kilay "Kung hinde mo kayang ibalik ang upuan na sinira mo, wag kang magpapakita saakin"