Chapter 2

1331 Words
"Goodmorning Passengers! This is your captain speaking. First of all, I'd like to welcome everyone on Airwing Flight 86A. We are currently cruising at an altitude of 33,000 feet at an airspeed of 400 miles per hour. The time is 05:35 am. The weather in London is clear and cold with a high of 25 degrees for this morning. And it is somehow good for our flight. Later on, the cabin crew will be coming around in about twenty minutes to offer you a light snack and beverage, and the inflight movie will begin shortly after that. So, I'll talk to you again before we reach our destination. Until then, sit back, relax and enjoy the rest of the flight. Thank you" Upon hearing the captain's announcement, I put my glasses on and closed my eyes. I don't want any bother nor distractions. I just want to relax. Hindi naman ako nahirapang makatulog sa eroplano dahil wala rin akong maayos na tulog sa condo ko, lalo't galing akong walwalan nung tumawag si dad sakin. Pagkalapag ng eroplanong sinakyan namin ay bumaba kaagad ako saka tinawagan si Mr. Lee, head bodyguard ni daddy. "Where are you?" agad kong tanong sakanya. "At departure area, miss. We're waiting for your arrival" magalang na aniya. "Okay, on the way" sagot ko saka binaba ang linya. Pag pasok ko ng airport ay dumiretso agad ako sa departure area at sinalubong naman agad ako ng mga bodyguards namin. "James, wait for Miss.Wren's baggage to arrive and bring it directly in the mansion" ani Mr. Lee sa isa sa aming bodyguard at tumango naman ito sa kanya. Tumabi naman sa akin si Mr. Lee saka inalalayan ako sa paglakad hanggang sa makalabas kami ng airport at makapasok sa sasakyan. "Where's dad?" tanong ko sakanya. "He's waiting for you on his office ma'am" aniya "Can we make it a bit faster, Mr. Lee? I'm suffocated" sabi ko. Tumango ito saka pinabilisan ang pag maneho. Nakasunod naman ang isa pang private service car namin na nakasakay ang tatlong bodyguards pa. Hindi naman halatang over protective ang dad. Pagdating namin sa entrance gate ay pinagbuksan naman agad kami ng kasambahay sa mansion saka si Mr.Lee nagmaneho patungo sa garahe ng mansion. Malawak ang bakuran namin kaya kitang-kita ko ang mga naglilinis sa gilid ng pathway. Marami kasing mga patay na dahon at sanga ang nahuhulog sa puno pero hindi naman ito nakakaagaw pansin. Pagdating namin sa tapat ng mansion ay bumaba na agad ako. "Thanks for the ride Mr. Lee and please take care of my stuff" saad ko sakanya at tumango naman siya. Pagbaba ko ay agad akong dumiretso sa living room at umupo sa may sofa. Nakakapagod ang byahe at parang mabibiyak ang ulo ko sa init. Gusto kong magpahinga muna bago kausapin sina daddy and mom. I'm sure they're both busy. "Hija anak!" rinig kong maligalig na sigaw ni mom galing sa hagdanan kaya napalingon naman ako sa kanyang gawi dahil sa gulat. Kasunod niya ang dalawang kasambahay na hindi ko kilala. Siguro ay baguhan. Matagal rin akong nawala sa mansion kaya maraming employee na hindi ko nakilala. "Wren, anak. I miss you so much" ani mommy saka ako niyakap ng kay higpit nung makalapit na siya sakin. For wherever I go, there's still a home that I could come back even how far I've been from my family and that's the luckiest thing I had. An understanding and supportive family. "I miss you too, mom. The loudest mommy ever" saad ko saka ngumiti at niyakap pabalik. "Oh my god!! How are you, honey? Ayos ka lang bang nakauwi ha? Napagod ka ba? Gutom ka na ba?" natatarantang aniya saka tinignan ang kabuuan ko. "Tsk, I'm all right mom. I'm just thirsty." sabi ko. "Omo! Mrs. Gi, can you give her a glass of water? uramismo" aniya na tinawag ang kasambahay. "Yes, madam" mahinhin na sagot ng isang ginang saka ito tumungo sa kusina. "Jess, tell wren's dad of her arrival, please" ani mommy. Sumagot ito saka nagtungo agad sa private room ni daddy. Yung office niya. Tuwang-tuwa naman si mom na pinagmasdan ako at nagsimula na namang magsalita ng kahit ano. Wala kasing kausap to si mommy dahil puro negosyo ang inuuna kaya nawalan ng koneksyon sa mga kaibigan niya. Hindi na nga halos magkausap sina dad dahil sa kani-kanilang mga trabaho at inaasikaso. Kaya ako lagi napagbubuntungan ng chismis niyang paulit-ulit. Maya-maya ay hindi ko namalayang kulang pala kami. "Where's Auden?" tanong ko kay mommy. "Saan pa nga ba hija. He's not getting tired of studying. He always stayed up late night and getting up early to study." sagot ni mom na napapa iling na lang. "Does he know that I'm coming home today?" tanong ko. "Ofcourse hija, he'll be here soon for sure. Don't worry." nakangiting ani mom. "Look who's here" rinig kong tinig sa likuran namin ni mom. I miss this voice. My comfort. Nilingon ko si dad and my smile turn its shape saka tumakbo ako sa kanya para yakapin siya ng sobrang higpit. "I miss you daddy" saad ko na parang tutulo na naman ang luha ko. "How come you took so long to come home if you ever miss me?" aniya at niyakap ako na parang sampung taon kaming hindi nagkita. "I'm sorry dad. I won't run away from you again. I promise." sagot ko. "Bakit ganyan ka nalang sa daddy mo, pero hindi sa akin?" ani mom na nakaupo sa salas. "Tch. I love you both" ani ko na natatawa na sa tingin ni mom. She's jelous on her husband haha. "I know. We know" sagot ni mom saka matamis na ngumiti sa amin. "Let's eat lunch first. Saka na natin pag usapan lahat. Maaari ba yun?" ani dad. Natawa naman kami ni mom saka sabay na tumungo sa dining area. Nakahanda na ang pagkain sa mesa at hindi ko alam kung fiesta ba ito o tanghalian lang. Parang bibitayin naman kami sa mga pagkain na nakahanda dito. I really missed filipino foods lalo't madalang lang akong kumain sa canada. Mas inuuna ko pa mag alak o wine kesa kumain. May mga seafoods na paborito ko, hindi ko talaga matatanggihan 'to. Merong buong letchon sa mesa. May mga minudo at gulay saka pang himagas. "Kumain ka lang ng marami hija, you've lost weight. Ang payat payat mo na, parang wala kang kinakain doon" ani mom. Parang hindi naman ako makakapili dahil sa dami. Tinitignan ko pa lang, parang mabubusog na ako. I just smiled saka sinimulan ng kumain. As expected marami akong nakain ngayon. Mas gagana kasi akong kumain kapag marami akong kasama sa hapag. Pakiramdam ko ay masaya kapag may kasalo, lalo at hindi mawala ang kwentuhan kaya hindi mo maramdaman ang lungkot sa loob ng bahay. Pagkatapos kumain ay nagpa handa naman si mommy ng mango shake. Paborito ko kasi ito lalo na kapag matamis ang mangga. Hindi ako magsasawang kumain nito. "Wren, anak" tawag sakin ni mom. Nilingon ko siya sa tabi ko. Nasa playground kami ng mansion at may dalawang swing dito. Naalala ko pa noon na dito ako laging tumatambay at naglalaro kapag wala na akong magawa. "Do you have plan for yourself?" tanong nito sakin. "What do you mean, mom?" takang tanong ko. "Your future. Hindi naman kami laging nandito para sayo. Ang maibibigay lang namin sa ngayon ay suporta. Kailangan mo pa ring sanayin ang mundo ng pagiging business owner saka mo manahin ang kompanya at ibang negosyo na ipapamana ni daddy mo sayo. Sa ngayon ay nagpupursigi kami ng dad mo para sa inyo ni Auden" mahabang salaysay niya. "Matagal pa yun mom, hindi pa ako handa para diyan" ani ko. "The sooner, the better anak. Saka makakatulong to sayo para maging abala ka" nakangiting saad niya. May point naman si mom pero hindi pa talaga ako handang harapin lahat ng iyan. Habang naglalayag ang isip ko ay may nagsalita bigla sa likuran ko. "What are you doing here?" ani boses lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD