"ANONG problema niya." Naiiling na lang Aryane ng maka-uwi siya sa bahay kinabukasan. Kagabi ay nagwalk out na lang ito bigla. Pero dahil asar siya dito kaya hinayaan na lang niya. Hanggang paggising niya ay wala nga ito sa kuwarto niya. Nagpasya siyang umuwi sa bahay nila ni Logan. Sa totoo lang hindi pa rin siya komportabling sabihin salitang bahay nila. Naabutan niya itong nakahilata sa sofa at may ilang bote nang alak ang naroon. Mukhang hindi na ito umakyat man lang sa kuwarto dahil hindi pa ito nakapagbihis. "Nagulat ako, kagabi pagbaba ko umiinum pa siya kagabi, madaling araw na." Sabi ni Manang Nancy ang katiwala nito. Pumalatak pa ito saka nagsimulang ligpitin ang bote nang alak na nagkalat sa sahig. "Nag-away ba kayo, hija?" Baka si Natalie ang kaaway nito. Naisip niya. "Hind

