Chapter 2

1759 Words
"ANONG plano mo sa kanya?" Tanong ni Dr. Paulo Balderama kay Logan. He was his friend na nakilala niya sa New York noong maaksidente siya four years ago. Halos isang taon rin siyang hindi nakapaglakad noon. His limbs was paralyzed because of the accident. "I already told her the truth. Half-truth." Dagdag nang konsensya niya. Hindi niya kayang sabihin kay Aryane na ginamit niya ito para sa kanyang ED. Ilang ulit niyang sinubukan. Pero natakot siyang baka magbago ito. O magalit ito sa kanya. Hanggang sa nagpasya na lang siyang itago 'yon. And now your better your ditching her. Usig nang konsensya niya. Tumayo si Paulo at nagpaalam na sa kanya. "Call me if anything happened." Bilin nito. Bago umalis. Naiwan siya sa nakakabinging katahimikan sa kanyang opisina. Kaya't nahilot niya ang kanyang sintido. Napatingin siya sa kanyang relos. Nagtaka siyang wala pa si Aryane. Dapat ay kanina pa ito naroon. Hindi niya maiwasang mapatitig sa desk nito. She worked inside his office. "So you can f**k her anytime you want." Muling singit nang kanyang konseysa niya. Pero pinili niyang ignorahin 'yon. Bagay na alam niyang mahirap. Sa nakalipas na dalawang taon, wala atang bahagi nang kanyang opisina ang hindi nila napuntahan upang magpakawala siya nang init nang katawan. Aryane arouse her kahit hindi nito sinasadya. Nakadama siya nang pag-aalala nang hindi pa ito dumarating. Kaya nagpasya siyang tawagan ito. Pero nakailang ring na hindi pa rin ito sumasagot. "Where the hell is that woman?" Angil niya sa kawalan. Palabas na sana siya nang opisina niya nang marinig niya ang tunog nang ring tone na nakaset sa phone niya. Naka customize ang tune para alam niya kung ito ang tumatawag o nagmemessage sa kanya. "Malelate ako may dinaanan lang ako, Sir?" Sagot nito sa unanswered call niya. Sir? She never texted her that way. Nakadama siya nang pagka-irita. Kung sabagay mukhang gusto na nga nitong umalis sa pad niya. She was still the same two years ago. Walang nagbago dito, mukhang umaasa pa rin ito sa lalaking gusto nito. Sa totoo lang matagal na niyang gustong malaman kung sino 'yon. But she never mention the man's name to him. Kahit minsan sinasadyan na niyang itanong dito. "Ano bang problema mo, gusto mo 'yan diba?" Noon muling tumunog ang cellphone niya. "Natalie!" usal niya. They accidentally meet nang magpunta siya sa Hong Kong para sa isang business event a month ago. Dahil weekdays kaya hindi niya nagawang isama si Aryane. And he was surprised when she went to his suite. She seduce him at bumigay naman siya. That was the first time he did have s*x maliban kay Aryane. Dahil kung hindi ang dalaga ang kasiping niya sa kama. Hindi magkakaroon nang reaksyon ang p*********i niya. But the past weeks had surprised him. He was back to his normal self again. "I'll pick you up at the airport." Sabi niya sa babae. Pagkalipas nang apat na taon, nagpasya itong bumalik nang bansa. She did told him everything that happened to her. At naawa siya dito. "I missed you Logan." Excited na sabi nito. He found himself smiling back kahit wala naman ito sa harap niya. "I missed you too." Napalingon siya nang maramdaman niyang may nakatingin sa kanyang likod. For some reason, nakadama siya nang kaba, saka mabilis na tinapos ang tawag. Gusto niyang pagalitan ang sarili dahil sa naging reaksyon niya. Para siyang nahuli nang girlfriend niyang nakikipagflirt sa iba. "Sorry late ako, nagkita kami ni Krishna." Paliwanag ni Aryane saka dumiretso sa table nito. "Naglunch ka na ba?" She asked, wala siyang nababasang emosyon dito. But he notice her eyes was a bit fluffy. Umiyak ba siya? Nag-aalalang tanong niya sa sarili. "Hinantay kita?" wala sa sariling sagot niya. Dahilan upang mag-angat ito nang tingin. Walang emotion. "Sorry naglunch na ako. She's leaving for Canada kaya nalulungkot ako." Nagtubig ang gilid nang mata nito. Pero mabilis ring pinahid 'yon. Kaya napalapit siya sa dalaga. "Matagal mo nang alam na mag-aabroad ang kaibigan mo diba?" Pero lalo lang itong umiyak. Ngayon lang niya nalaman na emosyonal pala si Aryane. He never saw that side of her before. She was always the jolly type. Parang walang pinoproblema sa mundo. "Gusto mo nang ice cream." Aluk niya dito. Mahilig ito sa ice cream kapag stress ito. So naisip niyang i-suggest. "Naka-isang galoon na ako pero hindi pa rin ako okay. Huwag mo na lang akong pansinin. I'm fine." She said dismissing him. Bigla siyang nakadama nang pag-kailang dahil doon. She never did that before. Kahit minsan ay hindi pa siya itinaboy ni Aryane. Kaya parang naiilang siya. Nasanay siguro siyang siya ang nasusunod lagi. She always does whatever he asked. NAPABUNTONG hininga si Aryane nang umalis sa harap niya si Logan. She lied na ang pag-alis nang kaibigan niya ang dahilan kaya siya napaiyak. Nagawa na niyang pakalmahin ang sarili matapos nang nalaman niya kanina. Pero nang marinig niyang kausap nito si Natalie, bigla na lang gusto niyang umiyak. And he missed her? After all those years. He still missed her-- that b*tch Natalie. Damang dama niya ang paninibugho sa kanyang dibdib. Sa isiping magkikita ang mga ito. She was so f*cking jealous pero hindi niya magawang sabihin. Paano kung magalit ito, what if he'd reject her. Alam naman niya kung anong mayroon sila. It was her fault na in love siya dito. But he tricked her, and used her at ngayon itatapon na siya ni Logan na parang isang basura. Dala nang panunuyo nang lalamunan ay naubos na niya ang laman nang kanyang thumbler. Pero nagulat siya nang tumayo si Logan at nilapitan siya. "Ako na, dyan ka lang." Sabi nito nag akmang tatayo siya para lagyan 'yon nang tubig. "What's with him?---ah guilty malamang." Lihim na sabi niya. She utter a quick thanks when he handed her, her water bottle. Kaya lalo siyang nasasaktan, masyadong pa-fall si Logan hindi naman siya sasaluhin. Kaasar! Sakit pa nang bagsak niya. Durog lahat nang mayroon siya. Pinili niyang abalahin ang sarili sa mga report na ibibigay niya dito. She plan to submit her resignation as his part timer. Hindi pa niya alam ang susunod na hakbang pero, gusto muna niyang magcope up sa secret 'break up' nila. Noon lang niya napagtantong ang hirap i-handle nang secret pain. Alas sais nang mag-aya itong umalis. Saka niya naalalang may dinner date nga pala sila. Ah Break up date pala. "Saan mo gustong magdinner, Aryane? " Basag nito sa pananahimik niya. "May perks din pala ang break up. Natatanong na kung saan gustong kumain." He never did asked her before. Madalas kasi ito ang nagdedecide. Kung saan walang masyadong tao at pribado doon sila. "Sa seaside, matagal na nang huling punta namin nila Mama doon." Casual na sagot niya. Wala naman siyang narinig na reklamo dito. Dumaan muna sila sa MOA para bumili nang mango frappe, she wanted something sweet para marelax siya. Effective naman dahil, gumaan ang pakiramdam niya. Sa isang paluto restaurant sila nagdinner. Hindi na niya inabalang pansinin ang pangalan noon. Basta kakain na lang siya. Pagkakain ay naglibot sila sa baywalk. At saglit na nuod nang concert na nagaganap doon. Masyadong crowded ang lugar pero wala itong reklamo. Kung tutusin wala namang special sa ginagawa nila. Madalas siyang magala doon kasama ang mga kaibigan. Iyon ang gusto niya ang hindi maging special na araw ang araw na 'yon. "Kanina ka pa kumakain nang malamig, baka naman sipunin ka niyan." Komento ni Logan nang muli siyang bumili ang fruit shake. "Sabi mo puwede kong kainin lahat nang gusto ko. Last na lang saka ka pa magtitipid." Sarkastikong sabi niya. "Galit ka ata?" "Mm-mm," she sip the cold drink. "bakit ako magagalit?" balik tanong niya dito. "Akin na nga yan?"anito saka aktong kukunin ang shakes niya nang hampasin niya ito. "Bumili ka kung gusto mo. Ingit ka lang eh." Nakaingos na sabi niya dito. Saka ito nilampasan. Gusto niyang ulitin ang hampas pero baka makahalatang gusto niyang manakit. "Ang damot mo ngayon." Reklamo nito nang nasa tabi na niya ulit si Logan. "Aryane!" Napalingon siya sa pinagalingan nang tinig. It was her Tita Marian, kapatid nang mama niya. Bigla siyang kinabahan nang napatingin nito kay Logan, "Aba, ang guwapo naman pala ang nobyo mo, hija." Excited na sabi niya. She was wearing her zumba outfit. "Naku hindi po, boss ko, nagpapalibre po ako dahil gagradwet na ako." Napansin niyang nagusot ang noo ni Logan. "Kaibigan siya ni Kuya, Tita." She added "Naku, sayang naman mukhang bagay na bagay kayong dalawa." "Tita talaga, may girlfriend na po siya." Depensive na sabi niya. Ipinagpasalamat niyang tinawag na ito nang mga ka-zumba nito. Kundi siguradong marami pa itong sasabihin. "Punta ka po sa graduation ko." Pahabol na sabi niya dito. "Why do you have to say that?" May himig ng sama nang loob ang boses nito. "Ha, alin doon?" "Na may girlfriend na ako." May pang-uusig na sabi nito. "Ah, hindi pa ba ulit kayo? Pero ganun na rin 'yon." Kibit balikat na saad niya saka naglakad saka niya kinagat ang ibabang labi niya. "Ang husay ko talaga, dapat nag-artista na lang ako." Pabulong na kausap niya sa sarili. Alas diyes nang makarating sila sa pad nito. Gusto sana niyang sa condo niya siya uuwi, pero hindi na lang siya nagsalita. Baka mag-isip pa si Logan na affected siya. Nakapagbihis na siya paglabas niya sa banyo. Ito naman ang pumasok doon. Mukhang naligo pa ito kaya nagtagal ito doon. Paglabas ay nakatapis lang ito nang puting tuwalya. He never failed to make her look at him. He has a perfectly chiselled body that she loves to run her finger on. Nagsout lang ito nang boxer, saka naupo sa tabi niya. Then she took out something in his drawer. Isa 'yong card.... a letter card. Inabot nito sa kanya. "What's this?" Pero ganun na lang ang pagtataka niya nang buksan 'yon. Nakaipit sa card ang isang atm na nakapanglan sa kanya. Wala siyang naalalang nag-open siya nang account sa bangkong 'yon. Litong napatitig siya dito. "Graduation gift ko sa'yo.." Hindi niya alam kung maiinsulto siya o matutuwa siya. But she felt insulted. Gusto ba nitong bayaran ang serbisyo niya sa kama nito sa nakalipas na dalawang taon. She gritted her teeth pero nagawa niyang tipid na ngitian ito. Saka pinili niyang halikan ang gilid ng labi ni Logan. Isang mabilis na halik para sa huling sandali. Pero kinabig nito ang batok niya saka siya siniil nang mapusok na halik. Wala naman siyang planong tangihan ito. Walang masama sa isa pang masarap na alaala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD