ASHLEY'S POV (Junior Agents Trydisdaine) buhat ko pa din si Rosered habang papunta kami sa quarters nya. nakakapit sya sa batok ko at nahahilig ang ulo nya sa dibdib ko. "bakit bigla-bigla ang pagbabago mo?" mahina nyang tanong sa akin. "anong pagbabago?" balik ko sa kanya. "kailan ka pa naging concern sa ibang tao?" tanong nya. hindi ako nakasagot. ayan na naman kasing tanong na iyan. kahit nga ako, hindi ko alam kung bakit nga ba ako nagiging ganito. hindi ako ito. iniangat nya ang ulo nya para tingnan ako. "hindi mo alam ang dahilan?" tumingin lang ako ng diretso sa dadaanan namin. "wag mo nalang akong tanungin." itinungo nya uli ang ulo nya. "hindi ibig sabihin ng hindi ko pagwawala ngayon ay may tiwala na ako sayo at okey na tayo." malamig na nyang sabi sa akin. "wala akong

