S.I.S.C. 14: WHAT'S THIS FEELING?? ELAINE'S POV (Dark Angel) kinalagan na ako ni Dashiel sa limang posas na nasa paa at kamay ko. baliw kasi ang Shimanaka na iyon. talagang sinigurado nya na hindi ko magagawang tumakas. naupo ako sa tabi ni Mharvy. alam kong malalim na ang iniisip nya dahil naka-indian seat sya while holding a pen pinapaikot nya sa kamay nya. not only one but 5 ballpens na sabay sabay nyang pinapaikot sa isang kamay nya. that was her habbit while thinking. hindi na nya maialis sa kanya. at kapag ganyan na sya, mahirap na syang kausapin ng matino. "hey.." tawag ko sa kanya. "hmm?" "bakit bigla kang natahimik?" "nothing.." "para saan itong laro mo?" "ewan.." "bakit sinali mo kami dito?" "wala lang" "kasama ba sa training nila ito?" "siguro.." "tanga ka ba?"

