Brother

1852 Words
(Thala's Point of View) Dumating ang araw ng engagement party namin ng fiancé kong si Nekolauv Aurel Ravello, ang tagapagmana ng mga Ravello. Kahit hindi ko siya gaanong nakakasama, alam kong mabait naman si Nekolauv. He's an ideal man and that's for sure. Kilala ko siya noon pa man sapagkat iisang school lang ang pinapasukan namin dati. Hindi nga lang iyon sapat upang gustuhin ko ng maitali sa kanya. Yes, I like him but I'm not ready to commit yet. I am only bound to marry Nekolauv Aurel Ravello for business. Which is so ridiculous. Uso pa pala 'to? "Honey, how are you feeling?" usisa ni mommy na kababakasan ng pagiging matamlay. Dinaluhan niya ako at tinitigan na rin ang aking repleksyon mula sa salamin sa aking harapan. Tipid ko siyang nginitian at yumuko na lamang upang hindi niya makita ang malungkot kong mga mata. Just like me, parang hangin lang din si mommy pagdating sa opinyon. Kapwa wala kaming karapatang pangunahan ang mga gusto ni daddy. Para kaming may mga tali na kinokontrol lang ng gan'on kadali. Mga puppet kumbaga. "Atleast I'm a help for dad this time. May kwenta na rin ako sa wakas." Mapait akong ngumiti kaya hinawakan ni mommy ang aking kamay. "Don't worry, Nekolauv will take care of you. Mabait ang batang iyon kaya malaki ang tiwala ko sa kanya." Pilit na pinapagaan ni mommy ang aking kalooban na gumagana naman dahil sa kanyang ngiti. Nagtungo na kami sa venue ng engagement. Sa dami ng tao, ni hindi ko na mahanap si Nekolauv. Gusto ko sana siyang makausap bago magsimula ang announcement ngunit hindi na natuloy dahil nagsimula na ang party. Namataan ko siyang nakikipag-usap kay daddy at sa naging reaksyon ngayon ni daddy, masama ang aking kutob. Nakahanda na akong lapitan sila subalit si daddy na mismo ang lumapit sa kinaroroonan ko. Tumayo lamang siya sa aking tabi at ni hindi man lang kumikibo. Animo'y hindi kami magkakilala sa paraan ng pakikitungo niya sa akin ngayon. Namataan kong umakyat na si Lauv sa stage kaya huminga ako ng malalim at inihanda ang sarili. "Ladies and gentlemen, meet my fiancée..." Natuon sa akin ang atensyon ni Lauv at inilahad niya pa ang kanyang kamay sa aking gawi. Matamis siyang ngumiti sa akin kaya ngumiti na rin ako pabalik. Rinig ko ang palakpakan ng mga tao kaya mas lalo akong kinabahan. Maglalakad na dapat ako kung hindi lamang hinawakan ni daddy ang aking braso. Magtatanong sana ako kay daddy ngunit nasagot na ito ni Nekolauv. "The beautiful and competent heiress of the Laurencos... Blaise Penelope Laurenco," anunsiyo ni Lauv na nasa akin pa rin ang atensyon. Mali, nasa likuran ko pala. Laglag ang aking panga sa ginawang pagkaway ni Penelope sa harap ng lahat. Marahan siyang naglakad paakyat ng stage na inalalayan naman ni Lauv. Hindi ako nakagalaw kaagad sapagkat puno ng katanungan ang aking isipan ngayon. Papaanong si Penelope na ang kinikilalang heiress? How about me na legitimate daughter ni daddy? Nabuo ang usap-usapan kaya hinila ako ni daddy papalabas ng venue. Galit niya akong dinapuan ng tingin at kulang na lamang ay pagmumurahin. "I'm done with you, Myrthala. Ano na naman itong kinasangkutan mo?" Napainda ako sa sakit ng pagkakahawak ni daddy sa aking braso ngunit hindi niya pa rin ito nilulubayan. "I haven't done anything. Dad, masakit." Tsaka niya lang ako marahas na binitawan. "You know that guy, Larry Gonzales? The one you brought at home? He's dead at ikaw ang huling nakitang kausap siya bago tuluyang nawala. Natagpuan siya kahapon na wala ng buhay sa isang abandonadong lugar. Now tell me, Myrthala. May alam ka ba sa nangyari?" tanong ni daddy na punong-puno ng pang-aakusa. I can't believe him. How can he ask me like that, with those cold piercing eyes? "Do you think I'm that bad, dad? Oo, nakipag-usap ako sa kanya pero tinanong ko lamang siya. I didn't even know him personally. Dad, someone is trying to frame me!" paliwanag ko. I tried my best to explain my side but daddy just gave me a death glare. Napailing ako sapagkat kita ko ang pinaghalong disappointment at galit sa kanyang ekspresyon ngayon. "Prove it," iritadong hamon ni daddy na ikinatigil ko. "Isang buwan, Myrthala. Huwag kang bumalik sa mansiyon hanggat wala kang maipakitang ebidensiya. Live wherever you want but don't you ever comeback empty handed. I'll clean your name for our family's sake." Tinalikuran ako ni daddy na parang wala lang. "Patunayan mong nararapat ka sa pamilyang Laurenco," pahabol niya bago tuluyang umalis. How will I do that when I didn't do it in the first place? "I am being framed, dad. Will you listen to me?" naibulong ko sa pagitan ng sunod-sunod na paghikbi. Is he really my father? I can no longer see the man who's willing to give up his important meetings just to play with me. He is no longer the man I look up to. Our happy moments were framed... but kept in the past. ... Umalis ako sa mansiyon na hindi man lang nagawang magpaalam pa kay mommy. Mas mahihirapan lang akong umalis kapag nakita ko ang malungkot niyang mukha. Kailangan kong patunayan kay daddy na wala akong kinalaman doon. "I've been rejected by my fiancé, my dad and hopefully not my freedom," I sighed as I started to look for an apartment for me to stay. My dad confiscated my cards. Ten thousand lang ang meron ako ngayon na alam kong hindi magiging sapat. Kailangan kong maghanap ng trabaho and I kinda like it. Kahit papaano, nagiging malaya ako. Maggagabi na pero wala man lang tumatanggap sa akin kahit saan man ako pumunta. Hindi ko alam pero nag-iiba ang reaksyon nila kapag naririnig ang aking pangalan. I just hope na walang kinalaman ang bruha kong kapatid. Pagod na pagod na ako kalalakad at kahihila ng aking maleta. Gutom na gutom na rin ako kaya napaupo na lamang sa isang bench malapit sa isang restaurant. Naglalaway ako sa mga pagkaing aking nakikita subalit hindi ako pwedeng kumain sa mamahaling restaurant na iyan. Narinig ko ang pagtunog ng aking tiyan dahilan upang mapapikit ako. Hinaplos ko ang aking tiyan na nangangasim na ngayon. Hindi ako kailanman nagutom ng ganito noon. Napamulat ako sa boses ng isang babaeng umupo sa aking tabi. "Want some?" May nilahad siyang hamburger na nahihiya kong tinanggap. "Thank you," sagot ko na nakuha pa siyang ngitian ng mahina. Nilantakan ko ito at hindi na pinansin pa ang ginawa niyang paninitig. "Wala ka bang matutuluyan?" Tinignan niya ang maleta ko at nag-aalangan na ngumiti sa akin. Dahan-dahan akong tumango sa kanya kaya napatango na rin siya. "I know a place pero baka hindi mo magustuhan. I'm a waitress and I also stay there," salaysay niya na kahit papaano'y ikinabalik ng aking lakas. "Are you still looking for some, uhm, waitress?" nahihiya kong tanong na napakamot na lamang sa aking batok. Masigla siyang tumango sa akin dahilan para gumaan ang aking kalooban. Salamat at hindi ako matutulog sa lansangan ngayong gabi. Namangha ako sapagkat dinala niya ako papasok sa isang napakatayog na hotel. Ang ganda kasi ng design sa loob, lalo na ang iilang mga abstract painting na nakadikit sa mga pader. Sumakay kami ng elevetor pagkatapos mabusog ang mata ko kakatingin. Papunta kami sa isang underground space na may pangalang Doomscape. Nakapunta na ako sa Shadyground na matatagpuan sa Crestford pero mas hamak na malawak at malaki ang lugar na ito. Pagkapasok na pagkapasok ay bumungad sa amin ang napakaraming tao na nagsasayawan at nag-iinuman. "This is the club but this isn't our area. Doon tayo sa bar, sa kabila," paliwanag niya na ngayo'y kumakaway na sa mga kakilala. Dinala niya muna ako sa magiging kwarto namin. Dalawa ang kama at kahit papaano ay hindi gaanong maliit ang silid para sa aming dalawa. "Ka-re-resign lang ng kasamahan ko kaya pwede ka rito. Bukas ka na pala magsimula. For now, kabisaduhin mo muna ang mga pangalan at mukha ng mga VIP natin. Pati na rin ang iba't-ibang area ng Doomscape para hindi ka mahirapan," bilin niya. "Salamat talaga, Hanni. Malaking tulong ito para sa akin," nakangiti kong sambit na ikinahalakhak niya. Nagtaka naman ako dahil dito. "Sana masabi mo pa iyan bukas," makahulugan niyang sabi na hindi ko masyadong maintindihan kaya binalewala ko na lamang. Marami pa siyang ibinilin sa akin kasama na ang listahan ng mga pangalang nabibilang sa VIP. Nagpaalam na si Hanni kaya inabala ko na muna ang aking sarili sa pag-aayos ng aking gamit habang isinasaulo ang mga pangalan at pagmumukha ng mga VIP. Lumabas ako para maglibot sa area namin. Napangiti sapagkat natatandaan kong mabuti ang mga pangalan at mukha ng iilan sa nakasulat ditong VIP. It turns out na mga clients din ni daddy ang iilan sa mga naririto. Muli kong inilibot ang aking tingin, only to find out that someone is watching me from afar. A man wearing a white dress shirt, a black trouser and a black leather shoes. Mag-isa siyang nakaupo sa isang mahabang sofa. Nakadekwartro at pinapaikot-ikot sa daliri ang kanyang singsing. He watch me cryptically; like a hawk observing its prey. Sinuri kong mabuti ang listahan ng mga nasa VIP ngunit hindi ko siya mahanap. Bakit siya narito kung hindi pala siya VIP? Ibinalik ko ang tingin sa lalaki at nagtagpo ang aking kilay sa patuloy niyang paninitig. He's making me uncomfortable with his intimidatingly dark aura. "Why is he staring at me?" may bahid ng iritasyon kong tanong. Na-conscious tuloy ako sa sarili ko ng wala sa oras. I am wearing a purple floral dress na hanggang tuhod ang haba. Though it somehow hugged my body, it's not too revealing. Ni indi nga umaangkop sa lugar na ito. My long mahogany brown wavy hair is pulled into a messy bun. Ni wala akong makeup ngayon dahil sa pagmamadali at sabog pa kahahanap ng apartment kanina. Paniguradong mugto rin ang aking mga mata dahil kagagaling ko lamang sa pag-iyak. It's imposible for him to notice me when I am this dull. Ipinagpatuloy ko ang pagsasaulo subalit hindi ko talaga mapigilan ang aking sarili na lingunin ang direksyon ng lalaki. Sa bawat pagsulyap ko sa gawi niya ay nasasalubong ko palagi ang kanyang mga mata. Hindi ko na masikmura ang ginagawa niya sapagkat naaapektuhan nito ang trabaho ko. Nakahinga ako ng maluwag sapagkat nawala na sa kinauupuan niya ang lalaki. Umiling-iling ako subalit napaigtad nang marinig ang isang nakakapanindig balahibong boses sa aking likuran. "What is Myrthala Zachra Laurenco-Ravello, doing here?" Malalim ang kanyang boses, kasing lalim ng nagiging epekto nito sa akin. "W-Who are you? Bakit mo ako kilala?" Mabuti na lamang at nakaupo ako kun'di kanina pa ako natumba sa panlalambot ng tuhod. Sinusubukan kong titigan siya pabalik sa mata ngunit masyado itong madilim at mapanganib na kung sinong titingin ay mahuhulog sa kanyang bitag. Umangat ang gilid ng kanyang labi subalit nanatiling madilim at malamig ang kanyang mga mata. "Why not? You're my sister-in-law," he answered sharply and sat down on the chair right in front of me. Siya ba ang usap-usapang kapatid sa ina ni Necolauv? That arrogant CEO of Atkinson Industries?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD