Chapter Twenty Parang practice lang ng magiging buhay nila sa Bataan ang ginawa nila sa Batangas. Dito sa kanila na ang bahay at araw- araw na silang nasa tabing dagat. Nang gabing iyon ay masayang natulog ang dalawa na walang pangamba. Handa na silang kalimutan ang dating buhay. "Oh ano yan?" Tanong ni Baby kay Ervir nang maramdaman niyang pinaghahalikan siya nito sa labi at pisngi kinabukasan. Kinikiskis din nito sa kanyang pwetan ang kahandaan nito. "Mahirap magpigil sa umaga eh. Binyagan natin itong lugar. Please." Para itong paslit na nakikiusap. "Luku- luko ka talaga!" Natatawang komento niya. "Ayoko nga! Magluluto na ako ng breakfast para makakain na tayo! Gutom na ako!" "Gutom na rin ako. Magkainina na muna tayo!" Natatawa ring tugon nito. "Bwisit ka Ervir

