Chapter 11

1863 Words

Chapter Eleven   Mabilis na lumipas ang mga buwan. Dalawang buwan nalang at eleksyon na. Busy na ang ate Abelle ni Baby sa kampanya. Siya naman ay ilang buwan nang dumadayo sa mga mahihirap na bahagi ng Metro Manila para magturo sa mga batang pulubi. Sa isang lugar ay tumatagal siya ng isang linggo sa pagtuturo. Mga basic lamang at hinihikayat niya ang mga ito at ang mga magulang na pag-aralin ang mga bata. Nagbibigay din siya ng mga libro, laruan at kaunting financial assistance.   "Nakakapagod pero ang sayang pagmasdan naman ng mga ngiti ng mga bata. Nawawala yung pagod ko. Totoo pala 'yun no?" Sambit ni Baby habang pinagmamasdang umalis ang mga bata sa Malabon. Isa-isa itong nagpapasalamat sa kanya.   "Mas nakakawala ng pagod kapag alam kong masaya ka." Mahinang tugon ni Ervir.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD