Chapter Seventeen "Oh bakit ka umiiyak?" Tanong ni Ervir sa kanya. "Na-touch lang ako sa lahat ng ito. Tsaka yung boses mo kagigil ka. Pwede ka ng maging singing security." Saka niya ito niyakap. "Halaaa siya." Niyapos din siya nito. "Maliit na bagay lang ito Baby. Di ba nga gagawin ko sayo 'to for the rest of our lives. Halika na. Lalamig na ang mga pagkain. Iinit na rin. Hindi na maganda ang araw." "Tara na. Gutom na rin ako." Pagsang- ayon niya. "Tayo lang kasi ang nagkainan kagabi. Ayan tuloy nagutom ka." Biro nito. "Bwisit ka." Hinampas niya ito sa braso. "Aray ko naman. Palakas ng palakas ang mga hampas mo ah. Alam mo feeling ko ma- under mo ako kapag mag- asawa na tayo." Hindi siya kaagad nakaimik. "Mabuti't alam mo." Tugon niya. Napuno ng halakh

