Chapter Twenty Seven "Ervir? Sagutin mo naman ako oh." Halos maiyak na si Baby sa pakikiusap sa taong nasa kabilang linya "Hahaha!" Isang malakas na tawa ang sunod niyang narinig. "Mark?" Napalitan ng inis at galit ang kanyang nadama. Hindi siya pwedeng magkamali, ang lalaking nasa kabilang linya ay si Mark. Sa demonyong tawa palang nito ay alam na alam na niya. "Hahaha! Ako nga! Nakakatawa ka Baby! Inilibing niyo na ngayong araw si Jon pero umaasa ka pa rin pala na buhay siya! Nakakatawa ka!" "Wala kang pakialam! Paano mo nalaman ang number ko?!" Mabilis nitong napainit ang kanyang ulo. "Ganoon talaga! May binayaran na naman ako. Nagpakademonyo na naman. Nagtaka ka pa ba?" Nang- iinis pang tugon nito. "Hindi! Wag ka nang makatawag tawag sa akin ah! Pwede ba t

