Love Vs Lust "Tatay!" Malakas na sigaw ni Kierra pagkapasok sa loob ng kwarto. Mabilis akong napatingin sa pintuan at nakita ko ang anak ko na nakangiti habang tinitignan ako. I also saw Tine beside her, nilingon ko ang likuran niya para hanapin si Kierro pero hindi ko siya nakita kaya kumunot ang noo ko. Ngunit nawala ang pagkakunot ng aking noo dahil sa malawak na ngiti ng anak ko. "Hi, babygirl." Nakangising bati ko sa anak. She ran towards me kaya mabilis akong umupo sa kama kahit nanghihina ako. Pinipilit kong magpakatatag dahil nandito ang mga lakas ko. Kunot-noong sumunod si Tine kay Kierra kaya ngumisi ako sa kaniya. "Hey pretty." I said pero hindi pa din nawawala ang pagkakunot ng kaniyang noo. Padabog siyang umupo sa harapan ko at tinulangan si Kierra para makaupo sa lap k

