“Hunter! Hunter!” halos pumalahaw ng iyak na tawag sa akin ni Cheryl nang makita nitong bumungad na ako sa pintuan ng emergency room. Medyo nahiya at nagulat pa ako na hindi lang pala siya ang naroroon pero ang ingay niya. “Sshh… baka makaabala tayo sa ibang pasyente,” pabulong kong saway sa kaniya. “Hunter, si Charice ang may gawa nito. Sinaktan niya ako, Hunter! Balak niya yatang gawin din sa akin ang ginawa niya kay Artemis!” umiiyak na sumbong nito agad sa akin. Pigil na pigil ko ang sariling umikot ang mga mata ko at kontrahin ang sinabi niya. Kumalma muna ako para hindi kami maka-eskandalo sa ibang naririto. “Sir, ready na po ang kuwarto kung saan ililipat si Ma’am,” pagbibigay-alam sa akin noong isang lalaking nurse. Tumango naman agad ako. “Hunter, nakikinig ka ba sa akin? sa

