Tulala ako habang nakatitig sa singsing na nasa mga daliri ko ngayon. Ang engagement ring ko ay nasa kaliwang palasingsingan habang iyong promise/couple ring na ibinigay ni Hunter ay nasa kanan. Punong-puno ng galak ang puso ko at hindi ko mapigilan ang sarili ko na ngumiti lang nang ngumiti. Mag-isa lang ako dito sa restroom pero mukha akong timang sa kangingiti. Katatapos ko lang mag-toothbrush dahil kumain kami kanina. Malapit na rin kami sa UK kaya kailangan ko nang i-retouch ng maayos ang makeup ko. “Ma’am, halika na, ayusin na natin ang makeup mo,” sabi sa akin ni Gwen paglabas ko. Tumango naman agad ako sa kaniya. “Sige. Magbibihis lang ako,” sabi ko naman. “Ay, oo nga pala, Ma’am. Ako na ba ang mag-aayos sa iyo o iyong glam team mo na lang?” tanong naman nito. “Ikaw na lang ng

