“That’s unbelievable! Noong bata pa lang iyang si Charles, gusto na niyang sa Amerika o sa UK mag-aral. Bakit ngayon, biglang ayaw na niya?” nagtatakang tanong ko. Inumpisahan ko na ang sumubo kasi nagugutom na talaga ako. Hinayaan ko lang itong katabi ko na ipaghimay ako ng ulam. “Exactly! Kaya lang, kilala mo naman ang kapatid mo na iyan, kasi kapag may ginusto hindi mo na mababago ang isip niya. Hayaan na lang natin siya at maganda rin naman ang class standing niya rito sa Pilipinas,” sagot naman ni Mommy. Tumango-tango na lamang ako. “Magagaling naman din ang mga business course na ino-offer ng mga universities natin dito sa Pinas. Minsan, iyong mindset lang din talaga natin ang magdadala para maging successful tayo sa business na itatayo natin,” maya-maya ay saad naman ni Hunter. N

