“Ma’am Charice, dadagdagan daw po ng mas makapal at mas mahabang hair extension iyang buhok ninyo. Tapos diretso na iyon hanggang sa TVC po mamaya,” pagbibigay-alam sa akin noong isang staff. Pasagot pa lang sana ako nang biglang magsalita si Tita Sheya. “Miss, sandali lang, ha? Mag-11:30 na kasi. May live interview pa siya mamaya. Pakisabi, na kung maaari ay baka puwedeng bukas na lang umpisahan iyong TVC shoot,” pakiusap ni tita. Nakamasid lang din si Hunter sa amin. “Itatanong ko po kay Direk, Ma’am,” magalang naman nitong tugon. Tumango lang si Tita Sheya. Noong matapos na ang pag-aayos sa akin ay lumabas na ako para sa huling bahagi ng photoshoot. “OMG! You are so goddamn gorgeous, Charice! How can you be so perfect?!” pabulalas na papuri ni Direk nang makita ako. Nahihiya naman

