Chapter 2 First Meeting

4486 Words
“Happy birthday, Charles! Gosh! You are very, very handsome, little brother! Mukhang maraming kadalagahan na naman ang mawawala sa sarili nito,” komento ko nang masalubong sa sala ang kapatid ko. Mahina siyang tumawa sa sinabi ko. 18th birthday ni Charles ngayon at ako mismo ay hindi makapaniwala sa taglay na kaguwapuhan ng kapatid ko. Naka-brush up ang buhok niya at talagang fresh na fresh tingnan sa grayish black tuxedo na suot niya. Charles is very tall and well-built at his age. He was sixteen when he started hitting the gym, and now he is earning more muscles. “Thanks, Ate! I am just here to celebrate and enjoy the company of some ladies. One thing more, stop calling me little brother. It’s very awkward for me hearing it,” pilyong sagot naman niya. Natawa naman ako. “O, ready na ba kayo?” naagaw ang pansin namin nang biglang dumating si Mommy. Tumango naman ang kapatid ko. “Dumating na ang mga Madrigal. Kaya naroroon na ang Daddy ninyo. Let’s go!” yaya pa sa amin ni Mommy. “Mom, is it true that Dad is giving me a muse tonight? I do not like to have a lady beside me,” iritadong tanong ng kapatid ko. Pigil na pigil ko naman ang matawa. “Don’t mind those simple things, Charles. Nangako naman ang Daddy mo na hindi pakikialaman ang sinumang gusto mong piliin para mapangasawa hindi ba? Just go with the flow! Let’s go!” pagbabalewala ni Mommy sa sinabi ni Charles. Sabay-sabay naming tinungo ang venue at gaya ni Mommy ay naroroon na nga ang lahat ng inaasahang bisita. “Hello, Charles! Happy birthday, hijo!” lumapit sa amin sina Tita Sandra at Tito Leandro. Kasama nila ang dalawang anak nila na sina Angelo at Kristine. “Thanks, Tita Sandra! Hello Tito, Leandro!” bati naman ni Charles sa kanila. “Happy birthday, hijo! You look really dashing tonight. Mukhang nilampasan mo na ang kaguwapuhan nitong kumpadre ko,” komento ni Tito Leandro. Natawa naman sina Mommy at Daddy. Ngunit nagulat kami nang hindi sumagot si Charles, bagkus ay nakatitig lang kay Kristine. Oo nga pala, ngayon lang pala niya nakita ang bunso ni Tito Leandro kasi hindi nila ito halos naisasama sa mga malalaking okasyon na gaya nito. Ngayon lang. “Charles, kinakausap ka ni Tito,” pabulong na untag ko sa kapatid ko. Doon pa lang ito tila natauhan at nahihiyang inilahad ang kamay kay Tito Leandro. Ngunit ang mga mata niya ay nakatitig pa rin kay Kristine. “Thanks, Tito. Who is this little girl here?” tanong niya. Napatingin naman si Kristine sa kaniya at inosenteng ngumiti. Maging ako ay napangiti rin dahil napakagandang bata pala talaga ni Kristine lalo na kapag ngumingiti ng ganito. “Ah, this is our youngest, Kristine,” si Tita Sandra ang sumagot. “Kristine, this is Kuya Charles. Batiin mo siya kasi siya ang may birthday ngayon,” banayad na utos ni Tita Sandra sa anak. Natutok ang paningin naming lahat kay Kristine. “Hi, Kuya Charles! Happy birthday! You’re very handsome,” komento ni Kristine pagkatapos batiin ang kapatid ko. At sa unang pagkakataon ay ngayon ko lang nakita si Charles na para bang nabighani ng ganoon. Iniisip ko na lang na naku-cute-an siya kay Kristine dahil talaga namang maganda ito. Nang magsimula na ang party ay nagsiupo na sa kani-kaniyang puwesto ang lahat. Kanina pa napapataas ang kilay ko kasi napapansin kong tingin nang tingin si Charles kay Kristine kahit nasa stage na ito ngayon. Kung hindi lang masiyadong bata si Kristine, iisipin kong na love-at-first sight yata ang kapatid ko. Napapailing na lang tuloy ako. Pagkatapos ng birthday ng kapatid ko ay pinayagan na ako ni Daddy na bumalik sa London. Pero kalakip din niyon ang pangakong ipagpapatuloy ko ang pag-aaral. Mas maigi pa rin daw ang may natapos kaya nangako naman akong gagawin ang gusto nila. Baka sakali kahit matapos ang dalawang taon ay magbago ang isip ni Daddy. Sa paglipas nga ng dalawang taon ay naging napakaabala ng buhay ko. Kinakaya ko ang pag-aaral at pagmomodelo kaya lahat ng libreng oras ko ay ginagamit ko para matulog. Ni hindi ko naranasang makipag-date man lang dahil nga walang panahon. “Dimpz, what’s your plan on your birthday? Uuwi ka ba ng Pinas?” tanong ni Bella. Si Bella ang naging kaibigan ko rito sa UK. Pinay model din siya pero hindi kagaya ko. Gano’n pa man ay napanatili pa rin namin ang pagkakaibigan naming dalawa. “Pinauuwi ako ni Daddy. Kasi nga ipakikilala na niya ako doon sa lalaking mapapangasawa ko,” malungkot ko namang tugon. Nanlaki naman ang mga mata nito. “Seriously? Seryoso talaga ang Daddy mo na siya ang masusunod? Hello! 21st century na, hindi na uso iyong mga ganiyang setup na parents ang pipili ng mapapangasawa ng anak nila,” hindi makapaniwalang bulalas naman ni Bella. Napabuntong-hininga naman ako. “Nakalimutan mo na ba? I am living in an almost Chinese household. Kahit hindi pure Chinese si Daddy, mahigpit siya pagdating sa traditions. Lalo na ang pamilya niya,” saad ko naman. Malungkot naman niya akong tinitigan. “Hay naku, mabuti pa sumama na lang tayo kina Sheyra sa club. Tutal wala naman tayong trabaho bukas. Isa pa, wala ka ring pasok kaya hindi ka puwedeng tumanggi,” agap niyang sambit noong tatanggi pa lang sana ako. Sa huli ay napapayag niya rin ako. Isa sa paborito nilang puntahan ay ang Maddox bar ng Diamond Paradise Hotel. Ayon kay Bella ay napag-alaman nilang may dugong Pinoy din daw yata ang may-ari ng hotel na iyon. Hindi lang talaga nila malaman kung sino. “Fine. Pero hanggang tatlong shots lang ako. More than that is a big ‘NO’,” pagbibigay-diin ko agad. Inirapan naman ako nito. Alas-otso ng gabi at sadyang napakalamig na sa labas noong marating na namin ang Maddox bar. Naroroon na ang mga kaibigan namin na puro mga ibang lahi. “Charice, Bella!” tawag ng mga ito sa amin. Nakaalerto ang mga security dahil kahit pribadong bar ito at mga members lang ang puwedeng pumasok, may nakalulusot pa ring mga paparazzi minsan. Kaya ingat na ingat ako sa lahat ng gagawin at pupuntahan ko dahil laging may camera sa paligid. Sa trabaho pa naman namin ay reputasyon ang pinakamahalagang mapangalagaan kung gusto mong magtagal sa industriyang ito. “Hi, guys!” bati ko sa kanila. Nag-hello din si Bella bago naupo. “You guys are late, so you need to be punished!” deklara ni Keera. Ito ang pinakamatanda sa aming lahat at tinitingala rin ng maraming modelo dahil sa galing nito. Isa siyang French-American model. “What will be their punishment?” tanong naman ni Cara na isang Columbian. “Just drink the whole shot! Give it to them!” masayang utos ni Keera. Nagkatawanan na lamang kami ni Bella at tinanggap iyon. Kapag tumanggi kais kami ay baka mas malalang punishment ang ibigay nila. Noong maubos ko na ang laman ng baso ay hindi sadyang napatingin ako sa bar counter. Napansin ko kasing kanina pa nagkukumpulan ang ilang kababaihan doon. “Oh! Look at that man, he is so damn hot!” komento ni Cara. “Yeah!” sang-ayon naman ng lahat. Ako ay nagkibit-balikat lang. “Hey, Charice, go and get that man’s number. And then, make sure to have a one-night stand with him,” utos ni Keera kaya hindi makapaniwalang nilingon ko siya at nanlaki ang mga mata ko. “No way! Why would I do that?” tanggi ko agad. Tinaasan niya ako ng kilay habang maluwang pa ring nakangiti. “Have you forgotten? You lose the game last time and this will be your dare!” paalala naman ni Cara. “Yeah, I remember! Go, girl!” bulong naman sa akin ni Bella. Sinamaan ko siya ng tingin pero tinawanan niya lang ako. “No, I can’t do that! It’s so embarrassing,” tanggi ko pa ulit. Ngunit halos sabay-sabay na silang umiling. “Alright, guys, let’s make a bet,” maya-maya ay sambit ni Keera. Lalo akong kinabahan sa tingin ni Keera. “It’s either you get that man’s number and have a night with him, or we will set you in a room with one of the guys here?” hamon ni Keera. Alam na alam ko na ang ganito nilang gawain at siguradong magtatampo sila sa akin kapag hindi ko sila mapagbigyan. Ang alam kasi nila ay gaya nila ako na game na game makipag-fling sa kahit na sinong lalaki. Ang hindi nila alam ay wala akong alam sa ganito. “Mamili, ka, Dimpz. Aalamin mo ang number ng lalaking iyon o… alam mo na…” napapabungisngis na tanong ni Bella sa akin. Siya lang ang tumatawag sa akin sa palayaw ko dahil lahat ng mga kasamahan ko sa trabaho at mga kaibigan namin ay Charice lang ang tawag sa akin. “Go, Charice! We’ll cheer you!” udyok pa sa akin ni Cara. “Don’t worry, I think that handsome bartender is still a virgin. It’s obvious with how he deals with other women. He looks really innocent. A perfect target for you,” komento naman ni Keera. “What? Maybe he’s a gay,” tumatawang komento ni Sheyra. Nagsipagtawanan na rin ang iba. Tiningnan ko ulit iyong bartender at mukhang tama siya. Siguro naman ay kayang-kaya ko na ang isang ito. “Fine! After this, the bet that we had before will be completely gone, okay?” paniniguro ko. Tumango naman sila, at itong si Bella pa yata ang pinaka-excited sa lahat. “Let’s go!” tumayo na si Cara. Sumunod naman ako. Kahit kabadong-kabado ako habang naglalakad papalapit sa bar counter ay pinanatili ko ang composure ko. Hindi ako puwedeng magpahalata. “Hi! My friend here wants your best vodka,” nang-aakit na sambit ni Cara. Napatingin naman sa akin ang lalaki at ngumiti. Makahulugan tuloy akong nilingon ni Cara. Ang mga kaibigan namin ay ramdam kong nakatingin lahat sa gawi naming ni Cara. “Just wait a bit, Ma’am. I will prepare your drinks,” tumaas ang kilay ni Cara. “You can speak English very well, not to mention you’re very handsome,” malanding saad ni Cara saka siya tumingin sa akin. “Of course, Ma’am. It’s part of my job since most of our customers here are the locals who speak English only,” magalang na sagot naman noong lalaki. “Is it true that this hotel is owned by a Filipino?” naisipan kong tanungin. Iyon kasi iyong hinuhulaan namin ni Bella kanina pa. Tumango naman ang bartender at saka inilapag sa harapan ko ang inumin. “Yes, Ma’am. This is their first branch here in Europe since the owner is British,” sagot naman nito pero kumunot ang noo ko. “I thought you said this is owned by a Filipino?” nalilitong tanong ko. Mahina naman siyang tumango. “The wife of the owner is a Filipina,” tipid niyang sagot ngunit sa pagkakataong ito ay mas maluwang na ang ngiti niya. Napatango na lamang ako. “By the way, I will leave my friend here because she wanted to talk to you more,” biglang singit ni Cara napaawang ang labi ko at sinenyasan siyang huwag akong iwan pero hindi niya ako pinansin. “Why, Ma’am? Do you need something more from me?” sa pagkakataong ito ay parang may lambing na iyong tanong niya. O baka feeling ko lang dahil nakadalawang shots na ako? Tumikhim ako bago nagsalita. “Well, they… oh f**k…” medyo nauutal kasi ako. “They what?” untag niya sa akin. “They want me to get your number. Teka, mukha ka namang may dugong Pinoy, hindi ka ba marunong magtagalog?” naisipan kong tanungin. “Yeah. I am half-Filipino. Hindi mo naman kasi ako kinakausap sa Tagalog kaya English din kita sinasagot,” katuwiran naman niya. Oo nga naman. Sabagay, lumaki din ako na mas madalas gamitin ang English sa bahay kaysa sa Filipino. “Kasi, natalo ako sa pustahan. Kaya ang parusa ay dapat makuha ko ang number mo tapos…” gosh! Paano ba sasabihin iyon? Kung hindi ko ito gagawin ay siguradong mabubuko ako na hindi talaga totoong nakikipagsabayan ako sa kanila. Malalaman din nila na lahat ng ikinukuwento ko tungkol sa mga lalaking kunwari ay nakakasama ko ay hindi totoo. Di bale, dating gawi na lang. Kunwari ay sasama ako sa lalaking ito kapag pumayag siya. Tapos bigla ko na lang tatakasan o kaya magdadahilan ako. “Ano’ng gagawin mo sa number ko? Sabihin mo na lang kung ano’ng gusto mo?” nakangising tanong niya. Mukha namang inosente itong lalaking ito at walang masiyadong alam sa mga ganito. “They want me to have a one-night stand with you. Puwede ka ba?” matapang na tanong ko kahit kulang na lang ay lamunin na ako ng lupa sa tindi ng kahihiyang nararamdaman ko ngayon. Kung nakikita at naririnig lang ako ng Mommy at Daddy ko ngayon ay siguradong kinalbo na nila ako. Mabuti na lang talaga at malayo ako sa kanila ngayon. “What? That was so disappointing. Akala ko pa naman iba ka sa mga kasama mo,” matindi ang gulat na komento niya na napapailing. Mabilis namang nag-init ang mga pisngi ko at tila lalo akong napahiya sa sinabi niya. Kaya pinaningkitan ko siya ng mga mata. “Bakit? May problema ba sa mga kaibigan ko? O baka naman, wala ka lang talagang alam sa pagpapaligaya sa mga babae kaya kunwari ay pa-mysterious ka pa,” nang-iinsultong saad ko. Ayaw ko naman siyang insultuhin kaya lang medyo na-offend kasi ako sa pang-iinsulto niya sa mga kaibigan ko. Nabura naman ang ngiti niya at tumiim ang mukha niya. Pakiramdam ko ay nasaktan ang ego niya pero wala akong pakialam. Kahit kailan ay hindi pa ako nadomina ng kahit na sinong lalaki. At siyempre hindi siya exempted, ano! “Deal! Meet me after four hours. That’s when my shift ends. Go to room 755 later and I will be there. We will see how good you are with that smug face of yours. Pasalamat ka maganda ka, dahil kung hindi, hindi rin kita pag-aaksayahan ng oras. By the way, I want you to remember my name. I am Hunter. Hunter Eliazon,” seryosong pahayag niya. Tumaas ang kilay ko at nakaramdam ng inis sa kahambugan ng lalaking ito. “Wow, ha? Ang taas ng confidence level? Akala mo naman. Fine! We’ll see about that later,” galit kong tugon at tinalikuran na siya. Nagpupuyos ang kalooban ko sa kayabangan ng lalaking iyon. Akala mo kung sino. “O? What happened? Ni-reject ka ba kaya mukha kang nabasted?” pambubuska sa akin ni Bella. Inirapan ko siya saka tinungga iyong alak na laman ng baso ko. “That man is a f*****g asshole! He is too confident while it’s very obvious that he knew nothing in bed. What a show off jerk!” inis na inis na bulalas ko. Nagtawanan naman ang mga kaibigan namin. “If that’s the case, you will be his teacher later,” natatawang komento ni Cara. “Oh, that would be boring. A virgin guy comes after three to five thrusts,” eksaheradang komento naman ni Keera na lalong ikinatawa ng lahat. Maging ako ay natawa sa sinabi niya. Sa totoo lang wala pa akong alam sa mga ganiyan, pero dahil sa kanila, parang feeling ko ang dami ko ng alam. Totoo iyan. Sabi ni Bella dati, ang nakauna sa kaniya ay virgin na lalaki. Nakakailang bayo pa lang daw ay nilabasan na. Ni hindi man lang siya nag-init kaya sa sobrang inis ni Bella ay nilayasan niya ito at nakipag-date sa iba. “What to do? You made me do this bet. Damn!” pairap na sagot ko naman. “Make him come in his hand first, so that his second c*m will be longer to come,” nailing ding payo ni Cara. Muli ay nagtawanan na naman ang lahat. Noong dumating na ang oras na napag-usapan namin ng lalaking iyon na Hunter daw ang pangalan, ewan ko lang kung totoong pangalan nga niya iyon, ay nagpaalam na ako sa mga kaibigan ko. Lasing na lasing na rin ang mga ito kaya naging mas mahigpit na ang mga security na nakabantay. Baka kasi makuhanan sila ng pictures o videos na magagawan pa sila ng issue. Kinakabahan ako ng marating ko ang top floor. Tumaas pa nga ang kilay ko kasi nasa top floor pala iyong room na sinabi niya. Hinanap ko ang room 755 at pinindot ang doorbell. Bumukas iyon at sumalubong sa akin si Hunter na nakasuot lang ng kulay maroon na roba. “Wow, ha? May access ang mga bartender sa ganito kagandang kuwarto? O hindi alam ng amo mo na nandito ka?” nang-uuyam na tanong ko sa kaniya. “Kaibigan ko ang manager, tapos ito iyong available na room. Mas mahalaga pa ba iyon kesa sa dapat nating gawin ngayon?” angil niya agad sa akin. Hindi naman ako nakasagot at inirapan lang siya. “Eh, di wow,” pabulong na komento ko na lang. “Wait for me here. I will just take my shower,” paalam niya at tumalikod na saka dumiretso sa banyo. Ni hindi na hinintay ang magiging sagot ko. Being in this very glamorous and super grand presidential suite of Diamond Paradise Hotel was not part of the bet. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong napalunok. Ngayon ay nagsisisi ako na pumayag ako sa pustahan naming magkakaibigan. We were just supposed to tease that very handsome bartender, but now we ended up in this hotel room. Damn it! “V-Virgin ka? Damn it!” mabilis niyang binawi ang alaga niya at gimbal na tumingin sa akin. Maging ang paghugot na ginawa niya ay nagpangiwi sa akin dahil sa hapding idinulot niyon. Mabilis siyang bumaba ng kama at kinuha ang nalaglag na tuwalya at muling ibinalot sa katawan niya. “Bakit hindi mo sinabi sa akin? Pinaniwala mo akong gaya ka lang din ng mga kaibigan mong sanay sa ganito? I was planning on taking my vengeance on you for belittling me. Hindi ko akalaing ako pala ang magugulat ng ganito,” sumbat niya. Pumikit lang ako ng mariin kasi ramdam ko pa rin iyong hapdi. Pabigla kasi iyong ginawa niya kanina at parang may kung anong napunit sa loob ko. Narinig kong bumuntong-hininga siya pero hindi ko nakikita ang reaksyon sa mukha niya. Ramdam ko ang galit niya at alam kong nakatitig siya sa akin. Ano bang ikinagagalit niya? Ako naman ang nawalan dito, hindi ba? O baka naman dahil nabitin siya kaya naiirita? Ngunit laking gulat ko nang mabilis siyang magbihis at galit lang na tumitig sa akin. “Tell me, ano’ng gusto mong kapalit sa nangyari?” seryosong tanong niya. “Ano’ng ibig mong sabihin?” gulat kong tanong. “I took your virginity, ask me for one wish and I will give it to you,” saad niya. Hindi ko maintindihan kung anong trip niya. Bakit first time ba niyang maka-donselya ng babae? “I don’t need anything from you. Just forget this night and never show your face in front of me again!” pabalang na sagot ko sa kaniya. Rumehistro ang gulat sa mukha niya. Kahit mahapdi pa ang p********e ko ay pinilit kong bumaba ng kama para ibalik ang lahat ng suot ko. Ayaw kong tumingin sa kaniya kasi hindi ko alam ang iisipin sa pagkakataong ito. Finally, someone broke my hymen, but the experience was horrible. Aaminin kong nag-enjoy ako sa ginawa niya kanina sa katawan ko. Sana nga lang ay itinuloy na lang niya, kaya lang umayaw na siya. Hindi naman ako desperada para makiusap sa kaniya. Kung ayaw na niya, eh, di huwag! “May I at least know your real name before you go?” napahinto ako sa pagsusuot ng sapatos ko. Bumuntong-hininga ako. “Bakit kailangan mo pang malaman? Hindi na mahalaga iyon. Besides, baka hindi rin naman Hunter ang totoong pangalan mo,” mahina at pabalewalang sagot ko. “I am asking you nicely here! At Hunter talaga ang totoo kong pangalan!” giit naman niya. Ngunit tapos na ako at ready nang umalis. “I don’t care. Just do me a favor and forget that we ever met in this life,” sagot ko at nilampasan na siya. Ngunit mahigpit niyang hinawakan ang braso ko kaya tiningnan ko siya ng masama. “I’m sorry if I hurt you. Hindi ko alam na virgin ka, at isa pa–” “Please! Just forget it, okay? This is not the 18th century where virginity is a big deal,” angil ko sa kaniya. Binawi ko ang braso ko at tuluyan nang lumabas ng silid na iyon. Lumipas pa ang dalawang linggo at tinapos ko na ang lahat ng trabaho ko. Wala pa akong desisyon kung magre-renew ng kontrata sa agency ko dahil tinawagan na ako ni Daddy para pauwiin sa Pilipinas. Sigurado akong ang tungkol sa kasunduan namin two years ago ang pag-uusapan namin. Gayunpaman ay hindi mawala-wala sa isip ko ang lalaking iyon. Hindi pa ulit kami nakakabalik sa Maddox dahil sa buong dalawang linggo ay nasa New York ako, at ngayon naman ay naririto na ulit sa Paris. “Mukhang talagang tuloy na tuloy na ang pag-uwi mo. Makakabalik ka pa kaya? Siguradong malulungkot ang mga fans mo kung bigla kang hihinto. You’re on top of your game now, Dimpz,” malungkot na tanong ni Bella. Ako naman ay napabuntong-hininga. “That depends on what my Dad will have in store for me. Ni hindi ko pa kilala kung sino ang irereto niyang mapapangasawa ko,” tugon ko naman. Naghihinagpis man ang kalooban ko ay ayaw ko namang sumira sa usapan namin ni Daddy. Pinagbigyan niya ako na gawin ang gusto ko. Hindi talaga siya nakialam o ano. Kaya ako naman ngayon ang dapat tumupad sa pangako ko. My career is my biggest achievement in this life. Kahit ipinanganak ako sa mayamang pamilya, hindi madali ang pinagdaanan ko para makuha ang tagumpay na tinatamasa ko ngayon. “Good luck! Don’t worry, I will clear my schedule on your wedding day,” pabirong sabi naman niya para pagaanin ang mood ko. Natawa na lamang ako sa kaniya at nailing. Pagkalipas ng isang linggo ay pabalik na nga ako ng Pilipinas. Ang gusto ni Daddy ay ipasundo ako gamit ang jet namin pero mas gusto kong sumakay na lang ng first class. Nangako kasi ako sa mga fans ko sa Pilipinas na magpapakita ako sa kanila sa airport. Kapag kasi sa jet ako sasakay ay siguradong sa private airport iyon didiretso. “Hi, Miss Charry, puwede po bang magpa-autograph at magpa-picture? Fan ni’yo po ako mula pa noong nag-aaral ako ng college.” Napalingon ako sa nakangiting flight attendant. Ngumiti ako sa kaniya at tumango. Mukha naman itong mas matanda sa akin ng ilang taon. Twenty-two pa lang ako kaya baka noong nagsisimula pa lang ako noon. Limang taon pa lang naman ako sa pagmomodelo. “Sure! Please, huwag mo lang munang ipaalam sa iba, ha? Huwag ka rin munang mag-post. Ayaw kong maalerto iyong ibang pasahero at baka makaabala pa,” pakiusap ko naman. Sunod-sunod itong tumango. Halatang-halata ang matinding excitement sa mukha niya. “Opo, Ma’am! Opo, promise po,” tila natataranta pa niyang sagot. Kinuha ko ang notebook at ballpen na nakaumang sa akin. “Ano’ng pangalan mo?” tanong ko habang nagsusulat ng dedication. “Miryana po,” mabilis naman niyang sagot. Nakangiti akong tumango at isinulat ang pangalan niya saka pinirmahan. “Here,” ibinalik ko na ang notebook. Pagkatapos ay ngumiti noong magsimula na siyang kumuha ng picture namin gamit ang cellphone niya. “Naku, Miss Charice, salamat po talaga, ha? Thank you po talaga,” hindi magkamayaw na saad niya. “You’re welcome,” sabi ko lang at magalang na siyang nagpaalam. Tinanong pa nga niya kung may iba pa ba akong kailangan at noong sabihin kong okay naman ako ay umalis na siya. Bago ako makababa ng eroplano ay nakiusap ang mga piloto at mga flight attendant, pati ang mga crew na magpa-picture sa akin. Kahit pagod ay pinagbigyan ko sila dahil masarap sa pakiramdam na na-aappreciate nila ako. Inaasahan ko nang may mga fans na sasalubong sa akin sa pagdating ko. Pero hindi ko naman inasahang ganito kakapal ang mga taong nag-aabang sa akin. Nag-umpisang umingay ang paligid at kaliwa’t kanan ang mga maririnig na tunog ng shutter kasabay ng flash ng mga camera. Noong makita na nila ako ay nagtilian na sila at mas lalo pang naging maingay ang paligid. Maging ang iba ay napapatingin sa gawi namin at may ilan na ring nakikiusyoso at lumalapit. Naging alerto na ang mga bodyguards ko. Lalo na nang magsimula na ang mga nag-aabot ng mga bouquet ng mga bulaklak at iba’t ibang mga regalo. “Ang ganda-ganda mo Miss Charice!” “Lalo ka pang sumeksi! Nakaka-proud po maging Pinoy kapag nakikita po namin kayo sa mga international fashion show.” “You are really killing the runway all the time, Miss Charice!” Ilan lamang iyan sa mga komento ng mga naroroon. Ang iba ay hindi ko na naririnig dahil sabay-sabay silang nagsasalita at tumitili. Lahat ay gustong magpa-autograph at magpa-picture. Maging ang manager ko at mga PA ay hindi na rin magkandaugaga sa dami ng mga fans. Ngunit nagulat ako nang biglang may lumapit sa gawi ko na isang lalaki at hilahin ang kamay ko. Mabuti na lamang at mabilis ang mga bodyguards ko pero ayaw nitong bitiwan ang kamay kong hawak niya. “Charice! Mahal na mahal kita! Lagi kitang pinapanood at pinapangarap na makasama habang buhay,” sabi ng lalaki. Nanlamig ang buo kong katawan at naiiyak na ako sa takot. Ang higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko. Ngunit napatili ako nang bigla itong bumagsak sa lupa at sa wakas ay mabitiwan na ako. “Asshole!” Narinig ko ang pamilyar na boses. Doon ko lang napansin na may sumuntok pala sa lalaki kaya ito bumagsak sa sahig. Ngunit pagkatapos niyon ay umalis na rin agad iyong lalaking sumuntok at hindi ko na nakita kung saan ito nagtungo dahil nagkumpulan na ulit ang mga tao upang tanungin kung ayos lang ako. Mabilis na rin akong inalalayan ng mga bodyguards para makaalis sa airport at hindi na maulit ang nangyari. Ngunit hindi mawala-wala sa isip ko kung sino iyong lalaking tumulong sa akin kanina. Ni hindi man lang nagpakita ng mukha at umalis na kaagad. *** Guys salamat po agad sa support. Kung naghahanap po kayo ng Free ang completed, add nio lang po ang THE WIFE'S MISERY at MIRALIZA. Sa mga gusto pa pong mag-order ng Physical book ng Desired by the Billionaire Heir, chat nio lang po ako sa face.book account ko na MissThinz Dreame. Happy Reading po!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD