“Good afternoon, ladies and gentlemen! Alam kong excited na kayo sa guest natin ngayong hapon!” deklara ng baklang host. Ito si Lory Gazon, isang sikat na host at TV personality sa bansa. “I know, partner! Grabe, punong-puno ang studio ngayon. Talagang hindi magpapakabog ang mga fans nitong bisita natin para maipakita ang todong suporta nila sa kanilang idolo!” sang-ayon naman noong babaeng host na si Jessica Salve. “Kaya, huwag na nating patagalin pa iyan. Tawagin na natin siya. Pero bago 'yan, magbigay naman tayo ng kaunting impormasyon para sa ating mga viewers na baka hindi pa siya kilala,” anunsyo naman ni Lory. “That’s right, Lory. Ang bisita natin ngayon ay isang sikat na international supermodel at siyempre isa siya sa mga Victoria’s Secret Angels na talaga namang ipinagmamalaki

