SINCE I transferred here in Pendant University, si Shan ang laging kumakausap sa'kin at siya lang yung tumatrato sa'kin in a good way.
Sa napapansin ko, yung iba kong mga kaklase especially mga girls unang araw pa lang ng klase I felt like that they don't like me sa hindi ko rin malamang dahilan.
They are looking at me so bad.
Kapag papasok ako sa room, titingin sila sa'kin at magkukumpulan.
Pero wala din naman akong pakielam at oras sa kanila, pumasok ako dito para matuto at mag-aral.
I just let them mind their own business, and I'll do mine.
Since what happened yesterday, hindi na ako pinansin ni Shan. Hindi rin siya makatingin sa mga mata ko at hindi ko rin narinig na magsalita siya ngayong araw.
Hanggang ngayon, I felt sorry for what I did to her but at some point, nakahinga ako ng maluwag dahil mukhang effective naman ang pagmamaldita ko sa kaniya.
Look, walang nangungulit at tanong nang tanong sa'kin ngayong araw.
Sa totoo lang, she's very kind at isa siya sa taong masarap maging kaibigan. Nang magtama yung mga mata namin kahapon, I felt like she's really wanted to me to be her friend.
I felt her sincerity.
but there is part of me asking myself, "What if sa una lang siya mabait? o baka naman what if she acts like a kind but behind she is really bad?"
What happened to me in the past keeps holding me back to trust again.
Sometimes the kindest person in your eyes could be the baddest.
"You're a b***h, you don't deserve to be love,"
"Kinaibigan ka lang namin para pumasa kami,"
"It's funny that you're intelligent pero hindi mo nalaman na pinaplastik ka lang namin,"
"AHHH, STOP!"
Napasigaw ako nang muling maglaro sa aking mga utak ang mga worst memories na ayaw ko ng balikan.
It's freakin' hurt.
Napasabunot ako sa sarili at napasipa ako sa pader dito sa rooftop.
Until now, I am still furious about what they did to me in the past.
Huminga muli ako ng malalim, nilanghap ko ang sariwang hangin na dumadaan sa aking katawan.
In order for me to calm, napagpasyahan ko na lang basahin ang libro na hindi ko pa natatapos mag-iisang buwan na ang nakakalipas.
Sa totoo lang, ang lugar kung saan masarap magbasa ay sa library dapat ngunit naalibadbaran ako sa mga nakikita ko.
May mga estudyante kasing ginagawang date room ang library sa school na 'to.
Sa pagkakaalam ko, ginawa 'yon sa para maconcentrate sa pagrereview or any related sa study.
Pero iba ang nangyayari, may mga naglalandian, nag-aakbayan, minsan may nakita pa akong naghahalikan which makes me annoyed.
Kaya naghanap na lang ako ng place kung saan hindi pinupuntahan ng estudyante and I found this rooftop.
Alas kwarto na ng hapon kaya naman hindi na masyadong mainit. Malamig din ang simoy ng hangin kaya ang sarap talaga dito magstay.
In the middle of my reading moment, I was suddenly distracted when I heard a noise.
Nakasisiguro ako na galing 'yon sa baba.
It's probably those bullies.
Araw araw na lang ba silang ganyan?
"YES, GO PUNCH HER. DESERVE NIYANG MASUNTOK SA MUKHA,"
"WHAT ARE YOU WAITING FOR KYLO? DON'T TELL ME NAAAWA KA SA BABAENG 'YAN,"
"SHE THREW SOME MILK IN YOUR UNIFORM,"
Mga naririnig kong sigaw ng mga estudyante mula sa baba.
"I'm sorry, hindi ko talaga sinasadya. Don't hurt me, please,"
Hindi na dapat ako makikiusyoso ngunit may narinig akong isang pamilyar na boses.
Agad kong sinarado ang binabasa kong libro at muli itong nilagay sa aking bag.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa lapag at pinagpagan ko muna ang palda kong punong puno ng alikabok at tsaka sumulyap sa baba.
At nakita ko ang mga nagkukumpulang estudyante habang galit na galit at kinukutya ang isang babae.
Masyadong malabo ang aking mata at hindi na ata kasukat ng grado ko ang suot-suot kong eyeglass kaya kailangan ko pa itong idiin para makita ko ng malinawan.
And I was shocked when I saw who's the girl na binubully nila, It's Shan.
Mahigpit na hawak hawak ng lalaki ang kaniyang buhok at pilit niya itong inaalis dahil tila nasasaktan siya.
She's crying like a baby and feeling distraught.
Yung mga estudyanteng mga nakapaligid ay hindi man lang siya tinutulungan bagkus ay nagtatawanan pa ito habang vinivideo kung gaano siya natatakot.
Pinapabayaan lang nila yung lalaki sa ginagawa niya.
Where is their concern?
Tila bigla akong nakaramdam ng inis habang pinagmamasdan ang mga nasisilayan ko sa mga oras na ito.
This kind of act shouldn't be tolerated.
Kahit saang anggulo tignan, mali ang pambubully ng tao.
Wait, should I help her?
No way, I don't want to involve with someone's mess. I even promised it to myself.
"SUNTUKIN MUNA"
"UNTOG MO SA PADER"
"SASAMPALIN NA YAN! SASAMPALIN NA YAN!"
"HUTEK! ANG TAGAL!"
"I'm sorry, I'm very sorry," sabi ni Shan habang may tumutulong luha sa kaniyang mga mata.
Maya-maya ay malakas siyang sinandal ng lalaki sa pader at hinawakan ang kwelyo ng kaniyang uniforme.
Matangkad ang lalaki.
Hindi ko man nakikita ang emosyon niya dahil nakatalikod siya mula sa pwesto ko ngunit aware akong galit na galit siya dahil halos malukot na ang uniforme ni Shan.
"SORRY? LOOK WHAT YOU'VE DONE TO MY UNIFORM. DO YOU KNOW HOW EXPENSIVE IT IS? DO YOU KNOW IT HUH?" galit na galit na sabi nito at akmang susuntukin na si Shan dahilan para mapasigaw ito at mapahagulgol.
Damn, that's too much.
Napakuyom ako ng mga kamao at napaiwas ng tingin.
I hate seeing things like this.
Maya-maya hindi na ako nakatiis, isinukbit ko ang aking bag at dali-daling bumaba.
As long as I wanted to exclude myself in anyone's life, nasasaktan ako kapag nakakakita ako ng mga nabubully.
I used to experience this terrible moment before and I know how it feels and the trauma that it gave to the victims.
Nang makababa ako, agad akong tumakbo mula sa direksyon nila.
Hindi na maawat si Shai sa kakaiyak, she feel helpless dahilan para mapaawang ang bibig ko at hindi ko maiwasang maawa sa kaniya.
Yung ibang mga nanonood, they are really enjoying watching her while she's in this situation at ang masaklap mostly sa mga nandito ay mga kakabaihan na katulad niya.
How evil they are.
"UY KYLO ANO NA?"
"KANINA PA KAMI NAGHIHINTAY, MASTER,"
Panggagatyo ng iba, mas lumapit siya kay Shan.
Pero bago pa tumama sa mukha ni Shan ang kamao ng lalaki ay nahawakan ko agad ang braso niya at tinignan siya ng masama.
Tinakpan ko si Shan na ngayon ay nangangatog ang mga kamay at walang tigil sa pag-iyak.
"Sino ang nagbigay sayo ng karapatan para manakit ng babae?" diretsahang tanong ko.
Tinulak ko ang kaniyang braso paharap dahilan para mapaatras siya.
Gayunpaman, hindi pa rin nagbabago ang kaniyang emosyon, it is cold as ice.
Maya-maya ay nanlaki ang kaniyang mata. It seems like he was shocked when he saw me.
Napatahimik ang paligid.
"Omygash, who is this nerd girl?"
"Damn, she's brave. Alam ba niya ang pinasok niya?"
"Naghahanap yata siya ng sakit ng katawan,"
Rinig kong mga komento sa paligid. Ngunit hindi ko 'yon pinansin.
I just looked at him, seriously.
"Hey, Amira. Stay away from her. Kailangan siya bigyan ng leksyon. Nilagyan niya ng gatas yung uniform ni Master Kylo," sabi ni Topher, our classmate.
Hindi ako magtataka kung bakit siya nandito.
"Kaya nga, she deserves to be punished,"
"She messed with Kylo, that's why she got this,"
Napangisi naman ako at napailing-iling, the way he treats this man is like a prince.
Ano bang meron sa taong 'to? Pare-parehas lang naman silang lahat na may mata, ilong, at bibig. Pare-parehas lang naman kaming estudyante dito sa Pendant University.
I can't believe in this kind of people.
"HOW IMMATURE YOU ALL ARE, nalagyan lang ng gatas itong master niyo kuno naggagalaiti na kayo? She said sorry for how many freakin' times, is it not good enough?" inis kong saad.
"Sino rin ang nagbigay sayo ng karapatan para mangielam sa gusto naming gawin? Kung ayaw mong masaktan LUMAYAS KA SA PAGMUMUKHA NAMIN,"
Mabilis na pumunta si Topher sa direksyon ni Shan at pinipilit akong patabihin. Hinawakan ko ang braso niya at buong pwersa ko muli itong tinulak.
"Sumosobra ka na ah, hindi ko alam kung anong klaseng utak meron ka para manakit ng isang babae."
Kita ko ang pag-usok ng kaniyang mga ilong, "SUMOSOBRA KA NA TALAGANG BABAE KA,"
Susugod dapat siya sa'kin pero pinipigilan siya ng kanilang master.
"I'll handle this," seryosong saad nito.
Tumingin siya sa'kin at naglalakad papalapit sa direksyon.
" Anong gagawin mo sa'kin? Sasaktan mo ako? Susuntukin? Ibang klase talaga kayo," nakipagtitigan ako sa kaniya.
"Hoy, para ipaalala ko sayo. Kahit na anong bagay pa ang natapunan ng isang tao sayo, WALA KA PA RING KARAPATAN NA MANAKIT," bulyaw ko.
Maya-maya ay nabigla ako nang tuluyan na siyang lumapit sa'kin, kinuwelyuhan niya ako at malakas ring isinandal sa pader. I saw his anger from his eyes.
"Who are you to dictate what am I doing?"
Nilapit niya yung mukha niya at nananatili itong seryoso. I feel his hands is shaking because of the guilt he felt at this moment.
Hindi ako nagpatinag sa mga tingin niya, tinignan ko rin siya ng matalim.
As he pushed me into this wall, I can't help myself but go back to the past. I also experienced this in my previous school.
That time, I am weak and clumsy.
But this time, I am gonna make sure that I am stronger.
"It's so nice to fool you, Amira,"
Napatakip ako ng tenga when that line from somebody from my past is rolling in my head and I freakin want to forget it.
Mas dumoble ang galit na nararamdaman ko. My blood seems like flew all in my head.
Hindi ko namalayan na mabilis ko siyang tinulak.
At malakas ko siyang sinapak sa mukha.
"OMYGASH!"
All of them were shocked.
Even me.