NAKANGUSONG hinarap ko sila. Simula kasi kanina ay inaasar na nila ako na manhid. Pero hindi naman nila sinasabi ng eksakto ang bagay na iyon sa akin. I know that Kyler and Justine was just teasing me pero may kung anong nag-uudyok sa akin na totoo ang sinasabi nila. Gustuhin ko man alamin at pilitin sila, alam kong walang aamin kaya mas pinili ko ang maging si Mark dahil tahimik lang. "Try kasi natin sa iba? Kasi kung dito lang tayo mag-iikot, masyadong maliit ang chance na makakuha rin tayo ng information." Suhestiyon ni Kyler. Pansin ko rin na kanina pa maraming nakatingin sa kaniya. Si Justine naman ay kanina pa bumukod dahil gusto raw nitong mas mapabilis kami sa paghahanap. Gusto nga rin ni Kyler na maghiwalay muna kami pero hindi ako pumayag dahil alam ko na hindi niya saulo ito a
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


