Chapter 1: Ang Pagkikita

1500 Words
NAGMAMADALING inayos ko ang sarili dahil sa medyo huli na ako sa klase. Bago kasi pumasok sa unibersidad ay marami pa akong kailangan gawin at ayusin. Isa na roon ang pagluluto ko para sa nanay, dahil paniguradong mala-baril ang magiging sigaw no'n sa akin. Dinoble ko ang bilis ng aking mga galaw at nasa kalagitnaan ako ng maraming ginagawa nang biglang tumunog ang aking cellphone. Naiinis na dinukot ko ito mula sa aking bulsa at kaagad na sinagot ang tawag. Ngunit, pakiramdam ko ay tila nang-iinis lamang ito. "Tawag nang tawag tapos ayaw magsalita!" galit kong sambit at padabog na ibinalik ang cellphone. Nang makontento ako sa ayos ko ay bumaba na ako upang magluto ng agahan. Ilang oras din ang lumipas bago natapos sa pagluluto. Tinakpan ko lamang nang mabuti ang mga ito bago dinampot ang bag ko, para makapasok na. Pumara ako ng tricycle at agad na sumakay. Mabuti na lang at ilang minuto lamang ang biyahe patungo sa Unibersidad na aking pinapasukan, kaya kahit papaano ay makakaabot pa rin ako na hindi masyadong late. "Salamat, Manong," aniko sabay abot ng pamasahe. Tumango lang siya at tinanggap ang perang iniabot ko sa kanya. Kaagad din akong tumakbo matapos makabayad. "Zup? Mukhang nagmamadali ka, ah? What's the rush?" Inismiran ko na lamang ang kaklase kong walang ginawa kundi ang asarin ako nang asarin. Ipinanganak na yata siya para maging ganyan ang role sa aking buhay. Saktong pagpasok ko ay ang pagdating ng Professor namin. Istrikta siya at ako talaga palagi ang paborito niyang iginigisa. "Samantha Madrigal, stand up!" Oh, 'di ba? Wala na akong ibang nagawa kundi ang tumayo. Hindi ko alam kung ano na naman ba ang nagawa ko para muling pagdiskitahan niya. "Yes, Ma'am?" magalang kong tanong sa kanya. "Bakit ka nakatayo?" Napakagat-labi na lamang ako sa inis. Hindi ko alam kung normal pa ba ang utak na meron ang Professor na ito. "Sabi niyo po kasi, e," sarkastikong sagot ko sa kanya. Napabuntong-hininga na lang ako dahil sa inis. Alam kong ako na naman ang pinag-t-tripan niya. "Sit down." Pigil ang inis na naupo akong muli. Nang tumunog na ang bell ay nauna na akong lumabas. Wala naman kasi akong kaibigan na pwedeng makasabay. Sabi kasi nila, ang mayaman ay para lamang sa mayayaman. At wala namang gustong kumaibigan para sa mga dukha na katulad ko. Sa madaling sabi, loner ako. "Hi!" Nagulat ako nang may isang lalaking lumapit sa akin. "H-hey?" medyo naiilang na bati ko pabalik. "I'm Vaughn," nakangiting pagpapakilala niya sabay lahad ng kanyang kamay. Nagdalawang-isip pa ako kung tatanggapin ko ba, pero magiging walang respeto naman ako kapag tumanggi akong makipagkamay. "And you are?" dugtong niya. "Samatha," sagot ko na ikinatango niya at mabilis kaming nag-kamayan. "Nakita ko 'yong ginawa sa 'yo kanina ng Prof mo." I felt awkward, kasi naman halatang mayaman siya at hindi ako sanay. Napailing na lang ako at naiilang na ngumiti. "Ah, 'yon ba? Sanay na ako." Ganito yata talaga kung mahirap ka lang. Gagawin lang nila sa 'yo kung ano ang gusto nila. "Sabay na tayo pumunta sa Cafeteria?" pag-aaya niya. Napa-angat ang aking kilay dahil sa pagkabigla. Hindi ko alam kung papayag ba ako dahil magkaiba naman ang katayuan namin sa buhay. Suotan pa lamang niya ay kakaiba na, gano'n din ang umaalingasaw niyang pabango. "Ahm, nakakahiya haha." Nagulat ako nang bigla niya akong hinawakan sa aking kamay. "Ano ka ba? Bakit ka naman mahihiya e, pantay-pantay lang naman tayong lahat dito," aniya sabay ngiti sa akin. "Baka kasi kung ano pa ang sasabihin nila." Nagulat ako nang marahan niyang pinisil ang ilong ko at guluhin kaunti ang aking nakalugay na buhok. "Sussss, huwag mo pansinin kung ano sasabihin nila. Mga wala lang 'yang magawa sa buhay." Napangiti ako sa sinabi niya, tama nga naman siya. Hindi ko dapat pinapansin kung ano ang sasabihin nila, dapat matuto akong aralin ang art of deadma. "Sige," sagot ko. Nakangiting magkasabay kaming nagtungo sa Cafeteria. Pagkarating namin, siya na ang bumili ng makakain namin. Nahiya tuloy ako bigla dahil siya na rin ang nagbayad. Baka isipin niya na unang pagkakakilala pa lang namin ay hinuthutan ko na kaagad siya. Pero, siya naman ang nagpupumilit. "Here," aniya sabay lapag sa mesa ng mga pagkaing dala niya. Naiilang na kumain ako kasabay siya. Nagkuwento rin siya ng kung ano-ano sa buhay niya, kahit na hindi naman ako nagtatanong. Ewan ko ba, pero hindi ko rin ksi ugali ng magtanong tungkol sa buhay ng isang tao. Ayaw ko isipin nilang interesado ako at iba pa ang maging dating no'n sa kanila. "So, ikaw ba Samantha? Anong trabaho ng nanay mo?" Natahimik ako sa tanong niya. Hindi ko naman ikinahihiya ang trabaho ni nanay, pero nadala na ako sa mga taong nakaalam kung ano ang trabaho niya. "Nagtitinda siya ng mga gulay sa palengke," nakayukong sagot ko. Nagulat ako nang ini-angat niya ang mukha ko dahilan upang magtama ang mga mata naming dalawa. Hindi ko alam kung bakit, ngunit kakaiba ang bilis ng t***k ng aking puso. Kaagad akong lumayo at nag-iwas. "Huwag mong ikahiya ang trabaho ng nanay mo. Hayaan mo silang husgahan ka, at least alam mo sa sarili mo na marangal ang trabaho niya, 'di ba?" kalmadong wika niya. Tumango na lamang ako at nagpatuloy sa paglamon. Matapos naming kumain ay bumalik na ako sa sunod kong klase. Habang nasa gitna ng diskusyon, hindi ko pa rin siya maalis sa isipan ko. Tila ba dahan-dahan niyang winawasak ang mga maling paniniwala ko tungkol sa mga mayayaman. Nang mag-uwian, nagulat pa ako nang naroon si Vaughn sa may tapat ng building namin. Nakasandal ang likod niya sa sementong pader, habang nakapamulsa. "A-anong ginagawa mo riyan?" tanong ko sa kanya. Natatawang lumapit naman siya sa akin. "Ihahatid na kita." Nangunot ang noo ko. "Bakit?" nagtatakang tanong ko. Wala naman kasing dahilan para ihatid niya ako, at kanina pa lamang kaming dalawa nagkakilala. "Wala lang. Maaga pa naman, kaya I just thought na ihatid ka." Hindi na ako nakatanggi pa sa kadahilanang para makatipid na rin ako sa pamasahe. Malaking tulong na rin kasi 'yong alok niyang paghatid sa akin. "Okay," tangi kong sagot. Katahimikan ang bumalot sa amin habang nasa biyahe. Nagsalita lang yata ako para ituro ang address kung saan ako nakatira. "Ihinto mo na lang ako sa tapat ng maliit na bahay na 'yon," basag ko sa katahimikan, habang dinuduro ang bahay na aking tinutukoy. Tumango naman siya at agad na ipinarke ang sasakyan niya sa tapat ng bahay namin. Hindi ko na hinintay pa na pagbuksan niya ako ng pinto, bumaba na ako kaagad. "Salamat," turan ko. Ngumiti siya sa akin at panandaliang pinagmasdan ang tirahan namin. Hiya ang bumalot bigla sa buo kong pagkatao. "Sige, kita na lang tayo bukas sa university." Tumango ako at kumaway para nagpaalam sa kanya. Kinabukasan ay gano'n pa rin ang set-up naming dalawa. Palagi na niya akong inaabangan sa may gate kapag papasok, sa may tapat naman ng building namin kung lunch break at gano'n din kung uwian. Palagi niya akong hinahatid pauwi. Nakakahiya noong una, pero kalaunan ay nakasanayan ko na rin. "Gusto mo ba?" pag-aalok ko sa kanya ng fishball. Napag-alaman ko kasing ngayon pa lang pala siya nakatikim nito e, ang sarap-sarap kaya. "No, thanks. I'm full," tanggi niya. Napasimangot ako, pero hayaan na lang. Busog na raw siya, kaya ako na lang ang uubos. "Bili lang ako ng drinks," pagpapaalam niya. Tumango ako at naupo sa isang tabi, habang pinanood ko siyang lumapit sa isang tindahan para bumili ng softdrinks. "Here," aniya sabay bigay sa akin ng bitbit niyang panulak. Kaagad ko itong kinuha at napasinghap pa ako nang bigla niyang ihaplos sa mukha ko ang kamay niyang sobrang lamig. "Vaughn naman, e!" Malakas siyang natawa dahil sa paghampas ko, samantalang ako naman ay todo sa pagpunas dahil ang lamig. "Joke lang." Napairap na lamang ako. Hinayaan ko siyang pagtawanan ako. Tawa lang siya nang tawa, habang inuubos ko na lang ang pagkain ko na galing din naman sa libre niya. Sa paglipas ng ilan pang mga araw, mas lalo pa kaming nagkalapit. Aminin ko man o hindi, pero halatang sobrang nasanay na ako sa presensiya niya. Dahil sa kanya hindi na ako nag-iisa. May karamay na ako at hindi ko rin maitatanggi na nahuhulog na ang loob ko sa kanya. "Vaughn," pag-agaw ko sa atensiyon niya. Tumambay na naman kasi kami sa paborito naming tambayan, dahil na rin sa dami ng street foods na mabibili rito. "Yes, Samantha... Baby?" muling pang-aasar niya, pero hindi ko naman siniseryoso ang baby na 'yon dahil alam kong imposibleng magkagusto ang tulad niya sa akin na isa lamang dukha. "Wala pala." Gustong-gusto ko talagang tanungin kung may posibilidad ba na maging kami, pero natatakot ako sa magiging sagot niya. Natatakot akong masaktan dahil alam kong sa estado pa lang namin ay paniguradong wala na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD