Panghuli ako na lalabas sa auction hall. Irarampa muna namin ang jewelries sa catwalk na hinanda nila at saka kami tatayo sa gitna para umpisahan ang bidding. Marami ang bidders na pumunta lalo na ang mga middle-aged women. Nagkakaroon lang naman ng auction kapag mataas ang value ng assets kaya maraming bidders ang handang magbayad ng malaki dahil habang tumatagal ay tumataas din ang value ng nabili nila.
Ang suot kong set of peridot ay galing pa sa Italy na dating pagmamay-ari ng isang matandang babae na hindi na nagkaroon ng pamilya kaya wala itong mapapasahan ng kanyang ari-arian.
"Please welcome our star of the night, Miss Anne!" Lumabas ako pagkatawag sa pangalan ko. Habang rumarampa ay hindi ko inaasahan na makikita ko si Benj sa crowd at may katabi itong babae na nakakapit ang braso sa kanya. Pinigilan kong kumunot ang noo ko samantalang siya ay gulat na gulat pa rin ang reaksyon kahit nakatayo na ako sa gitna ng stage. Iniwasan kong tumingin sa direksyon nila dahil baka hindi ako makapagtimpi. Walang ibang laman ang isip ko kung paano ko kukumpruntahin si Benj sa nakita ko. Hindi ko namalayan na natapos ang bidding. Ang malala pa ay ang kasamang babae nito ang may highest bid sa set na suot ko
Bumalik na ako sa dressing room at tinanggal ang jewelries na suot ko. “Ms. Anne, the client requested to meet you. Is it okay?”
Great. Now I have to face them. “It’s okay. I’ll be there in five.” Inabot ko sa secretary ni James ang jewelry. Inayos ko ang make-up ko kailangan mas maganda ako doon sa babaeng kasama ng walang hiya.
Bumalik ako sa auction hall at hinanap si James. Hindi pwedeng haharap ako sa dalawa na wala akong kasama. Ano ako third wheel nila?
“Hey, James! Are you free for a minute?”
“Sure, why not?” Hinatak ko agad ito papunta sa kinaroonan ni Benj.
“Sakyan mo na lang ako, please,” bulong ko kay James.
“Ayaw mong ikaw sumakay sa akin?” balik niya sa’kin na kinalaki ng mata ko. Bahagya kong hinampas ang braso nito.
“I’m just kidding, Anne. Why so serious. Haha.”
“Hello, Mr. Cuevas and Anne, right?” Middle-aged woman ang kasama ni Benj. Hindi naman niya sinabi sa akin na gusto pala niya ng mas matanda sa kanya.
“I’m Marideth, and this is Benjamin, my date tonight.” Tahimik lang si Benj. Hindi ko sinasalubong ang tingin nito dahil ramdam ko ang higpit ng tingin niya sa akin.
“It is so nice to meet you, Madame, Sir.” Kinamayan ko silang dalawa habang nakangiti.
“You know what, Mr, Cuevas… bagay kayong dalawa.”
“Really? I would love to marry her someday.” Hinigit ni James ang baywang ko palapit sa kanya at ngumiti lang ako sa biruan nila.
×—————×
Parriot Hotel
Ipinahatid ako ni James sa hotel na tutuluyan ko pagkatapos ng event. Hindi kami nakapag-usap ni Benj dahil matapos makuha ni Marideth ang alahas ay nag-aya na ito umuwi.
“Can we stay longer?” pakiusap ni Benj
“I’m sorry, Sweetie… Kailangan na natin umuwi bago dumating ang husband ko.”
Hindi ko na narinig ang sagot ni Benj dahil nag-aya na rin si James na umalis sa event. Hindi ako makapaniwalang magagawa ni Benj na pumatol sa may asawa pa talaga?!
Naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko at nakitang tumatawag si Benj. Tinitigan ko lang ang screen hanggang sa mamatay ang tawag niya. Tinapon ko ang cellphone sa kama , hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Benj o iniiwasan kong marinig ang boses niya dahil baka umiyak ako.
Hindi ko na nagawang magpalit ng damit at tuluyan nang humiga sa kama. I’m exhausted both physically and emotionally. Aminado naman ako na bihira lang kami magkasama ni Benj dahil busy kami sa kanya-kanyang trabaho namin pero sapat ba ‘yon para magloko siya?
Sunod-sunod ang pagtunog ng cellphone ko kaya tiningnan ko ito at nakita ang mga messages ni James. He’s inviting me for late dinner, and he’s already at the hotel’s restaurant. I change into my usual wardrobe before I get back to James’ invitation.
Pagkababa ko ng hotel ay tinawagan ko si James para madali ko siyang mahanap sa restaurant ngunit pagkadating ko ay mukha ni Benj ang una kong nahanap. Umiwas agad ako ng tingin at pinuntahan si James sa table na inokupa niya. Sana lang ay hindi siya mag-eskandalo rito.
Pagkaupo ko ay naramdaman ko na lang ang presensya ni Benjamin sa likod ko samantalang si James ay nakakunot na ang noo at handa na makipag-sagutan sa lalaki.
“Excuse me, do you need anything with us?” tanong ni James.
“Babe, let’s talk.” Hindi ko ito nilingon at inaya si James na lumipat na lang kami sa ibang restaurant.
Hinawakan ni Benj ang kanang braso ko at kakaladkarin na sana ako kung hindi siya pinigilan ni James, “What’s your problem?!”
“Huwag kang makialam dito, pre… This is my girlfriend!” sigaw ni Benj.
“Wait… wait… wait… Ikaw ‘yung date kanina ni Mrs. Marideth, right?” pilit din akong hinahatak ni James mula kay Benj.
“Ano ba? Huwag kang mag-eskandalo rito,” saad ko habang pinapakalma ang sitwasyon.
Binitiwan din ako sa huli ni Benj nang may dumating na mga security guards ng hotel. Sinamahan ako ni James pabalik sa vip room at nagpa-room service na lang kami ng pagkain.
“I didn’t know that you have a boyfriend, Anne… My bad,” pagputol ni James sa katahimikan sa pagitan namin dalawa.
“I’m sorry for what happened, James… and about that… alam mo naman ang kalakaran sa industry na ‘to.”
Nagkasundo kami ni James na itago ang tungkol sa pagkakaroon ko ng boyfriend. He even offered me help if I need anything. I’m grateful that I met him.
×—————×
Tumawag sa akin si Mama para sabihin na nasa bahay si Benj kaya dumiretso ako sa condo ko dahil ayoko muna makita ito. Ayoko muna isipin ang mga nangyari sa auction event.
Marami pa akong kailangan ayusin sa opisina dahil maraming projects ang dumating para sa mga model ng agency namin at may panibago akong project bilang model ng JaCu jewelries na gaganapin sa Palawan kaya bago ko iwan ang trabaho sa opisina ay dapat maayos ko muna ang kontrata ng mga models.
“Ma’am, may gusto po kumausap sa’yo.” Tinaasan ko ng kilay ang secretary ko dahil ayoko sa lahat kapag busy ako ay may istorbo.
“Have you forgotten my GOLDEN rule?”
“Have you forgotten your boyfriend?” Narinig ko ang boses ni Benj mula sa likod ng secretary ko. The nerve of this guy!
“Grr. Fine, let’s talk!” Pinaalis ko ang secretary para magkaroon kami ng privacy ng lalaking ‘to.
“Hindi mo sinabi sa akin na nag-eescort ka,” malalim at matigas na saad nito.
“Hindi mo rin sinabi sa akin na mahilig ka sa matanda!” balik ko sa kanya.
“W-What? Wala kaming relasyon ‘non… Nanay siya ng best friend ko.” Nakaramdam ako ng hiya sa sinabi ni Benj.
“Well, being an escort is part of this industry, Benj.”
Ipinakita ni Benj sa akin ang pictures niya kasama si Marideth at ang buong pamilya nito. Ang pagsama ni Benj sa event ay parte ng planong surpresa nila sa babae dahil birthday pala niya ‘nong araw na ‘yon. Ipinaliwanag ko naman sa kanya kung ano ang ginagawa ng escort. Noong una ay gusto niyang patigilin ako ngunit nagmatigas ako dahil ito ang gusto kong tahakin na career. Simula bata pa lang lagi akong dala ni Mama sa photoshoots niya hanggang sa nag-retire siya sa industriyang ito dahil pinatigil na siya ni Papa. Kaya gusto ko rin masundan ang yapak niya balang araw.
“I’ll see you in two weeks,” paalam ko kay Benj bago siya umalis sa opisina ko.