{Ang Pagbura sa Listahan}

2064 Words
PITUMPU'T LIMANG porsyento na ang kumakarga sa kanilang mga sistema. Isang gamot na naman ang kailangan nilang inumin upang makontrol ng siyentipikong si Maulim ang kanilang mga isipan. Ngunit hindi nito alam na matagal ng hindi gumagana sa kanilang mga isipan ang gamot na iyon. Walumpu't anim na porsyento. Isinubo na nila ang gamot. Ngunit ang bawat-isa ay pinipilit na labanan ito. Iyon na lang ang tanging pagkakataon nila upang makawala sa sumpa ng ekspiremento nito. Mula sa pitong magkakaibigan ay may isa ng nakawala, si Juke. Unti-unting gumagalaw na ang kanyang kanang kamay. Muling hinampas ni Maulim ang pisarang gawa sa salamin upang sumunod sila sa nais nitong ipagawa. Siyamnapu't limang porsyento. Ang ulo't katawan nila ay naigagalaw na. May nalikhang letra sa kanilang mga lamiseta. Ito ang panibagong leksyon na kailangan nilang aralin para sa panibagong ekperimento nito. Ngunit patuloy pa rin sa pagwawala ang kanilang mga isipan upang mapigilan ang balak nito. Ito na ang pinakahihintay nila. Sabay-sabay ang anim na natitira, at hinampas ang kanilang mga lamesa. "No machine. T-time to wake up!" Iginalaw nila ang ulo papunta sa kaliwa at kanan. "No to controlling! Time to move!" Nagsitayo ang bawat-isa, at itinumba ang lamesa. Ang bawat siyentipiko na nasa laboratoryo ay napitlag sa kanilang ginawa. Kitang-kita ang takot ng mga ito sa mata. Gamit ang upuan ay hinampas ni Juke ang isang siyentipikong may suot ng puting panlaboratoryo. Dulot ng pagsigaw ng magkakaibigan ay nayanig ang pader at unti-unting nawasak. Naging makapangyarihan sila sa tulong ng bawat-isa. Hampas dito, bugbog doon ang kanilang ginagawa sa mga siyentipikong nag-eksperimento sa kanila ng mahabang panahon. Napabagsak nila ang mga naroon sa tulong ng pagtutulungan. Unti-unting sumasabog ang laboratoryo habang pababa sila ng hagdan. Ngunit sa tuwing papalayo sila sa naturang lugar ay nararamdaman din nila ang paghina ng kanilang mga sistema. Pakiramdam nila'y nawawala ang napakalakas na kapangyarihang dumadaloy sa kanilang katawan. Ang pitong magkakaibigan ay tuluyan ng nakalayo sa naturang laboratoryong iyon. Sa napakahabang daan ay natanaw nila ang napakalaking tarangkahan. Ito ay kulay pilak na kay tayog, at matatanaw sa loob ang kay kinang na lugar. Maririnig din ang malamyos na musika na tinutogtog ng mga kababaihan na may pakpak sa gilid ng bawat hagdan. "Hanggang diyan na lamang kayo!" Istriktong wika ng tatlong kababaihan na kay gaganda. Dama nila ang matitinding kapangyarihang taglay ng mga ito sapagkat tuluyan silang napahinto sa kinatatayuan kahit na hindi iniutos ng kanilang mga isipan. Nanigas ang kanilang mga paa, at hindi makagalaw. "Sino kayo?" Wala sa loob na tanong ni Raphael. "Hindi kayo nakatadhana na mamalagi sa lugar na ito," wika ng isa. "Ang ngalan ko'y Eunomia, at ito naman si Dike at Eirene, ang aking mga kapatid. Kami ang tagapagbantay ng pinto ng Olympus, at wala kayong karapatang pumasok dito!" "Turn off pre. Ang sungit niya, ang ganda pa naman sana," iiling-iling na wika ni Jimmy. "Ngunit bakit dito kami hinila ng aming mga paa kung hindi naman kami para sa lugar na ito?" Tanong naman ni Jirou nang may pagtataka. "May rason ang lahat ng bagay," ngumiti si Dike, ang nasa kaliwa matapos nitong magsalita habang itinuturo sa kanila ang tatahaking daan. "Ingat, maligaw sana kayo!" Medyo may kapilyahang wika naman ng nasa kanan na si Eirene. Paglipas ng ilang oras ay patuloy pa rin sila sa paglalakad... Hindi nila alam kung gaano na katagal at kalayo ang kanilang paglalakbay, ngunit nagpatuloy pa rin ang magkakaibibigan upang marating ang kanilang pupuntahan. Ang dinadaanan nilang ruta ay painit nang painit at palalim nang palalim. "Ang hot ko," naiiling na pahayag ni Jimmy. "Para akong matutusta," pinunasan ni Summer ang butil ng pawis na tumutulo sa kanyang katawan. "Hindi kaya mali tayo ng nadaanan?" Tuluyan ng sumuko si Vladimir at sumalampak sa lapag. "Impyerno ba ito?!" Reklamo naman ni Jonas na dama na ang sobrang init ng paligid. "Tama at mali." "Ha?!" Sabay-sabay silang napalingon sa iisang nilalang na naka talukbong ng itim, at may hawak na karit. Dahil sa gulat ni Vladimir ay napakapit ito sa paa ni Juke. Nilingon naman siya ni Juke at tinitigan nang masama, kaya naman bumitaw din agad ito. Maraming pumasok na tanong sa kanilang mga isipan, ngunit ni isa man sa kanila ay hindi magawang magsasalita sapagkat pakiramdam nila'y natamemeng bigla ang kanilang mga bunganga. Maliban kay Jimmy na hindi na talaga nakatiis. "Sino ka? Anong kailangan mo sa amin?" "Wala akong kailangan sa inyo, baka kayo ang may kailangan sa akin," pakiramdam nila'y nagsitayuan ang kanilang mga balahibo dahil sa nakakakilabot na boses nito na animo'y nagmula pa sa kailaliman. "Bakit naman?" Maangas na tanong ni Jimmy. Naramdaman nilang muli ang takot ng tumawa ito nang kay lakas. "Mga mangmang! Ang susunod ninyong tatahakin ay underworld na! Ang tahanan ng halimaw na si Hades." "Ano?!" Tanong nila ng hindi makapaniwala. Ngunit, ang bawat-isa sa kanila'y gumawa ng konklusyon sa isipan. Maaring tama ang wika nito, at maari ring mali. Nagsitayuan ang kanilang balahibo ng marinig ang pagsigaw ng mga boses mula sa nag-aapoy na butas na ngayon lamang nila napansin. "Kawawang mga kaluluwa," naiiling na wika ni Kamatayan. "Maaring pinapahirapan na naman sila ni Hades, o di naman kaya ay pinaglalaruan ng Cerberus." Napabuntong hininga ito. "Magbalik tayo sa usapan," bumalik na naman ang nakakatakot na tono ng boses nito. Ngunit nagbago ang nasa isip nila ng pumilantik ang daliri nito at ilabas ang isang libro na may nakatatak na death note. Naka kadena ito at may kulay na itim na usok pang umeksena. "Ikaw si... kamatayan?!" Koro nilang wika. "Nakakarindi, kailangan ba talagang nagsasabay-sabay ang inyong pagsasalita?" Naging malikot naman ang isipan ni Vladimir, at dala ng matinding kuryosidad ay unti-unti siyang lumalapit dito habang patuloy lamang ito sa pagsasalita, at animo'y hindi man lang naramdaman ang presensya niya. "Bakit... ang baho ng hininga mo?!" "Mangmang! Ikaw na nga lang itong makikiamoy, magrereklamo ka pa!" Ibinagsak nito ang karit sa sahig at bumigkas ng isang orasyon na hindi nila maintindihan. Habang si Vladimir ay nagkanda duwal-duwal na dahil sa masangsang na amoy na nalanghap. Pinagsisihan niya ang paglapit dito. "Anong amoy pre?" Takang tanong ni Jimmy. "Imburnal Jimmy! Puso n***o!" Tumango-tango naman si Summer, "wala naman kaseng mouthwash dito sa impyerno. Kala mo kung sinong rich kid. Aarte pa!" Pambabara niya pa. Napahalakhak nang husto si Juke, at nawala ang takot na nadama, ngunit nahimpil siya sa kinatatayuan ng humangin nang napakalakas, at kuminang ang libro nito. Nakakasilaw, ngunit pinilit nilang titigan dala ng kuryosidad. Maya-maya pa'y nakalas ang kadena at bumukas ang kwadernong iyon. "Bago kayo napunta sa laboratoryo ng Lalimbamba, ay naging tao kayong pito, at walang kahit na anong mahikang komokontrol sa inyo. Ang kaluluwa niyo naman ay napunta sa Lalimbamba." "Lalimbamba?" "Ang baho ng pangalan!" Reklamo ni Summer na inaantok na naman. "Lapastangan!" Sa isang kurap lamang ni Summer ay nasa harapan niya na ang reaper. Natakot siya noong una, ngunit nakahinga nang maluwag matapos ituktok lang sa maluwag na kokote niya ang kwaderno nito, at bumalik muli ng walang kahirap-hirap sa dating pwesto. "Ang Lalimbamba ay lugar ng mga nilalang na may walang hanggan ang buhay. Maaring maging sariwa at bata ang kanilang laman." "Dapat pala doon na lang tayo-" hindi naituloy ni Juke ang sasabihin. "Mali kayo ng akala! Hibang! Ang mga isipan niyo'y kinokontrol na ng mga siyentipikong nasa Lalimbamba upang gamitin nila sa pag-aaral ng walang humpay na pagpapabata. Ngunit ng dahil sa kapangyarihang taglay ko'y nakawala kayo!" "Weh? Mamatay? Na stress na ang lolo niyo," wika ni Summer. "Lagot kayo. Don't me, just swag." Agad siyang siniko ni Jonas. "P-paano? N-ngunit," hindi na nagawang umalma pa ni Jirou. Kahit hindi niya aminin, ay alam ng bawat-isa na may palaging bumubulong sa kanilang isipan upang gawin ang isang bagay. Saka lamang sumagi sa kanyang isipan na kaboses nito ang tumulong sa kanilang makawala sa mga sumpa ng ekspiremento na halos komontrol sa kanilang pagkatao. "Ang gamot na iniinom niyo ay galing sa isang makapangyarihang mangkukulam na tiga-Lalibamba." "Magulo." Hinaing ni Raphael. "Ang mundong ito'y nahahati sa apat na dimensiyon; ang itaas na tinatawag na Olympus. Ang underworld na pinaglalagakan ng mga namatay na tao na gumawa ng kasamaan. Ang Lalimbamba na magaling sa pandaraya, at panggugulo. Ang panghuli naman ay mundo ng mga nilalang na kung saan dapat kayo'y nabibilang. Kalangitan o Olympus, pook kung saan nanahan ang makakapangyarihang Diyos at Diyosa. Underworld, isang lugar na puno ng paghihirap, pasakit, at pighati araw-araw. Dito naman napupunta ang mga nilalang na gumawa ng kasamaan noong nabubuhay pa. Ang namamahala dito ay si Hades. Ang huli naman ay ang mundo ng mga nilalang, kung saan sila mismo ang gagawa ng kanilang kapalaran. Sila na ang bahala kung gusto nilang maging mabuti, o masama," mahabang paliwanag ng reaper. "Saan na kami nabibilang ngayon?" Tanong ni Jonas. "Sa underworld." "Ano?!" "Bale, papunta pa lang. Napigilan ang dapat sana'y mangyayari na. Nang dahil sa Libamba, nagulo ang lahat ng pagkakaayos. Ang inyong kaluluwa'y nandito, habang ang inyo namang katawan ay nasa mundo pa. Hindi ako makapapayag na taliwasin ng iba ang dapat sana'y mangyayari na!" "Ano bang pinupunto mo?" Hindi na maiwasang magtanong ni Jirou, dahil sa paligoy-ligoy nitong kwento. Masyadong mababa ang pasensya niya sa lahat ng bagay. "Ang nais ko lang sabihin ay papunta na kayo sa underworld. Ngunit dahil kailangan ko kayo ay kailangan niyo rin akong sang-ayunan sa gusto kong mangyari." Napangisi na lamang si Juke. Sinabi nito kanina na sila ang may kailangan dito, ngunit ngayon ay naging taliwas na. "Sabihin na lang nating makikinabang kayo, at makikinabang din ako." "Anong kasunduan?" Tanong ni Raphael. "Hindi ko ililista ang inyong pangalan sa aking kwaderno. Hindi niyo mararanasan ang hirap na dapat ninyong kasasadlakan sa simula pa lang. Mabubuhay kayong muli sa mundo ng mga mortal." "At ano namang kailangan naming gawin?" Umunat si Vladimir at someryoso ang mukha. "Kailangan ninyong mahanap ang anak ko." "Ano? May anak ka?!" Sabay na tanong ni Juke, at Vladimir. "Pumapayag na ba kayo sa ipapatrabaho ko?" Nagkatingin silang pito habang nangungusap ang mga mata. Humarap sa reaper, at sabay-sabay na sumang-ayon. Iyon na lang ang tanging paraan upang mabuhay pa sila at hindi maghirap. "Magaling!" Tumawa itong muli ng nakakakilabot. "Saglit nga lang!" Pigil ni Summer sa walang humpay na kakatawa nito. "Hindi ba sabi mo ikaw si Kamatayan? Ibig sabihin may kakayahan kang makita ang lahat ng taong buhay-" Dahil sa pagpigil ni Summer ay nagbago na naman ang ekspresyon ng mukha nito. "Hunghang! Mangmang! Kamatayan nga 'di ba? Edi sana Kabuhayan ang naging pangalan ko. Minsan kase gamitin ang utak, hindi puro bunganga. Ngayon alam ko na kung bakit kayo mabilis binawian ng buhay," sunod-sunod nitong wika habang naiiling pa matapos putulin ang sinasabi ni Summer. Pare-parehas silang nawalan ng ekspresyon dahil sa tuloy-tuloy nitong pagsasalita. "Summer, huwag ka ng sasabat. Baka samain ka sa akin," nagbabantang wika ni Jonas. Tama ng patunay si Kamatayan na totoo ang lahat ng bagay na nasaksihan nila ngayon. Masyado silang maswerte upang mabigyan pa ng ikalawang pagkakataon upang mabuhay. Ngunit ang paghahanap sa anak nito ay malaking hamon para sa bawat-isa sa kanila. Sapagkat walang makakapagsabi kung nasaan nga ba itong talaga. Kaya naman ang tiyansa nila ay napakaliit lamang. Pero mas maganda ng subukan nilang lahat kaysa magdusa. Mula sa pagkumpas ng mga kalansay nitong daliri ay lumabas ang isang malaking sroll na nagliliyab pa. "Upang mas maging mabisa ang ating pinagkasunduan, kailangan ninyong pirmahan ang isang kontrata." "Kontrata? Ayos ah!" Natatawang wika nanaman ni Summer. "Hindi biro ang tatahakin niyo! Huwag niyong isipin na laro-laro ang lahat ng ito!" Sabay-sabay nilang pinagtinginan si Summer, at babalang pinagbawalan gamit ang mga mata. Binigyan sila ng punyal nito, at inutusang maglagda gamit ang kanilang mga dugo. Nang matapos ang lahat ay sinunog nito ang scroll habang humahalakhak. Dahil sa ginawa nito'y nakaramdam sila ng matinding kaba. "Ang lahat ng pinag kasunduan natin ay wala ng sinumang makakabali. Kaya naman ang gusto ko'y susundin niyo," naglaho ito sa isang kisap mata lang nila. Nanlugmok na lamang sila sa kinatatayuan, at pagmulat ng mata'y nasa pinangyayarihan na ng magiging katupasan ng buhay nila. Ibig sabihin ay bumalik sila sa nakaraan upang pigilan ang kanilang kamatayan. Ngayon ay nakikita nila ang ginagawa ng kanilang mga sarili. Animo'y may mga kakambal sila na pinagmamasdan sa harapan habang hindi gumagawa ang mga ito ng maganda. Kailangan nilang pigilan ang mga sarili, bago mahuli ang lahat.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD