Chapter 33 "Arigatou!" Pagpapasalamat at pagpapaalam ko sa driver. Agad naman itong tumulak. Hinarap ko na si Kazuki. Mukha siyang inosenteng tuta na naghihintay na purihin siya ng kanyang amo dahil sa ginawa nitong pagsunod sa kanya. Iniwan niya ba si Akame? "Umuwi ka na," ang tanging nasabi ko bago siya talikuran. Kanina ay nais niyang magpaliwanag. Katulad nga sa inaasahan ko ang kaso nasa kalagitnaan kami ng traffic at umuusad na ang mga kotseng nasa unahan namin kaya sinabi ko na lang na pumasok na kami sa sasakyan. Kaya hanggang sa nakarating kami ay hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na magsalita dahil na rin sa presensya ni Kasei. I don't know but I have a doubt that Kazuki is trying to be cool. Para bang may iniingatan siya. It looks like his intention is very clean. May

