Chapter 39 Pumasok ako sa school tulad ng naging plano. Pero hindi ko nakita sa classroom si Kasei. Kumpulan agad ang mga estudyanteng nakakakilala kay Luna at sunod-sunod sa pagbato ng tanong. "Maayos na po ba ang pakiramdam niyo, Kitora-senpai?" "Hindi po ba kakalabas niyo lang galing sa hospital?" "Dapat magpahinga ka po muna. Wala bang masakit sa katawan mo?" "Kumusta na po ang ulo niyo?" At marami pang iba. Ang sinabi ko lang ay maayos na ang pakiramdam ko. Agad naman silang umalis dahil sinita na sila ng mga kaklase ko lalo na si Aito. "Magsibalikan na kayo sa classroom niyo! May homeroom kayo, hindi ba?" Nginitian ko si Aito nang lumapit ito sa akin. Namiss ko rin ang isang ito. "Ayos na ba talaga ang pakiramdam mo?" tanong din ni Aito sa nag-aalalang boses. "Oo. Hindi g

