Chapter 41 Simula pagkabata wala na akong hilig sa sports. Kaya rin siguro mahina ang katawan ko dahil pati sa P.E namin ay tamad ako. Pero kahit ganun nagagawa kong maka top sa klase. Hanggang sa lumaki na ako ay hindi ko na hilig ang manood ng sports. Siguro dahil mas nahikayat ang kakayahan ko sa pagpipinta ay wala na akong ibang pinagkaabalahan. I didn't explore for more. Mama told me that I might have some hidden talent aside from painting or arts but still I decided to settle for it. "Saan daw ba itong ipinagmamalaki nilang district nila mismo?" Kanina pa naiinis si Aito dahil rinding-rindi na siya sa sinasabi ng mga Basketball Players ng Kaitou High tungkol sa Black Sparrow Team. Ang iba ay umaambang aatras dahil kinatatakutan ang grupong nabanggit ni Kasei kagabi pero walang m

