Chapter 12 "Travis Hong!" Tawag ko sa pangalan niya na may halong panggigigil. Tumawa ito ng malakas. Natuluyan na ata ang isang 'to. Mukha siyang takas sa mental. Ano bang atraso ni Luna sa lalaki na ito? "Oh, napakaganda sa aking pandinig ang pagtawag mo sa buong pangalan ko. Tell me, do you feel the same way hmm Kitora… chan?" Halos magpalpitate ang kilay ko dahil sa inis. "Ano bang atraso ni errr ko sayo?" He look so surprise after I asked that. "Nagka-amnesia ka ba? Sige, ipapaalala ko sa'yo!" Sinenyasan niya ang dalawang lalaki na hawakan ako sa magkabilang braso. Although they all have the strength to inflict me I can feel their carefulness. Ang lalaking nakahawak sa kanang braso ko ay bahagya pa talagang inaawat ang sarili sa akin at para pang nanginginig. Kaya hindi a

