Chapter 3

2078 Words
Chapter 3 At dahil pinaalis ako sa classroom, akala ko pupwede akong gumala. Naparusahan pa ako dahil sa pagtupi ko ng manggas ng aking uniporme. Alam niyo? Pakiramdam ko sinasadya ito ng tadhana. Naiiyak na naman ako habang nanginginig dahil kanina pa ako nakatayo dito sa labas ng classroom.  "That's all for today" Narinig ko ang bell. Pero hindi ako umalis sa kinatatayuan ko kahit pa bago umalis si sir ay sinabing pupwede na akong umalis. Napatungo nalang ako. Alam ko namang wala akong ibang mahihingian ng tulong. Dahil sa itsura palang, realidad na talaga ito! Biglang pumatak ang mga luha ko dahil sa takot na baka ay totoo na talaga ito. Paano kung hindi na ako makabalik? Paano kung hindi ko na makita pa sina mama at papa. Ayoko! Hindi ko kaya...  Someone patted my head. Napaangat ang tingin ko. Bumungad saakin ang gwapong mukha ng isang lalaki. Hindi man maiwasan, alam kong ito ang lalaking kinababaliwan ni Akame. Ngumiti ito ng malapad at kitang-kita ko ang mapuputi niyang ngipin. Hindi nakatakas sa paningin ko ang pamumula ng kaniyang magkabilang tainga.  "First time mo atang maparusahan, Luna?" Hindi ako nagsalita. Nakatitig lang ako sakanya.  "Ang tahimik mo ata?" Puna niya saakin.  "Sino ka?" Ang lumabas sa aking bibig.  "Whoah! Niyaya lang kita ng friendly date kahapon hindi mo na ako nakikilala?"  "Friendly date? Palusot ka pa. Eh may lihim ka namang pagtingin saakin." Sa isip ko lang dapat iyon pero bigla kong naisatinig!! Omg! Nanlaki ang kaniyang mga mata. Doon ko pa napagtanto na hindi pala ako si Yashita ngayon, nasa loob ako ng katawan ni Luna!  "A-ano ba 'yang sinasabi mo?" "Torpe mo naman" Hindi ko maiwasang hindi siya asarin. Para kasing... nawawala ang lahat ng inis ko kanina. Pakiramdam ko... pinapawi niya iyon. Hindi kaya may lihim din na pagtingin si Luna sakanya pero hindi lang nabanggit sa kwento?  "You are so weird today. Umuwi na tayo? Ihatid ulit kita." Aya niya saakin sabay kuha ng bag ko.  "Sige" Ang tanging naisagot ko.  Papalubog na ang araw at puro siya kwento tungkol sa nangyaring date kahapon. Date nila ni Luna. Tango lang ako ng tango at nakikisabay sa tawa niya kasi wala naman akong alam sa nangyari. Paano kaya kung malaman niya na hindi ako si Luna?  Senior High Student si Kazuki. Captain ng basketball team. Matangkad, kasing tangkad ni Kasei. Palaging nakakasali sa honor roll ayon sa kwento. Mahaba ang kulay abong buhok. At kahit sino'y madadala sa mga mata nitong kasing dilaw ng araw. "I'll be on your 4th contest. Galingan mo ha" "4th Contest?" "Piano~" Bahagya pa itong nag piano sa ere.  P-p-piano?!  Oh my gosh! Hindi ako marunong magpiano! At hindi ko ata nabasa sa kwento na may dadaluhang Piano Contest si Luna!  "Anong date?" "Sa susunod na linggo. Oh bakit parang gulat na gulat ka?" "Ahahaha kasi hindi pa ako nakakapag practice" "Asus! Hindi mo na kailangang magpractice. Kayang-kaya mo si Akame!" At si Akame pa ang kalaban ko?!  Para akong mahihimatay sa lahat ng nalalaman ko. Mababaliw na ata ako.  "Si Akame ang kalaban ko?" "Oo. Akala ko na informed ka na?" "Nauntog kasi ang ulo ko kahapon. Kaya pakiramdam ko nakalimutan ko lahat ng nasa utak ko"  Nauntog. Sana nga nauntog lang ano? Tapos pag inuntog ulit makakabalik ako sa tunay na katawan ko!  "Ingatan mo kasi ang sarili mo- oh! Hindi ba gustong-gusto mo ang Cherry Blossom Tree na iyon? Umupo muna tayo" Napaangat ang tingin ko sa itinuro niyang Cherry Blossom Tree. Katulad na katulad ng nasa realidad! Ito iyong pinagpicture-an saakin ni mama. Pakiramdam ko nagkaroon ulit ako ng lakas ng loob. Panaginip ito! Panaginip dahil sa binasa ko nung gabing iyon!  Sumabay ako sa pag-upo ni Kazuki. Pareho ba ng petsa dito ang petsa namin kahapon?  "Anong petsa na ngayon?" Tanong ko kay Kazuki.  "September 13 na" September 13?! March 13 ngayon saamin kung ganoon?! Eh may Cherry Blossoms lang kapag March at May. Pero bakit tumutubo itong sakanila?  "Alam mo? Kahapon ang first quarter moon phase"  Hindi ako nakapagsalita. Kung magkaiba ang petsa, at ang pamumulaklak ng mga bulaklak, ng puno, pero parehong sa September ang first quarter moon, at sa nobela'y walang nakalagay na petsa... ibig sabihin hindi ako napapalaboob sa kwento, kundi sa totoong buhay ng mga character sa manga na iyon! But there's no such a thing like that! Fiction is a fiction!  Oh my god. Mas naging komplikado ito!  "Hindi parin ba kayo nagkakasundo ni Akame?"  Nabalik ako sa aking huwesyo.  "Ewan" Hindi ko alam. Sila ni Luna hindi.  "Huwag mo nalang siya pansinin" "Totoo bang nireject mo siya kahapon? Pang ilang beses na niyang nagconfess sayo?" Sa last na update ng may akda, doon naputol sa mismong pagcoconfess ni Akame.  "Paano mo nalaman?" At silang dalawa lang ang nakakaalam.  "Ah oo. Hindi ko siya gusto." Agad nitong sagot pagkatapos makabawi sa sariling tanong na hindi ko nasagot.  "Bakit? Sino ba ang gusto mo?"  "Wag mo ng itanong"  Bigla siyang namula kaya nag-iwas ito ng tingin. "Bat ka namumula?"  "H-huh? Hindi naman ako namumula" Siguro napaka awkward noh? Yung tipong tatanungin ka ng taong gusto mo kung sino ba ang gusto mo?  "Aminin mo na kasi na ako ang gusto mo, Kazuki" Pang-aasar ko sakanya. Agad itong napatingin saakin.  "K-kazuki? I am your Senpai, Luna!" Uh-oh.  Siguro kailangan kong umakto ayon sa ugali ni Luna? Pero hindi ako si Luna!  "Sus, iniiwasan mo lang ang tanong ko. Ako ang gusto mo noh?"  Mas lalo itong namula. Humalakhak ako ng malakas bago ito akbayan. Naramdaman ko ang kanyang pagkaestatwa.  "Alam ko namang si Luna ang gusto mo. Nirereject mo ang lahat ng nagcoconfess sayo. Ang palagi mong excuse ay mas bata sila kaysa sayo. Pero mas bata din naman si Luna sayo ah?" "Ang weird mo ngayon"  "Simula ngayon, dumistansya ka saakin! Hindi ko kailangan ng sinungaling at torpe. Naiintindihan mo, Kazuki?!" Sigaw ko sakanya bago tumayo at agawin sakanya ang bag ko.  Feel na feel ko rin eh noh? Pero nakakagaan ng loob si Kazuki. Nakakawala ng stress. At sobrang daling pakisamahan. Pakiramdam ko nagkakacrush na din ako sakanya pero hindi! Hindi pupwede. Ayokong sirain ang love life ni Luna. Dapat hanggat hindi pa ako nakakabalik sisiguraduhin kong hindi ako makakagawa ng eskandalo.  Agad itong napatayo at nanlalaki ang mga mata. Hindi ko kailangang umakto na parang si Luna. Simula ngayon, papalitan ko ang dating Luna. Dahil habang hindi ko alam kung paano makaalis sa katawan na ito, ako parin si Yashita.  "I-i like you, Kitora!" Agap nito saakin.  Umamin din ang torpe.  Thank me when I return to my real body, Luna.  "Weeeh?"  "I really like you! A-ayokong umamin noon dahil ang sabi mo ayaw mo sa mas malaki ang agwat ng edad sayo... Pero ngayon, nagkaroon ako ng lakas na umamin. Itataya ko ang pagkakaibigan natin para lang masabi ko sayo ang nararamdaman ko. Di bale ng hindi mo na ako pansinin. Gusto ko lang na malaman mo na gustong-gusto kita, kahit alam kong malabong magkagusto ka saakin, gusto parin kita!" At namula ito ng sobra.  Ganito pala ang pakiramdam kapag may umamin sa harapan mo. Kitang-kita ko ang tapat sa mga mata ni Kazuki. Biglang lumakas sa pagtibok ang puso ko. Hmm... I see. So may gusto pala si Luna kay Kazuki.  "Stupid" Ang tanging naisagot ko.  Para siyang nawalan ng lakas sa isinagot ko. Sayang ka, at ngayon mo pa naisipang umamin.  "Hindi kita gusto" Patuloy ko.  "Ok lang! Ano ka ba!" Ngumiti ito ng malapad.  The pain was evident in his eyes. I saw small tears pero agad din namang nawala. He's so sincere... na gusto ko nalang magvanish bigla at ipalit si Luna gayong sirang-sira na ang pag-amin ni Kazuki.  I'm sorry, I ruined your moment, Luna and Kazuki.  "Oh bat nakatayo kalang jan? Tara na! Ihatid mo na ako" Tumango ito at sumabay saakin sa paglalakad. Sinulyapan ko siya at nakangiti parin ito. Nanikip bigla ang puso ko. Nasaan kaya nalagay si Luna?  "Kazuki..." "Ano 'yun, Luna?" "May gusto rin sana akong sabihin sayo kaso..." "Kaso ano?" "Makakapaghintay ka ba hanggang sa pupwede ko ng sabihin sayo ang tunay na sagot ko sa sinabi mo kanina?" Tumigil ito sa paglalakad. Kung sa normal na sitwasyon, hindi dapat ganito ang trato ni Luna kay Kazuki lalo na't senior niya ito. Pero dahil ako si Yashita, ako parin ang senior nila.  "Hindi ba ang sagot mo hindi mo ako gusto?" "Sagot 'yun ng isang ako!" "Dalawa ka ba?" Tumawa pa ito.  Mahina kong tinampal ang braso niya. Tumawa ulit ito na para bang hindi nanggaling sa sakit kanina.  "Oo dalawa ako. Ako ngayon 'yung pangalawa na hindi katulad ng una. Kung makakapaghintay ka sana sa sagot ng totoong Luna na kilala mo... Ikaw na ang magiging pinakamasayang lalaki sa buong mundo" "Sige maghihintay ako sa isa pang ikaw! Aasahan ko yan ha!" Masigla nitong sagot kahit pa hindi ko alam kung totoo na siniseryoso niya lahat ng sinasabi ko.  Isinarado ko ang gate pagkatapos kumaway ni Kazuki. Hinintay ko pa na umalis ito bago ako nagpatuloy sa loob. Pagtalikod ko nagulat ako ng nasa harapan ko na si Akame. Seryoso itong nakatingin sa labas.  "Ihinatid ka ni Kazuki Senpai?"  Hindi ko siya sinagot.  "Ang tagal niyo namang magkasama. Ginabi ata kayo?" Hindi ko parin siya sinasagot. Parang kumukulo ang dugo ko. Ganito siya kaayaw ni Luna. Mukha niya palang para ng pinainitan si Luna sa sobrang inis.  Nakipag sukatan ng tingin si Akame saakin. Para itong mangangagat kung hindi lang dumating si Kasei at punahin ang pagdating ko.  "Luna, ginabi ka ata?"  Tumango lang ako at nilagpasan sila. Kailangan ko magpinta. Paniguradong hindi ako makakatulog kapag walang nakikitang mukha ni Kakashi.  "An early bird is now a late comer." Narinig kong untag ni Kasei.  Hindi ko iyon pinansin. Naalala ko nalang si Kakashi na palaging nalalate. Argh, s**t. I am missing my baby... Naligo ako at nagbihis. Pagkatapos ay bumaba para kumain. Alam ko namang si Kasei ang nagluluto. Dinatnan ko siyang nakikipagtawanan kay Akame. Bago ata sakaniya na dito kumain? Walang parte ng manga na iyon ang nakita ko na ginabi rito si Akame.  Pagka-upo ko palang ay agad na akong lumamon. Wala akong intensyon na magtagal dito. Lalo na't mukhang dito kumain si Akame para mang intrega tungkol sa paghatid saakin ni Kazuki.  "Kasei-kun. Alam mo ba? Kaya pala ginabi itong si Luna dahil magkasama sila ni Kazuki Senpai"  Bakas sa boses ni Akame ang kaunting galit. Pero alam ko namang hindi iyon mapapansin ni Kasei. Napatingin saakin si Kasei. Inignora ko nalamang sila at nagpatuloy.  "Close na pala kayo ni Senpai." Inosenteng tanong saakin ni Kasei.  Nanatili akong hindi nagsasalita. Nakita ko pa ang hindi pagiging komportable ni Akame. Tumikhim si Kasei.  "Ang weird mo ngayon, Luna. Dati naman dakdak ka ng dakdak ah?" Well, I am not Luna.  Natapos akong kumain at agad nang niligpit ang pinagkainan at hinugasan ito. Paakyat na sana ako pero bigla kong naramdaman ang paghigit saakin ni Akame. Nilingon ko ang pinanggalingan niya at mukhang busy sa kusina si Kasei.  "Hindi ba binalaan na kita, Luna? Layuan mo na si Kazuki Senpai." May diin ang kanyang pagkakasabi.  So ito pala ang tunay na ugali ng isang Akame? Taliwas na taliwas sa nabasa kong kwento. Ibig sabihin hindi lang ako naligaw sa mismong kwento, kundi sa totoong mundo, ng nasa kwentong binasa ko. At para saakin mas hindi ito katanggaptanggap!  "Alam mo Akame, mas makakabuti sayo kung si Kasei lang ang pagtuunan mo ng pansin. At least siya kaya kang bahagian ng atensyon niya, eh si Kazuki, kahit kaunting atensyon ipagkakait nun sayo." "K-kazuki? You don't have manners! Call him Senpai!" "So what if I call him by his name? Doon ako komportable. Ikaw nga hindi magawang tawagin siya ng ganoon" As far as I've remembered, the real Yashita is a daring woman. I got annoyed easily. So never test my patience if you want me to stop and never talk back.  "So the rumor is real, huh? You are not just an attention seeker but a slut. Acting like a saint in front of Kazuki Senpai-" "Look who's talking, describing yourself huh, b***h?"  I want to mock her and mock her until she can't no longer talk. Ang pinakaayaw ko pa naman ay ang sumasagot pabalik saakin, lalo na kapag mas bata saakin.  Nakita ko ang inis sakanyang mga mata. Akala ko matutuloy ang pagsampal niya saakin dahil nakaangat na sa ere ang kanyang mga palad. Pero agad niya itong binawi ng marinig na hinahanap siya si Kasei. Two-faced kid!  "Huwag kang umakto na mas magaling ka kaysa saakin, tandaan mo, pag natalo kita sa contest na iyon siguraduhin mong tutupad ka sa napagkasunduan natin." At agad itong tumalikod para pumunta kay Kasei.  Kung wala ako sa kwento, dahil malabong nandoon ako dahil sa mga inaakto ni Akame, ibig sabihin may posibilidad na makaalis parin ako sa katawang ito. At namomroblema ako dahil hindi ako maalam magpiano. Kung ganito naman pala ang tunay na ugali ng mga karakter sa kwentong iyon, ano at bakit ako nandirito? Sobrang gulo na ng utak ko! Sigurado akong may kinalaman ang Cherry Blossom Tree na iyon sa Tokyo! No matter what happen, I need to figure this out. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD