Chapter 1

1975 Words
Chapter 1 Ngumiti ako sa camera habang nakawacky. Panghuling pose ko na 'to sa araw na ito. Natapos na naming bisitahin ang Meguro Park, Imperial Palace Area, at Ueno Park para mag Cherry Blossom Viewing. Last na itong sa Shinjuku Gyoen. Hay! Nakakapagod! Pero naenjoy ko 'yung stay namin dito sa Tokyo. Sa susunod na linggo babalik na kaming pinas. Mahilig si mama at papa sa ganito. Ako nama'y nakikisama lang dahil nakakabagot sa bahay. Kahit na alam kong ang ipinunta lang nila dito ay itong view kung saan nabanggit ang pagcoconfess ni Kasei Tatsumi sa isang sikat na novel, pinagbigyan ko parin silang isama ako.  There's a popular novel written by Tenten Takahashi that made every men and women crazy reading for. It was about a young teenager boy who has a secret feelings towards her girl bestfriend. The story tells about how a man should take his first move without insulting a girl. Aside from that it inspires the both adult and the youth.  I don't know, really. I am not reading it. Even though I love manga. "Yashita! Naenjoy mo ba ang lahat ng ito anak?" Malambing na tanong ni papa.  Lumaki akong puno ng pagmamahal at atensyon nila. And I love it. I love them. Ngumiti ako at tumango habang nakatingala sa nag-iisang puno ng Cherry Blossom. Mag-isa iyon. Pilit mang tignan ng ibang mga tao rito'y wala paring nangahas na magpapicture sa tabi ng puno. Lumakas ang simoy ng hangin habang nakatitig ako doon sa puno.  "Gusto mo bang magpapicture sa puno anak? Dali picturan kita!" Marahan akong iginaya ni mama roon sa puno.  Hindi ko alam pero hindi ako makatanggi. Unang kuha ni papa at si mama habang hawak ang cellphone ko'y nakatingala ako sa puno. Pangalawa ay nakawacky pose ako. Pangatlo ay nakapikit ako habang nakangiti ng malapad. The cold wind sent shivers down my spine. Idinilat ko ang mga mata ko at nangingiting lumapit sa mga magulang.  "Napakaganda talaga ng anak natin, Yuma!"  "Syempre! Pinaghalong dugo ko at ng dugo mo! I wonder why you still don't have a boyfriend, anak?" Nagtatakhang tanong ni papa.  I don't want to be in a relationship yet. No matter how they encourage me to have a boyfriend I still don't want to. At hindi ko alam kung bakit gustong-gusto nilang magkaboyfriend ako ng isang mala anime character daw. Palagi ko nalang silang pinagtatawanan kasi saan ka naman makakahanap ng ganun?  My father is a pure japanese. Though he was born in fourth generation, hindi parin naman niya nakakalimutan ang mga tradisyon ng pamilya. At ang alam ko ang pinsan nitong lalaki ang nag-iisang natitira sa lahat ng kamag-anak niya. Kung tutuosin anak pa iyon sa pangalawang asawa ng tito niya.  "Pa, sinabi ko naman sainyo hindi ako interesadong magkaboyfriend" "Hindi 'yan pupwede anak!" Angal ni papa.  "Naku, mahal. Baka nakakalimutan mong baliw na baliw iyan kay Kakashi Hatake. Mas mababaliw ka anak kay Kasei! Sinabi ko naman kasi sayo na subukan mong basahin iyon. Total ay hindi pa naman dumating ang finals niyo paniguradong matatapos mo iyon basahin sa loob ng dalawang linggo." Hinawakan ni mama ang kamay ni papa. "Wala pa namang update si Tenten T. kaya makakaabot ka pa." I find it weird every time they say the boy's name in that novel or manga. Para bang bagong-bago sa pandinig ko palagi.  "Kumain na muna tayo!" Natapos ang pagpunta namin sa Tokyo. Binilhan na naman ako nina papa ng maraming manga books. Nagpa-ukit pa siya para saakin, at tuwang-tuwa ako nang makitang si Kakashi Hatake iyon! Bukod sa lahat ng collections ko puno na ang kwarto ko ng posters, manga, vocaloids at sketch pad at iba pang gamit para sa pagpi-paint. Masyado akong inispoil ng merchandise ng mga magulang ko.  Habang naghihintay ako kay mama at papa. Prente lang akong nakatayo sa tabi ng mga bagahe namin. Ngayon kasi kami uuwi. Pumunta lang ng restroom si mama at sinamahan lang ni papa. May babaeng lumapit saakin. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakasuot ito ng scarf at nakasalamin.  "Miss, mapagkakatiwalaan ka ba?" Malumanay nitong tanong saakin.  Napataas ang kilay ko. I scanned her. Mas matangkad ito saakin at base sa boses ay mas matanda ito saakin. Nagpalinga-linga ako baka sakaling namali lang ako at may kinakausap sa likod ko o sa gilid ko pero nangyari lang na saakin nakatingin at nakaharap ang katawan.  "P-pardon?"  "Mapagkakatiwalaan ka ba?" Matagal akong hindi nakasagot. Naguguluhan pa sa kanyang tanong.  "Oo naman! Pero sa tingin ko kung may hihilingin ka saakin hindi kita matutulungan"  Medyo nagtatakha ako. Hindi naman siya mukhang pilipina pero bakit marunong siyang magtagalog? Ang nakapagtatakha'y nakahawak pa ito ng isang flower pot at may halaman doon. Hinawakan nito ang kamay ko.  "Siguro tama na ang sagot mong iyan para pagkatiwalaan kita." Agad itong tumakbo ng makitang palapit na sa direksyon namin si mama at papa.  "Are you okay, anak?" Tanong ni papa nang makalapit sila. Huminga ako ng malalim at tumango. Medyo nawewerduhan sa babae kanina. Sa buong flight hindi ako natulog. Dumating kami sa bahay at masaya ako, panandaliang nakalimutan ang babae sa airport. "Babalik naman tayo sa Osaka at Kyoto sa susunod na bakasyon mo anak" Tumango ako at dumiretso na saaking kwarto.  Ganito palagi ang nakagawian ng pamilya ko. Kahit na may inaalagaang kompanya si papa hindi siya kailanman nawalan ng oras saamin. At sobrang suportado sila saaking pag-aaral.  "Ang sabi naman ni Tenten ay matatapos ang kwento kaagad. Nakakabitin naman"  Nagpatuloy ako sa pagkain. Busy pa sina mama sa pag-uusap tungkol sa update ng paborito nilang nobela.  "Baka naman may balak siyang pahabain iyon, ayaw niya lang sabihin at baka maispoil tayo" "Sana naman sa dulo ng kwento mahalin na din siya ng kaibigan niya. Sa dami ng pinagdaanan nila manhid parin si Akame?" Marahan kong ibinaba ang chopsticks at tinitigan ang mga magulang ko. Ito ang dulot ng kwento sakanila. Ano bang naging dahilan at lahat ng tao'y interesado sa kwento na iyon!  "Ma, pa, pwede naman pong saka na kayo mag-usap kapag tapos na kayo kumain" Napatitig lamang saakin sina mama at nagpatuloy silang muli sa pag-uusap.  My god! Para akong mababaliw! Maybe I should give it a try? Baka naman sobrang ganda talaga ng storya na iyon? Pero sa kwento palang ni mama saakin, napaka common nung inlove siya sa bestfriend niya.  "Yashita, anak. Pabayaan mo na kami. Alam mo namang dito lang kami nalilibang ng papa mo" Uninom ako at nagpaalam na aakyat na ako sa taas. Determinado nang basahin ang kwento. Bago pa ako makapasok dinungaw ko ulit sina papa at mama.  "Ano pong pamagat nung kwento?" Tila nanalo sa lotto ang aking mga magulang sa sobrang galak nila dahil lang sa narinig.  "The Warmth Of Your Love in Tamahome Land or Anata No Ai No Atataka-sa. Naku anak hindi ka magsisisi!" Sabay na tugon nina mama at papa.  Umakyat akong nangingiti. Agad kong kinuha ang cellphone kong nakacharge at isinearch ang title ng kwento. At dahil tinatamad akong magbasa ng novel, sa manga nalang ako.  Hindi ko pa napipindot ang read ay dinaluhan agad ako ng mga magulang ko.  "What are you doing?" Nagtatakha kong tanong sakanila ng makitang pinagitnaan nila ako at kinumutan.  "Syempre naman anak. Gusto naming makita ang reaksyon mo habang binabasa iyan," then mom giggled.  Napanganga ako ng nagsimulang magkwento si papa.  "Kaya ko nga po babasahin kasi gusto kong malaman ang kuwento. Hindi na po baleng magkwento kayo..." "Anak, para naman maexcite ka" Of course I won't get excited if someone spoils me. Ano pa at babasahin ko kung nalaman ko na ang kalalabasan ng kuwento?  "Anak huwag kang maiinis doon sa anak ng kaibigan ng tatay ni Kasei ha. May pagka b***h ang ugali pero mukhang mabait naman iyon," patuloy ni papa.  "Mas maiinlove ka kay Kasei kaysa kay Kakashi" I frowned. Mom saw my reaction that's why she immediately get up to my bed. Kinuha nito ang isang lalagyan kung nasaan lahat ang stickers ni Kakashi Hatake at iniwagayway pa ito sa ere.  "Kakashi Hatake~ Hiyaaa The Sixth Hokage! Wattaaaa~" umaksyon-aksyon pa.  Agad ding tumayo si papa. Hindi nakatakas saakin ang kamay niyang dumapo sa bewang ni mama. Yeah my father is a little bit possessive.  "Naku, sige anak magbasa ka na. Magtanong ka nalang saamin kung may gusto kang malaman. Halika na mahal" Tumatawa ng hilaw si mama habang ibinababa ang stickers at sabay silang lumabas. Napangiti nalang ako. Kinuha ko ang cellphone ko at nagsimula na.  I stared at the leading man's smiley face. Para akong nahipnotismo. He looks so happy while holding his bestfriend's hand. At ang babae naman ay parang normal lang na nakahawak ang kamay sa kaibigan. The details of the book cover is perfect. Agad kong pinindot ang chapter 1 at hindi na binasa ang description.  Kasei Tatsumi is a highschool teenager who's secretly in love with his bestfriend. Though he has the courage to show his true feelings and motives, he didn't take advantage and continue loving his bestfriend. In his bestfriend's tough times, he's always there to comfort her. He's always there to catch her. Kasei is like her night in shining armor.  On the other hand, Akame Yoshinori is in love with Captain Kazuki Shishori. It turns out that Kazuki doesn't love Akame as a girl but as her little sister, because he's also secretly in love with Kitora Kangguro. But still Akame didn't stop pursuing Kazuki. Even though Kasei is hurt, he stayed by his bestfriend's side. Aside from being true to himself, Kasei is a good man and a very kind son.  Napapangiti ako ng nagpatuloy sa kuwento. Karamihan sa scene ay tungkol sa pagiging makatao. May pagkajoker din si Kasei at si Akame. May mga pagkakataong buong school na ang nagsasabing sila dapat ang bagay dahil sa pareho ang kanilang personalidad. Umabot ako hanggang chapter 49. Hindi ko na napansin na hating gabi na at ang pagod ko kanina'y biglang naglaho.  "Here comes the martyr again. Look who's fooling himself, none other than Kasei Tatsumi"  "Luna, I'm not in the mood to talk nonsense with you" "Oh! Do you think I'm pleased? Of course I hate talking about your nonsense love towards your bestfriend" "Argh, stop acting like you know everything-" "Stop! I don't want to hear everything. It is very clear that your bestfriend won't love you until the end" I like how Kitora Kangguro A.K.A Luna being straightforward. Gustong-gusto ko ang personalidad niya. Siguro kung kilala ko rin itong si Kasei aasarin kong masyadong manhid at baliw sa pag-ibig. Nakikita niya na ngang may mahal na ibang lalaki ang mahal niya eh.  Nanatili akong gising hanggang sa tumuntong na ng alas dos. Tuwang-tuwa ako sa tuwing umeeksina si Luna at tinatarayan si Akame. Hindi naman siya mapagpanggap na tao. Ganoon talaga ang ugali niya na pati sa ibang tao, kung may hindi man mabuting personalidad ay agad naman nitong sasabihin ang mali niya at opinyon niya.  Nakatulugan ko ang pagbabasa. Kaya naman nang tumama ang sinag ng araw saaking mga mata'y nagising ako. Nagtakha ako dahil hindi ko man lang narinig ang boses ni mama. Hindi kasi ako nag-aalarm dahil ginigising naman ako ni mama. Bumangon ako habang nakapikit pa.  I yawned and lazily get up to my bed. Agad akong dumiretso sa bathroom, muntik pa ata akong mauntog dahil ibang direksyon ata ang napuntahan ko. Pagkapasok sa bathroom ay inaantok ko pang kinuha ang aking sepilyo. While brushing my teeth I smiled when I remembered what am I reading last night. Nagmugmug ako at sinuklay ang nakalugay na buhok gamit ang mga daliri. Napatigil ako ng maramdamang masyadong mabilis pumuslit ang kamay ko saaking buhok. Hindi naman ako nagpagupit ng buhok ah?  I opened my eyes, and to my horror, I am not the same Yashita anymore! Kumurap ako at baka namamalikmata lamang ako ngunit hindi nag-iba ang anyo ko. Tumingin ako sa paligid at ibang bathroom na ang pinapasukan ko! Tumakbo ako palabas habang nagsisigaw.  "MAMA!!! PAPA!!!" Bumaba habang natataranta dahil ang hagdan, mga palamuti at ang buong bahay ay hindi na pamilyar. Sa aking pagmamadaling bumaba nabangga ako sa isang lalaki. Pag-angat ko ng tingin bumungad saakin ang isang panlalaking mukha. Ang mukhang tandang-tanda ko kung saan ko unang nakita. What the hell?! Am I lost in Tamahome Land?! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD