Cute, huh?! What the f**k! Bigla siyang naasar sa sinabing iyon ni Rona kanina. At sino naman kaya sa mga kaibigan niya ang tinutukoy ni Rona na cute daw at balak pa nitong halikan noon? And why cute and not handsome or pogi?? Isa-isang tiningnan ni Axell ang mga kaibigan niya. At sino naman kaya sa mga ito ang nakakuha ng interest ni Rona noon? Nandoon na naman sila ng mga kaibigan niya sa bar ni Clinton nang gabing iyon at nag-iinuman. Pero gaya ng dati ay silang apat lang ang nandoon at wala si Brian, si Clinton naman ay hindi pa nakakabalik ng Pilipinas. He looked at Gerard first... Katabi niya ito noong gabing iyon. Is Rona talking about Gerard? Well, lahat naman ng kaibigan niya ay malakas ang karisma sa mga babae pero masasabi niyang itong si Gerard ang pinakababaero sa kanila.

