Gulat na sinalubong ng tingin ni Mr. Overpass ang mga mata niya pero pinanlakihan niya lang ito ng mga mata!
Idinampi niya lang talaga ang mga labi niya sa lips nito dahil nasa likod naman na niya si Carl at hindi nito makikitang hindi naman talaga sila naghahalikan ni Mr. Antipatiko! Wag na wag lang talagang sisirain nitong hinahalikan niya ang palabas niya kay Carl kundi ay magiging antipatiko na talaga ito habangbuhay para sa kanya!
Pasimple na lang niyang iginilid sa isang direksiyon ang mga mata niya para iparating kay Mr. Overpass na ginagawa niya iyon dahil sa presensiya ni Carl na nasa likod niya at mukhang nakuha naman nito ang ibig sabihin niya.
Hindi lang niya napaghandaan ang biglang paghapit sa baywang niya ng isang kamay ni Mr. Overpass at ang isang kamay naman ay ikinabig nito sa batok niya!
Magpo-protesta na sana siya pero bahagya nitong kinagat ang pang ibabang labi niya kaya napasinghap siya at kinuha naman iyong pagkakataon ni Mr. Overpass para totohanin at laliman ang halikan nila! s**t! Masarap talaga itong humalik kaya naipikit na lang niya ang mga mata niya at namalayan na lang niyang gumaganti na siya sa bawat hagod ng mga labi at dila nito sa kanya.
“Siya ba? Pero bakit ang bilis mo naman yatang nagmahal ng iba?”
Bigla siyang natauhan nang muling marinig ang boses ni Carl sa likod niya.
Tang-ìna! Nadala siya sa panghahalik ni Mr. Overpass sa kanya tuloy ay nakalimutan niyang nagpapanggap lang siya para maitaboy si Carl nang tuluyan!
Hindi siya nagpahalatang nagulat siya at dahan-dahan siyang bumitiw sa pagkunyapit sa leeg ni Mr. Overpass sabay layo ng mukha niya rito. At mukhang parehas niya ay nagulat din ito sa pagsasalita ni Carl. Pero gaya niya ay umakto ito ng normal at hindi ipinahalatang nagkukunwari lang sila. Nang hinarap nga niya si Carl ay hindi pa rin nito binitawan ang baywang niya bagkus ay lalo nito iyong hinapit sabay tayo sa tabi niya paharap kay Carl.
“Oo, ganon talaga kaya tigilan mo na ako.” Matapang niyang sabi kay Carl habang ramdam niya ang diin ng kamay ni Mr. Overpass sa kanang bahagi ng baywang niya.
Masyado naman yata itong in-character sa pagpapanggap! Pero okey lang dahil ewan niya kung bakit pero hindi naman siya nakakaramdam ng pagkailang dito. Kailangan pa niyang magpasalamat dito mamaya dahil tinutulungan siya nito kahit wala itong alam.
“You heard her. I hope this is the last time that you’ll bother us.” Mariing wika naman ni Mr. Overpass na lihim niyang ikinagulat. Pero siguro ay hindi talaga iyon lihim dahil naramdaman yata nito ang saglit niyang paninigas kaya bahagya nitong hinimas ang baywang niya para hindi sila mahalata ng kaharap.
“Hindi ako naniniwala. Mahal mo ako at hindi basta-basta mawawala ang feelings mo. Please, hon, mag-usap tayo.” Patuloy na pangungulit ni Carl.
Ang lecheng damuho ay ayaw talagang tumigil! Nakipaghalikan na nga siya sa iba ay hindi pa rin ito naniniwala?!
Magsasalita na sana ulit si Mr. Overpass pero mabilis niya itong inunahan. Ayaw niya itong masyadong madamay sa gulo niya.
“Problema mo na iyon kung ayaw mong maniwala. Hindi ka nga nahirapang lokohin ako kaya hindi rin ako mahihirapang palitan ka.” Malamig niyang sagot kay Carl at bago pa ito makapag-react ay tumalikod na siya rito at hinila si Mr. Overpass!
Kaunti na lang ay baka mabuko na talaga siya ni Carl kaya mabuting umiwas na siya. Naaabala na rin niya masyado si Mr. Overpass kaya siya na mismo ang lalayo kay Carl.
Oo galit siya kay Carl, galit na galit dahil sa panloloko nito sa kanya! Pero tama ang sinabi nito, hindi basta-basta mawawala ang damdamin niya para rito kaya natatakot siyang maging marupok at bigla na lang sumambulat ang totoong damdamin niya rito! Kahit ang galit niya ay ayaw na niyang ipakita rito. Gusto niyang isipin na lang nitong wala na talaga siyang pakialam pa rito at hindi na siya apektado rito.
Paghakbang niya palayo kay Carl ay si Mr. Overpass na mismo ang nag-akay sa kanya sa paglalakad. Iginiya siya nito paakyat sa hagdan at pumiwesto sila sa tila private room na nasa second floor ng bar. Hindi naman iyon kuwarto na may kama bagkus ay parang space lang para sa mga nag-iinuman na gusto ng konteng privacy. Glass wall lang din ang harang niyon at natatanaw nila ang ibaba ng bar lalo na ang dance floor.
Napabuntong-hininga siya ng malalim matapos niyang makaupo sa malambot na sofang naroon. Ito naman ay umupo sa tabi niya pero may kaunting space sa pagitan nila. Parang nawala bigla ang espiritu ng alak na tumama sa kanya kanina dahil sa pagsulpot bigla ni Carl idagdag pa ang paghahalikan nila kanina ni Mr. Overpass at ang presensiya nito mismo sa tabi niya.
Mukhang yayamanin pa itong si Mr. Overpass dahil afford nito ang table na iyon. Nakaramdam tuloy siya ng pagkapahiya rito dahil dati ay sinampal pa niya ito dahil sa panghahalik sa kanya, pero kanina ay siya pa ang lumapit at humalik dito. Tssk. Mukhang pinaglalaruan yata siya ng tadhana. Hindi niya akalaing kakailanganin niya ang tulong nito. Kasalanan talaga itong lahat ni Carl!
Nang iangat niya ang paningin niya ay nakita niyang nakatitig lang sa kanya si Mr. Overpass at mukhang naghihintay lang ng sasabihin niya. Siyempre kailangan niyang magpaliwanag kung bakit ‘ginamit’ niya ito.
“Pasensiya ka na… Iyon lang ang naisip kong paraan kanina para itaboy si Carl… Kaso ay mukhang palpak pa rin naman.” Muli siyang napabuntong hininga pero ngayon ay dahil na sa inis.
Ang kulit-kulit talaga ni Carl! Kung hindi lang siguro niya ito nakita mismo na may ibang babae ay baka nagpauto na naman siya rito. Siguro ay nanghihinayang lang ito sa isang taong relasyon nila at sa ilang buwang panliligaw nito tapos ang ending ay hindi naman nito nakuha ang bataan niya. Kaya siguro nangungulit pa rin ito. Hindi na siya naniniwalang mahal siya nito.
“Ex mo?” maikling tanong ni Mr. Overpass.
“Oo.” Maikli din niyang sagot dito.
Nagulat siya nang lumapit pa sa kanya si Mr. Overpass hanggang sa magkadikit na ang katawan nilang dalawa at inakbayan siya nito.
“He’s still there, and he’s watching.” bulong nito sa tenga niya.
“Don’t look!” agad nitong pigil sa kanya nang akmang titingin siya sa ibaba para sana tingnan si Carl.
Hinimas pa nito ang kaliwang pisngi niya gamit ang kaliwang kamay nito at kasabay noon ay lalong bumilis ang t***k ng puso niya.
Alam niyang for show lang iyon para makita ni Carl pero hindi niya mapigilang makaramdam ng kakaiba… kakaibang pagkasabik.
“Would you mind if I kiss you again?” napakurap siya ng dalawang beses sa tanong nito.
“Nakatingin pa kasi ang ex mo. Naisip ko lang na baka maniwala na siya kapag nakita niyang naghalikan ulit tayo.” Mabuti na lang at dinugtungan agad nito ang sinabi nito kundi ay baka lagyan niya ng malisya ang sinabi nito.
“S-Sige…” Aniya. Dapat pa nga siyang magpasalamat dito dahil muli ay tinutulungan siya nito. Wala rin namang mawawala sa kanya at isa pa ay enjoy naman siyang makipaghalikan dito.
‘Ano?! Nag-eenjoy ka na sa pakikipaghalikan sa lalaki na ‘yan? Malandi!’ sigaw ng isang bahagi ng utak niya pero agad niya iyong binalewala. Ginagawa niya ito para tigilan na siya ni Carl at matahimik na ang buhay niya hindi para makipaglandian!
Dahan-dahan na ngang inilapit ni Mr. Overpass ang mukha nito sa mukha niya kaya napapikit na siya bago pa man maglapat ang mga labi nila.
Shit talaga… Hindi na siya lugi dahil napakalambot ng lips ni Mr. Overpass at napakabango pa ng bibig nito. In short, napakasarap nito! May nalasahan siyang alak nang magsimulang maglumikot ang dila nito sa mga labi niya papasok sa bibig niya hanggang sa mag-espadahan na ang mga dila nila. Hindi niya iyon masyadong napansin kanina dahil hati ang isip niya at nagulat siya. Pero ngayon ay nananamnam na niya ang lasa at bawat hagod ng mga labi at dila nito sa bibig niya. Sinipsip pa nga nito ang dila niya at mabuti na lang ay napigilan niyang mapaungol!
Hindi niya alam kung gaano katagal ang halikan nila ni Mr. Overpass hanggang sa maramdaman na lang niyang unti-unti na nitong pinaglayo ang mga labi nila nang tila pinapangapusan na siya ng hininga. Muntik pa siyang magprotesta, mabuti na lang at agad na luminaw sa isip niya kung bakit nila iyon ginagawa! Napansin na lang din niyang nakayakap na siya sa leeg nito at ito naman ay nakahawak na ng mahigpit ang dalawang kamay sa magkabilang tagiliran niya! Napayuko na lang siya dahil siguradong namumula na ang mukha niya sa hiya!
Bwisit! Baka nga nagiging malandi na talaga siya!
“Wala na siya.” Ani Mr. Overpass.
Hinamig niya ang sarili niya at mabuti na lang ay nakaya niyang harapin ang tingin nito. Pinilit din niyang ngumiti ng matamis dito.
“Salamat! Salamat sa tulong mo. Sige, aalis na rin ako.”
Tumayo na siya kaagad bago pa siya makagawa ulit ng bagay na hindi niya normal na ginagawa.
Nagmadali siyang humakbang papunta sa glass door at binuksan na iyon. Pero bago pa siya makahakbang palabas ay pinigilan ni Mr. Overpass ang braso niya.
“Wait! Hindi pa tayo nagkakakilala. I’m—”
“Hindi na kailangan. Hindi na rin naman siguro tayo ulit magkikita. Salamat na lang ulit sa tulong mo.” Putol niya sa sinasabi nito at kaagad na niya itong tinalikuran at diretso labas sa pinto.
Mabuti nang hindi na sila magkakilala dahil hindi naman na siguro magku-krus ang landas nilang dalawa. Bihira naman siyang mag-bar kung saan ay parang naging tambayan nito iyon kaya malabong magkikita sila ulit. Ang pagkikita naman nila noon sa overpass ay siguradong nagkataon lang. Noon lang din siya dumaan doon ng ganoong oras dahil nga na-broken hearted siya, tapos tumambay pa siya. Pero hindi na iyon mauulit. Kaya naniniwala siyang malabo na talagang magkita sila nito ulit.