Chapter 10 - Taste It

1504 Words

Gusto sanang iinat ni Rona ang mga braso at binti niya dahil pakiramdam niya ay ngalay na ngalay na ang mga iyon. Actually ay buong katawan niya ang nangangalay at nananakit! Maging ang perlas ng silangan niya ay mahapdi-- Bigla siyang napamulat ng mga mata nang bumalik sa alaala niya ang mga nangyari sa kanila ni Axell kagabi. Bigla rin siyang napalingon sa tabi niya at nanlaki pa ang mga mata niya nang makita itong tulog na tulog pa, nakayakap pa ang kaliwang braso nito sa itaas ng baywang niya at ang kaliwang hita naman nito ay nakadantay din sa mga hita niya sa ilalim ng kumot na tumatakip sa hubad nilang katawan. Kaya pala ngalay na ngalay siya at lalong nananakit ang buong katawan niya dahil halos nakapatong pa rin si Axell sa kanya! "Ughh!" Nagpakawala siya ng nasasaktang ungol

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD