Humakbang na si Axell palabas sa pinto ng boarding house nila ni Becka kaya unti-unti na rin niyang isinara ang pinto. Tama lang na putulin na nila ni Axell ang kung anumang ugnayan nila sa isa't-isa at kalimutan ang-- Bigla siyang napatigil sa pagsasara ng pinto sabay angat ng ulo niya para alamin kung bakit bigla yatang bumigat ang pinto na tila may nakaharang para tuluyan niya iyong maisara. Nanlaki ang mga mata niya nang masilip na pinipigilan pala ni Axell na tuluyang lumapat pasara ang pinto. "B-Bakit?" takang tanong niya. May naiwan ba ito sa loob tulad ng cellphone o susi ng kotse nito? "I just forgot something." "Ano 'yon--" taka niyang tanong ngunit napapiksi siya nang bigla na lang itulak ni Axell pabukas ang pinto at muling pumasok sa loob! Hindi pa man siya nakakabawi sa

