After almost 2 months... "Oh, ano'ng nangyayari sa iyo? Ok ka lang ba? May masakit ba sa'yo? Don't tell me girl na uurong ka pa sa kasal mo! Umayos ka, Rona! Mag-isip-isip ka! Paano na lang ang anak mo, lalaki ring walang tatay katulad mo?" Nagtatanong lang noong una pero bigla ay sunud-sunod na ang sermon sa kanya ni Becka. Oo, bigla na lang sumulpot ulit sa kamaynilaan si Becka at nagkita silang dalawa kahapon lang! Bigla na lang itong nagpakita sa kanya dahil nabalitaan daw nito na ikakasal na sila ni Axell. Ayos naman ang bruhang kaibigan niya! Pero halatang may hindi ito sinasabi sa kanya. Kapansin-pansin din ang pag-iiwasan nito at ni Clinton na labis niyang ipinagtataka. Pero dahil busy pa siya sa kasal nila ni Axell ay hindi muna siya masyadong mag-uusisa kay Becka. At oo, ara

