After 3 more years.... "Dad, ayaw ko pong umuwi sa Pilipinas! Please. Baka naman magawan mo ng paraan ang schedule mo para ikaw na lang ang lumipad papunta roon at um-attend sa meeting na iyon." pakiusap ni Rona sa Daddy niya habang inaayos nito ang suot nitong necktie bago umalis para pumasok sa trabaho. Ipinagpipilitan kasi nito sa kanya na siya na ang makipag-usap sa kasosyo nito sa negosyo na nasa Pilipinas. Kahit kasi sa New Zealand sila nakatira ay mayroon pa rin pala itong mga negosyo sa Pilipinas. Isa na roon ang Car Rental Company at ilang food chain restaurants. Mayroon lang daw itong tauhan na naaasahang mag-manage ng mga iyon. Bumili na rin daw ito ng lupa sa isang exclusive subdivision sa Pilipinas at nagpatayo na roon ng bahay para puwedeng doon na sila tumuloy sa tuwing u

