Sunud-sunod ang ginawang pag-doorbell ni Axell sa gate ng mansiyon nina Rona. It's already late at night pero wala na siyang pakialam kung makabulahaw siya! Medyo malayo naman ang mga kapitbahay nina Rona at siguro naman ay di na mabubulahaw o maiistorbo ang mga ito ng maingay at sunud-sunod na pagdoorbell niya at mga sigaw niyang pagtawag kay Rona. "Rona! Open this gate!" muli niyang sigaw nang malakas! Naiinip na siyang buksan ni Rona ang gate! Ano ba kasi ang ginagawa nito at hindi siya nito kaagad pinagbubuksan? Nasa loob kaya ang mayabang na lalaking nakausap niya kanina? Mapatunayan lang niyang hindi totoo ang mga sinabi ng lalaking iyon sa kanya ay sisiguraduhin niyang magsisisi ang lalaking iyon sa pagsisinungaling sa kanya! "Rona!" He shouted again! Walang takot na rin niyang

