"Ronabeth Bonson! Ikaw na babae ka! Lasing ka na naman kagabi, ano? Sa sobrang kalasingan mo yata ay sa sala ka na naghubad ng mga damit mo tapos iniwan mo pa rito sa sala ang blouse at bra mong babae ka! Lumabas ka nga diyan!" Naalimpungatan si Rona sa may kalakasang sigaw na iyon ni Becka. Shit! Ang sakit-sakit ng ulo niya! Medyo nalasing siya kagabi tapos... Bigla siyang napadilat at nanlaki agad ang mga mata niya sabay tingin sa tabi niya. Nandoon pa si Axell, tulog na tulog at nakayakap sa kanya ang hubad nitong katawan na natatakpan lang ng kumot! Oh, gosh! Paano niya ito ngayon maitatago kay Becka?! "Rona! Ikaw na babae ka talaga! Sinabi ko sa iyong mag-enjoy ka ngayong single ka pero wag ka namang mag-asal lasenggera! Ano, ako pa ang magliligpit nitong bra mo rito? Lumabas ka

