Habang naglalakbay ang dalawa ay nakatulog si Ricky. Nagbalik ang mga alaala nya sa panaginip nya. Nagbalik sa gunita nya ang sitwasyong nangyari ilang oras ang nakakaraan at umiiyak si Joey. Ginising sya ni Tony. "Ricky, Ricky!" marahang tawag ni Tony. Nagmulat si Ricky. "May nakabuntot sa atin," ani Tony na sumulyap sa kaliwang side mirror. "Tail?" tanong ni Ricky. "Oo. Hindi ko sya napansin kanina. Nahalata ko nang sinubukan ko syang alisin sa dinaanan nating kanto kaya nahuli ko sya," sabi ni Tony. "Let's shake them off. Lumiko ka sa susunod na kanto kanan," utos ni Ricky. "Ok," ani Tony na sumunod. Pagkaliko ay nagbigay ng susunod na gagawin si Ricky. Napansin nilang nakasunod pa rin ang isang kotse. "Kumaliwa ka sa susunod na eskinita " turo ni Ricky na napahawak sa ulo nya

