Kinabukasan maagang gumising si Joey at nagpaalam na mangangabayo. Nagtungo sya sa kwadra at tinungo ang kuwadra ni Mizfit. "Ilalabas nyo po ba si Mizfit, Kamahalan?" tanong ng tagapag-alaga. "Kung maaari sana," wika ni Joey. "Ihahanda ko lang po sya at ang mga gagamitin nyo," sabi ng tagapangalaga. Makaraan ng ilang minuto ay inilabas ni Joey si Mizfit patungo sa horse field. habang pabalik na sila sa kwadra ay nakita nya si Ricky na patungo sa isang malapit na kakahuyan. Dumiretso sya sa kwadra at nakita nya ang binata na papasok sa mansyon. Halatang wala ito sa sarili at tila nag-iisip. "Ethan!" tawag nya habang patakbong lumapit. Lumingon naman si Ricky. "Magandang umaga!" bati ni Joey na nakangiti. "Magandang umaga. Maaga ka atang lumabas," bati ng binata pabalik. "Inilabas k

