Aftermath

2570 Words
Nagising si Ricky sa kwartong tinuluyan nya kanina. "Anong?" tanong ni Ricky kay Drew na naka-standby sa upuan. "Nagblock-out ka. Inuwi ka namin sa bahay," sagot ni Drew. "Si Aly?" naalalang tanong ni Ricky. "Wala na si Aly, Kuya," malungkot na wika ni Niño. Saglit natahimik si Ricky. "Magpahinga ka muna, Ric. Kailangan mo maka-recover," payo ni Drew. "Maaari bang iwan nyo muna ako? Gusto kong mapag-isa," pakiusap ni Ricky. "Kuya..." angal ni Niño. "Please pakiusap. Iwan nyo muna ako," ani Ricky. Lumabas ang kambal at ang magpinsan. Hindi alam ni Ricky ang gagawin nya. Nanatili syang nakahiga nakatitig lang sa kisame ng kwarto nya. Hindi nya alam ang nararamdaman nya at sobrang gulo ng isip nya. Nang tanghalian, pumasok ang reyna sa kwarto ni Ricky dala ang isang tray ng pagkain. "Ethan kumain ka muna," anang reyna na binaba ang tray sa may side table. "Pakilagay na lang po muna dyan, Mama. Salamat po. Gusto ko po munang mapag-isa, Ma," pakiusap ni Ricky. Lumabas ang reyna. Dumaan ang maghapon at hindi lumabas si Ricky. Hindi rin nagalaw ang pagkain nya. "Hindi pa rin sya kumakain?" tanong ni Niño nang ilabas ni Drew ang tray na walang bawas. Umiling si Drew. "Kakausapin ko si Kuya," determinadong wika ni Niño. "Huwag muna Niño. Nagluluksa si Kuya para kay Ate Alyssa," pigil ni Jude na hinawakan sa braso si Niño. Pumasok si Mike sa kwarto ni Ricky. Naabutan nya si Ricky na kakasalampak sa kama nya, nakapatong ang dalawang braso sa tuhod nyang nakaliko sa harap nya. "Ric, kumain ka na muna," yaya ni Mike. "Hindi pa ako nagugutom, 'tol," tanggi ni Ricky. "Alam kong hindi ka maayos pero hindi ibig sabihin noon ay magmumukmok ka rito. Halika at lumabas tayo," yakag ni Mike. "Hindi ko alam ang gagawin ko, bro. Hindi ako makabangon parang ayaw ko na rin huminga," amin ni Ricky. "Ric, alam kong masakit na iniwan tayo ni Aly pero hindi ibig sabihin ay ititigil na natin ang buhay natin. Ayaw ni Aly na ganito ka. Hindi ka ganyan," protesta ni Mike. Hindi umimik si Ricky. "Iwan na kita. Bahala kang magmukmok pero isipin mo ang sasabihin ni Aly kung narito sya," pangungunsensya ni Mike na lumabas. Naiwan si Ricky na nakahiga sa higaan nya iniisip ang sinabi ni Mike. Hindi nila alam na nakapuslit si Jessie sa kwarto ni Ricky. Nakahiga sya noon. "Kuya!" tawag ni Jessie na umakyat sa higaan ni Ricky. Sumiksik sya kay Ricky. "Jaja, anong ginagawa mo rito?" gulat na tanong ni Ricky na umusod para makaayos si Jessie. "Gusto ko lang makatabi ka ulit mahiga. Gusto ko samahan ka," wika ni Jessie na niyakap si Ricky. "Gusto kong mapag-isa, Ja. Iwan mo muna ako," pakiusap ni Ricky. "Dito muna po ako sa tabi mo," lambing ni Jessie. "Wala ka na bang gagawin ngayon?" tanong ni Ricky. "Wala po," iling ni Jessie, "Dito lang po muna ako ah? Hindi po ako mag-iingay o mangungulit. Gusto lang kitang makatabi," hingi nya ng permiso. "Ok," ani Ricky. Tahimik na nahiga ang dalawa. Maya-maya ay naramdaman ni Jessie na umiiyak si Ricky. Hindi sya nagsalita at hindi nya iyon pinansin. Niyakap nya nang mahigpit si Ricky. Ilang saglit pa ay kumalas si Ricky. "Salamat, Jaja," ani Ricky na umupo. "Salamat po para saan?" tanong ni Jessie na bumangon at tumingin kay Ricky. "Wala. Basta salamat," ani Ricky. "Ok ka na po ba? Maayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Jessie. "Mas maayos na ako," wika ni Ricky na ngumiti at hinalikan sa noo si Jessie. "Kain po tayo. Nagugutom na po ako," yaya ni Jessie. "Sige. Magbibihis lang ako," ani Ricky na tumayo. Sa kusina nagkukulitan at nagkukwentuhan sina Jessie at Ricky nang makita ni Jude. "Kuya kain tayo," alok ni Jessie kay Jude. Lumapit si Jude sa lamesa. "Halika kain tayo. Masarap ang miryendang hinanda ni Chef Lito," yakag ni Ricky. Umupo si Jude sa tabi ng Kuya nya. Kaagad naman syang hinainan ng miryenda ng isang katulong. Ilang saglit pa ay nagtatawanan na sila. "Excuse me," sabi ni Ricky na tumakbo sa kusina ng palasyo at sumuka sa lababo. Kaagad nyang pinunasan ang bibig nya pabalik na sana sa hapag kainan ng makita nya sina Jude at Jessie na naghihintay sa kanya sa pintuan. "Medyo nangasim lang tyan ko," pagdadahilan ni Ricky. "Ihingi kita ng gamot kay Ate Amelia," boluntaryo ni Jessie. "Huwag na, Jaja. Medyo maayos na ako," tanggi ni Ricky. Inabutan sila ni Alfred sa ganoong sitwasyon. "Paumanhin mga Kamahalan. Prinsipe Nathan, may naghahanap sa inyo," wika ni Alfred na pumasok. "Sino po?" tanong ni Jude. "Sabi nya importante daw po. Staff Sargeant Tommy daw po," balita ni Alfred. "Pakipapunta po sila sa hardin. Pakipasundo rin po si Niño. Nasa kwadra po sya. Susunod na po ako," sabi ni Jude. "Masusunod po, Kamahalan. Hinahanap nga po pala kayo ng reyna, Prinsesa. Hinihintay nya po kayo sa library," banggit ni Alfred. "Salamat po," ani Jude. "May maitutulong po ba ako sa inyo mga Kamahalan?" tanong ni Alfred. "Wala na po. Salamat po Alfred," wika ni Jessie. "Sige na. Puntahan mo na si Mama, Jaja," utos ni Jude. Tumingin si Jaja kay Ricky. "Ayos na ako. Sige na," paniniyak ni Ricky na ngumiti. "Ako na bahala kay Kuya," ani Jude. Sumunod si Jaja kay Alfred habang si Ricky ay sumunod kay Jude sa hardin. "Kuya Tommy. Ano pong balita?" tanong ni Jude. "Umatras ngayon sina General Eagle. Nakaabante sa Reem ang mga Greems. Isang dosenang Cereberus ang umatake sa frontlines natin. Napigil lang ng REU Tornado Unit ang pag-abante nila," balita ni Tommy. "Si Eagle? Anong lagay nya?" tanong ni Ricky. "Nasaktan po sya. Maayos na po ang lagay nya. Nagbabalak na naman umabante ang mga Greems kakailanganin namin ang tulong nyo ni Arrow," pahayag ni Tommy. "Sige po," ani Jude. Maya-maya ay lumabas si Alfred. "Mga Kamahalan, narito na po si Prinsipe Niño at General Emir," aniya. Lumapit si Niño kay Jude kasunod si Emir. Nagbigay-galang at lumuhod si Tommy kay Niño. "Tumayo ka Kuya Tommy. Hindi mo na kailangang lumuhod," sabi ni Niño. Napalingon kay Niño si Tommy. "Arrow?! Kung ganun ay patawad sa kalaspatangan ko mga Kamahalan, General Emir," hingi ng dispensa ni Tommy kay Ricky na hiyang-hiya. "Ayos lang po. Ituring nyo kami gaya nang dati," ani Ricky na ngumiti. "Itinago nila talaga nila ang pagkatao nila para maiwasang itrato nilang VIP," paliwanag ni General Emir. "Oras na rin siguro para makilala ng Unit kung sino talaga kami," wika ni Jude. "Hindi mo na maitatago Kamahalan. Naghihinala na sila nitong mga nakaraang araw. Lalo na't halos kaliwa't kanan na ang pagdududa nila na AWOL kayo. Nagiging isyu na ito sa ibang unit ng Delta," sumbong ni Tommy. "Ipatawag lahat ang sub unit ng Delta. Naririnig ko na rin ang mga bulung-bulungan na iyan," utos ni Emir. Nang hapong iyon lahat ng unit ng Delta ay pinatawag sa isang conference call. Pagkatapos ng conference call ay nagsipulasan ang mga unit ng Delta. Naiwan ang Wolf Unit sa loob ng conference room. "Trix ikaw na ang bahala," utos ni General Emir na naupo lang at nagmasid. "Guys, may nais akong ipagtapat sa inyo. Pero bago iyon, panahon na para tanggalan natin ng maskara ang mga Tango ng Unit at kilalanin natin sila. Base sa evals nila ay napatunayan na nila ang kanilang sarili. Mauna na ang mga bago," panimula ni Jude. Isa-isang nagpakilala ang mga Tango at nabigyan ng callsign. Tumayo si Niño at nagtanggal ng maskara. Gulat ang mga taga-Wolf Unit nang makita ang mukha ni Niño. "Niño Guevarra also known as Niño Reyes call sign Arrow," pakilala ni Niño. Tumayo si Jude. "Marahil oras na rin para makita nyo ang mukha ko. Jude Nathaniel Guevarra aka Jude Colonel," pakilala ni Jude na tinanggal ang hood at maskara nya. Nagulat ang buong grupo ng mapansing magkamukha sila. Magtatanong sana si Polly pero naunahan sya ni Niño. "Tama ka Ate Polly. Tama ang hinala mo noon pa. Kakambal ko si Trix. Pasensya na kung tinago namin sa inyo," patotoo ni Niño. "Kayo ang kambal na Prinsipe?" tanong ni Ivan. "Tama rin ang hinala nyo. Kaya madalas ang detail nila ay sa palasyo," dugtong ni General Emir. Tumango si Jude. "Gusto kasi namin na ituring nyo kami bilang bahagi ng grupo at hindi pabigat," paliwanag ni Niño. "Gaya nyo, dumaan din sila sa mahirap na pagsasanay tulad ng karaniwang recruit. Kaya huwag nyong isipin na nakaranas ng VIP treatment ang dalawang Prinsipe," pahayag ni General Emir. "Napatunayan nyo naman na karapat-dapat kayong irespeto. Napag-usapan na namin ang tungkol dyan kahapon. Walang magbabago Skipper. Ikaw pa rin ang kapitan namin," wika ni Tonton. "Salamat. At sana ay walang magbago. Sana nauunawaan nyo po kung bakit madalas kaming wala," hingi ng dispensa ni Niño. "Kasama namin ang mga Prinsipe sa grupo. Ano kaya masasabi ng Beaver kapag nalaman ito?" hindi makapaniwalang wika ni Rico. "Walang dapat makaalam," saway ni Tommy. "Pasensya na Rico pero walang dapat makaalam. Isang open secret sa unit. Hindi dapat malaman ng ibang unit kasi magkakagulo. Hindi dapat malaman kung saang unit sila nakadestino," paliwanag ni Emir. "Sige po," ani Rico. "At saka ita-transfer na kami ni Niño sa Phoenix Unit. Ang bagong REU unit na binuo nila. Si Kuya Tonton naman ililipat na sa Caison Unit bilang team Leader. Kaya Sargeant Major Tommy ikaw na ang team leader ng Wolf Unit. Congrats Kuya Tommy," balita ni Jude na nakangiti. "Once a Wolf, always a Wolf. Ikaw pa rin ang Alpha namin Skipper," deklara ni Tommy. "Wala namang magbabago. Sya pa rin si Trix," wika ni Emir. Nagring ang telepono ni Emir. Kaagad nya itong sinagot at saka binaba. "Wolf Unit dispatch. Inaatake na naman ang Guadalupe. Nauna nang na-dispatch ang Phoenix Unit. Tulungan nyo sila," utos ni Emir na tumayo. . "Yes Sir!" anang Wolf Unit na tumayo. Sa gitna nang labanan naabutan nina Niño at Jude sina Mike, Drew at Ricky na nakikipaglaban. Kaagad nagpakawala ng dalawang magkasunod na pana sina Jude at Niño na naghiwalay. "Longshot incoming left side!" wika ni Niño sa radyo nya. Kaagad umilag si Drew pakanan at tinamaan ang kalaban sa likod nya. "Bakit ngayon lang kayo?" pabirong tanong ni Mike kay Jude. "Pasensya na po. Nagbriefing po si Kuya Emir sa Delta," hingi ng dispensa ni Jude. "Si Kuya po?" tanong ni Niño. "Tinutulungan sina Captain Talon sa harapan," ani Mike. Lumitaw si Yuri na may kakaibang lakas. Naramdaman nina Niño at Jude ang pagbabago. Kaya napatingin sila sa direksyon ni Yuri. "Si Yuri ba iyon?" nababahalang tanong ni Niño kay Jude. Narinig ni Jude ang kakaibang awit ni Yuri. "Longshot , Cowboy, pakisabihan ang lahat na umatras delikado! Delikado! Si Yuri!" babala ni Jude. Nagbaba ng order sa frequency si Drew kaya nag-atrasan ang mga Vallian soldiers. "Bakit? Anong problema?" tanong ni Mike sa radyo. Isang malakas na paglindol ang naramdaman ng lahat. Bumuka ang lupa at kinain ang ilan sa mga Cereberus na umaatake sa depensa. "Anong nangyayari?" tanong ni Drew. "Walang kontrol si kuya. Hindi pa sya maayos. Kailangan natin syang pigilan. Damdamin lang nya pinaiiral ngayon," babala ni Jude. "Lalapitan namin sya ni Jude. Susubukan namin syang pigilan," wika ni Niño. "Mag-ingat kayo," ani Mike. Yumayanig pa rin nang makalapit sila kay Ricky. "Fido!" tawag ni Niño. "Fin!" sunod ni Jude. Lumabas ang dalawang wolf. "Fido protektahan mo ang mga kasama natin," utos ni Niño. "Fin, alalayan mo kami. Susubukan nating payapain si Yuri," utos ni Jude. "Opo, Master!" anang dalawang wolf. Nakalapit ang dalawa sa kinaroroonan ni Ricky na nakikipagsagupa sa mga kalaban. "Kuya! Kuya tama na!" sigaw ni Niño. Biglang bumagsak ang isang gusali sa likod ni Niño. Pinangalagaan sya ni Fin sa pamamagitan ng force field pero hindi nila napansin na gumuho ang lupang kinalalagyan ni Jude. "Jude!" sigaw ni Niño na nagpakawala ng pana na may lubid para may makapitan si Jude. Hawakan ni Jude ang palaso at kumapit sa lubid. Kaagad namang hinatak nina Niño at Fin ang lubid pero dahil sa yanig ay hindi sya makakuha ng bwelo para mahatak si Jude pataas at hinahatak sila pababa sa sink hole. "Kuya! Tulong! Kuya! Si Jude, nahulog si Jude!" sigaw ni Niño. Napalingon si Ricky kay Niño na hirap na hatakin ang lubid habang yumayanig ang lupa. Tumigil ang mga pagyanig nang mapagtanto nya ang sitwasyon. Kahit pa man ay patuloy na dumulas pababa ang si Jude sa napakalalim na sink hole na nagawa ng pagyanig. "Jude kapit lang!" sigaw ni Niño. Dumulas na rin si Niño patungo sa sink hole. Inaasahan na nyang mahuhulog na rin sila pero biglang tumigil ang pagdulas nya. Nakita nyang hawak ni Ricky ang dulo nang tali. "Niño, patamaan mo ang puno sa kaliwa para mahatak natin si Jude. Kaya kong i-sustain ang paghatak sa kanya sa loob ng ilang segundo. Kailangang bilisan mo," direkta ni Ricky. "Sige Kuya," sang-ayon ni Niño. "Hintayin mo ang signal ko. On three," utos ni Ricky. "Copy," tango ni Niño na hinanda ang sarili. "One, two, three!" biglang binitawan ni Niño ang tali at hinatak ni Ricky nang buong lakas nya ang lubid. Tumira naman ng palaso si Niño patungo sa isang malaking puno. Pumulupot naman ang pana sa isang malaking sanga. "Jude! Ang bigat mo!" sigaw ni Ricky. "Kuya!" ani Jude. Biglang dumausdos pababa sina Ricky. Kaagad namang hinatak ni Niño ang karugtong na tali na hawak ni Ricky at dinugtong mabuti sa taling nakaangkla sa sanga. "Fido!" tawag ni Niño. Kaagad lumabas si Fido sa tabi nya. "Tulungan mo kami hatakin si Jude," utos ni Niño. Kinagat ni Fido ang tali at tinulungang humatak sina Ricky at Fin hanggang sa makaakyat si Jude. "Jude!" wika ni Ricky na niyakap ang kapatid. "Kuya. Akala ko katapusan ko na," hingang malalim ni Jude. Kaagad namang lumapit si Niño kay Jude. "Salamat, Budz," ani Jude na niyakap si Niño, "Salamat Kuya." "Ang bigat mo talaga!" pabirong wika ni Ricky na ginulo buhok ni Jude. "Ace, status update," usisa ni Drew. "Ace here! We are ok. Pabalik na kami," banggit ni Ricky. "Eagle is on our line," ani Drew. "This is Eagle, Ace ayos lang kayo?" tanong ni Eagle. "Ikaw dapat ang tinatanong ko nyan, Eagle," pabalik na tanong ni Ricky. "Ayos lang ako Ace. Better return to base. Naghihintay si Emir dito sa'yo," pabatid ni Eagle. "Roger!" ani Ricky, "Bumalik na tayo. Nariyan daw si Kuya Emir." Habang naglalakad pabalik, napansin ni Niño na tahimik si Ricky at wala sa sarili. "Kuya ayos ka lang ba talaga?" tanong ni Niño. "Ayos lang ako. Pasensya na kanina," ani Ricky.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD