Chapter 4 PART 2

2000 Words
“Bossing, mahirap kalabanin sina Ruyi. baka takutin lang nila iyang si Aviona. Mayayaman kasi mga iyon, eh!” sabi ni Bobby. “Really?” kumibot ang kilay ni Ashton. “Watch and see…” Tumalikod na siya at naglakad palayo. Pumunta siya sa isang sulok kung saan matatanaw pa rin niya si Aviona. Agad nag-init ang ulo niya nang maliban sa kaibigan nito ay may kasama itong lalaki. Nakakapit pa si Aviona sa braso ng lalaki na para bang close na close nila. Nagtagis ang mga ngipin ni Ashton at nanlilisik ang mga mata. Nagpupuyos ang kalooban niya sa hindi niya malamang dahilan. Pigil na pigil niya ang sariling lapitan sila at sapakin ang lalaking iyon. Aviona’s POV “Uwi na tayo, Avi,” maingat na sabi ni Kuya Arvill habang inaayos ang strap ng bag ko. Halata pa rin ang galit at pag-aalala sa mukha niya. “Sabay na tayo.” Umiling ako. Pagod ang katawan ko pero mas pagod ang utak ko. “Hindi pa ako puwedeng umuwi, Kuya. May kailangan pa akong tapusin today. Diretso na rin ako sa trabaho mamaya.” Kumunot ang noo niya. “Sigurado ka? Puwede ka namang mag-absent muna, eh. Saka sabi ko naman sa ‘yo, huwag ka nang magtrabaho. Ako na ang bahala sa ‘yo.” “Okay lang talaga ako, Kuya. Saka hayaan mo na ako sa trabaho ko, sayang din naman iyong kita ko roon,” pilit kong ngiti. Ayaw kong sabihin na kailangan kong mapag-isa kahit sandali. Ayaw kong ipakita sa kaniya kung gaano ako nanginginig sa loob hanggang ngayon. Tumango siya. Alam kong ayaw niya pero iginagalang pa rin niya ang desisyon ko. Paalis na sana siya nang biglang… May humawak sa kamay ko… sobrang higpit na parang walang balak bumitiw. Nagimbal ako at marahas sanang babawiin ang kamay ko. Pero paglingon ko… isang taong hindi ko inaasahang makita ngayon ang narito. Si Ashton. Nakatayo na siya sa harap ko, seryoso ang mukha, may bakas pa ng pasa sa panga niya na ikinagulat ko. Hindi man lang niya ako tiningnan nang buo… parang dumaan lang ang tingin niya sa akin bago diretsong bumaling kay Kuya. “Anong ginagawa mo?” gulat at litong tanong ko, pilit kong binabawi ang kamay ko. “Ashton–” Pero bago pa ako tuluyang makawala, hinawakan ni Kuya ang kabilang kamay ko, mas mahigpit. Napangiwi tuloy ako. Si Melody ay nagpapalipa-lipat ng tingin kay Kuya at kay Ashton. “Bitiwan mo si Aviona,” malamig na utos ni Kuya. “Sino ka?” Hindi sumagot si Ashton, sa halip ay humigpit pa nga ang pagkakahawak sa kamay ko. Tapos ang tingin niya… punong-puno ng galit. Mapanganib ang awra niya ngayon at hindi ko alam kung bakit. “Ako ang maghahatid sa kanya,” mariing sambit ni Ashton. “Kaya bitiwan mo na siya habang hindi pa gaanong nag-iinit nag ulo ko.” Napasinghap ako. Si Kuya naman ay pagak na tumawa. Halatang hindi natutuwa sa kagaspangan ng ugali ni Ashton sa kaniya. “Hindi kita kilala. At hindi siya sasama sa iyo. Sino ang nagbigay sa ‘yo ng karapatan na utos-utusan kami?” asik na ni Kuya kay Ashton. Lumapit si Ashton sa akin. “Mas malaki ba ang offer sa iyo ng lalaking ito kaya sa kaniya ka sasama? Just name the price and I will double it… even triple if you want!” bulong niya, halatang galit talaga. Napaawang naman ang mga labi ko at nagulantang sa sinabi niya. Agad akong kinabahan kasi hindi puwedeng malaman ni Kuya ang ginawa ko para lang makakuha ng pera na pang-piyansa niya. “Mali ka nang iniisip! Huwag ka ngang magkalat dito!” nagtatagis ang mga ngiping sagot ko. Mahinang-mahina ang boses ko para walang ibang makarinig. “Kuya,” singit ko, halos hindi ko na maitago ang kaba ko. “Bitawan mo muna ako.” Sa isang iglap, parang may kung anong gumising kay Ashton. Nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Mula sa pagiging galit kanina ay mabilis na napalitan ng pagkagulat Nanlaki pa nga ang mga mata niya. Halatang parang may pinoproseso pa ang utak niya habang nakatitig kay Kuya, tapos sa akin, tapos pabalik kay Kuya. Ang kaninang nagbabagang galit sa mga mata niya ay tuluyan nang nawala. Parang naging biglang gumaan ang awra niya. “Kuya?” ulit niya, mas mahina na ngayon ang boses niya. “Kuya mo siya?” Kung kanina ay parang handa siyang makipagsuntukan, ngayon naman ay para siyang paslit na nahuling mali ang inasal sa harap ng magulang. Nakakatawa kung hindi lang sobrang tense ng sitwasyon. Ang cute niya nang biglang ngumiti. Pati tuloy ang kaibigan kong si Melody ay napako na yata ang mga mata sa kaniya. “I’m really sorry,” dagdag pa niya agad, biglang umayos ng tindig. “Akala ko kasi–” “Akala mo, ano?” angil ni Kuya sa kaniya. “Sino ka ba?” “Kaibigan namin siya, Kuya,” mabilis kong singit bago pa lumala. Ngumiti ako ng matamis. “Siya si Ashton, Kuya. Kaibigan namin ni Melody. Di ba, Melody?” Pero si Melody ay nakatitig lang kay Ashton na parang timang na nakangiti. “Melody!” mas malakas na tawag ko sa kaniya. Doon lang siya parang nabalik sa reyalidad. “Ah, ano iyon?” biglang nalitong tanong niya. “Si Ashton, kaibigan natin? Ngayon pa lang kasi siya makikilala ni Kuya!” makahulugan ko siyang pinandilatan. At mukhang nakuha naman niya agad ang ibig kong sabihin. “Ay, oo Kuya Arvill!” kumapit siya sa braso ni Ashton kaya nagulat ako. “Kaibigan namin siya ni Avi dito sa school.” Napatingin si Kuya kay Melody na parang kinukumpirma kung totoo ang sinasabi ko. “Ikaw naman kasi, Ashton, bakit naman hindi mo kilala si Kuya Arvill?” kunwari ay mahinang nahampas pa ni Melody ang braso ni Ashton. “I’m sorry…” tipid na tugon ni Ashton na parang hindi natutuwa sa pagdikit sa kaniya ni Melody. Gusto kong matawa kasi maarte naman talaga nag lalaking ito. Kaya nga sa club, parang isang grand prize na ang makatabi man lang si Ashton sa upuan. Tapos itong si Melody, kung makalingkis akala mo ahas. Hindi pa rin agad bumitaw si Kuya sa kamay ko. Ramdam ko ang higpit na dala ng proteksiyon, hindi selos. Sinukat niya si Ashton ng tingin mula ulo hanggang paa, parang iniisip kung anong klaseng “kaibigan” ang ganito ang titig sa akin. “Sigurado ka ba, Aviona?” tanong niya sa akin, naka-serious mode na naman. “Oo nga, Kuya,” mabilis kong sagot. “Sige na, umalis ka na at baka ma-late ka pa sa trabaho mo.” Nanatiling tahimik si Ashton. Hindi na siya sumasabad. Nakayuko pa nga nang bahagya, parang biglang naging good boy sa harap ng kuya ng babaeng muntik na niyang sigawan kanina. Ilang segundo pa ang lumipas bago dahan-dahang bumitiw si Kuya. “Mag-ingat ka,” bilin niya sa akin, seryoso pa rin. “Tumawag ka agad kapag may mangyari.” Tumango ako. “Opo, Kuya.” Isang tingin pa ang ipinukol niya kay Ashton bago tumalikod. Nang tuluyan na siyang umalis, saka lang ako nakahinga nang maluwag… parang ngayon lang bumalik ang hangin sa baga ko. Napalingon ako kay Ashton. Kanina, parang demonyong sumugod. Ngayon… parang batang nahuli sa kalokohan niya. “At ikaw, bakit – ay!” napatili ako nang bigla niya akong hilahin. “Teka saan mo ako dadalhin?” gimbal kong tanong. Malalaki at mabibilis ang bawat hakbang niya kaya halos tumakbo na ako. “Ashton!” tawag ko sa kaniya pero muli akong tumili nang bigla niya akong buhatin na parang sako ng bigas at isampay sa balikat niya. “Shut up! Or I will punish you severely!” masungit na saad niya. Ang sumunod kong namalayan ay nasa tapat na kami ng isang mamahaling pickup truck. Mabilis niyang binuksan ang pinto sa likod at isinakay ako doon. Isinara niya iyon at tinakbo ang driver’s seat. Kita ko pang humahabol si Melody pero mabilis na niyang pinatakbo ang sasakyan paalis. Halos mahulog ako sa upuan sa bilis ng takbo niya. Kinakabahan ako at sobrang bilis at lakas ng kabog ng dibdib ko. “Hoy, Ashton, saan mo ako dadalhin, ha? Kidnapping na ito! May gagawin pa ako sa school!” naaaburidong asik ko sa kaniya. Pero seryoso lang siyang nagmamaneho. Salubong ang kilay. Bumait na ito kanina, ah? Bakit nagmukha na namang angry bird ngayon? “Ay! Ano ba!” napasigaw ako sa nerbiyos nang bigla na lamang siyang huminto sa gilid ng daan. Pinatay niya ang makina tapos pumunta sa puwesto ko. Pinahiga niya ako roon kaya ngayon ay magkahinang na ang mga mata namin. Pareho kaming humihingal pero walang nagsasalita. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Naririnig ko pa ang malakas na t***k ng puso ko. “Are you really okay?” maya-maya ay basag niya sa katahimikan. Tumango ako. “Y-Yeah… bakit–” But before I could finish, he sealed my lips with a kiss. Namilog ang mga mata ko at ilang beses akong napakurap. “A-Ashton…” gulat kong sambit. Ngunit pumikit na siya at mas lalo pang dumiin ang mga paghalik niya sa akin. Bigla akong naguguluhan. Hindi ko alam ang gagawin. Pero nararamdaman ko ang malalambot niyang mga labi na humahagod sa mga labi ko. Para akong lalong nauubusan ng hangin. “Kiss me back, baby, please…” hiling niya. hinaplos pa ang pisngi ko. Nahigit ko ang hininga ko nang idiin niya ang ibabang bahagi ng katawan sa akin. Shit! Ang laki ng bukol niya. Bigla akong napalunok. Naalala ko kung paano ako winasak ng malaki at mahabang alaga niya. Ni hindi iyon nakapasok nang buo sa loob ko dahil sa haba. “Feel me? It misses you, sweetheart,” bulong niya saka muling sinakop ang mga labi ko. Naging mas mapusok at marubdob ang mga halik niya ngayon. At aaminin kong natatangay ako lalo na at mapang-akit na gumagapang ang mga kamay niya sa iba’t ibang parte ng katawan ko. “Ah!” maging ako ay nagulat sa pag-ungol ko nang ipasok niya ang dila sa bibig ko. Muntik pa akong mapasinghap sa kiliting hatid ng bawat hagod ng dila niya. “So sweet. f**k!” sinipsip niya ang dila ko kaya muli akong napaungol. Sinasabayan ko ang mga halik niya pero hindi ako makaagapay. Hanggang sa matanggal na niya ang butones ng uniform ko at kalasin ang bra ko. Nakadama ako ng excitement sa gusto niyang gawin sa akin. Kaya lang ay bigla siyang huminto. “I really want you now, Aviona… will it be alright? After…” hindi niya maituloy ang sasabihin. Gusto kong isiping nag-aalala siya sa nangyari sa akin kanina. Pero wala na doon ang isip ko. Dahil nga sa ginagawa niya sa akin ay nalimutan ko na ang nangyari kanina. Ang gusto ko lang ay ipagpatuloy niya ang pagsambang ginagawa niya sa katawan ko. “Okay lang ako…” nahihiyang sagot ko. “Huwag mo akong alalahanin.” At tila naging hudyat iyon para ituloy niya ang nasimulan. Inilihis niya ang bra ko at isinubo ang isang u***g ko. Parang sanggol na dumede siya roon kaya napapaarko ang katawan ko. “Hmm…” nakagat ko ang pang-ibabang labi sa pagbugso ng sunod-sunod na kiliti. Salitan niyang pinagpala ang mga dibdib ko hanggang sa maramdaman ko ang pagkahubad ng palda ko. “A-Ashton!” nanginig ang laman ko nang mabining haplusin niya ang ibabaw ng p********e ko na natatakpan lang ng manipis na panty. “I want to taste you here, baby…” bulong niya. Salita pa lang ay parang kinikiliti na mismo ang p********e ko. Tumango ako. Alam kong nagbabaga rin ang mga mata ko sa pagnanasa. Tuluyan na niyang hinubad ang panty ko pagkatapos ay pinaupo niya ako. Muling kumabog nang mas malakas ang dibdib ko. He looked at me with fire in his eyes... the look that made me anticipate for rmore.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD