Pagkatapos ng huling klase, halos hindi ako huminga sa pagmamadali papuntang munisipyo. Kasama ko ang PAO lawyer na na-contact ko kaninang umaga… si Atty. Balderama, may edad na pero mabilis kumilos, walang arte at diretsong magsalita.
Pagpasok namin sa loob ng detention facility, ramdam ko agad ang bigat ng hangin… ang nakabibinging katahimikan ay nagdudulot ng lalong lungkot sa puso ko. Hindi dapat naririto si Kuya.
Ilang minuto lang at inilabas na nila si Kuya Arvill, nakaputing shirt na luma, magulo ang buhok, at parang lutang ang mga mata.
“Avi…” mahina niyang tawag.
“Kuya.” Sunod-sunod ang nagging guhit ng kirot sa dibdib ko nang makita ko siyang ganoon ang kalagayan. “N-Nandito na ako. Heto na rin si Atty. Balderama para sa piyansa mo.”
Umupo kami sa maliit na mesa sa gilid ng receiving area. Habang nagpapaliwanag si Attorney tungkol sa mga papeles, nakatingin lang sa akin si Kuya—pero hindi iyong normal na tingin.
Bakas sa mga mata niya ang maraming tanong at malalim na pagdududa.
“Hija,” ani Attorney, “your brother is temporarily released. Pero kailangan nating ayusin ang counter-affidavit sa Lunes. Ang kaso niya ay estafa through fraudulent operations… iyong tinatawag na investment scam setup. Sa kaniya nakasentro ang lahat kasi siya ang nahuli, pero halatang may ibang mga tao na nasa likod nito.”
Napatingin ako kay Kuya. “Sabi ko naman sa inyo, hindi ko pinirmahan iyong mga papel na ‘yon,” iritado at pagod niyang tugon. “Hindi ko alam kung paanong ako lang ang nadiin at lahat sila tumakas.”
‘Sila’… ang mga taong akala niyang business partners niya, pero ginamit lang siya. Napakuyom ang kamao ni Kuya Arvill. Pagakatpos ay bumaling siya s aakin.
“Paano ka nakakuha ng pera para sa piyansa?” tanong niya bigla.
Napayuko ako para hindi niya makita kung paanong biglang nag-flash si Ashton sa utak ko. Pero napaghandaan ko na ang isasagot dito lalo na at alam kong magtatanong ng ganito si Kuya.
“Si Melody,” sagot ko kaagad. “T–Tinulungan niya akong mangutang sa mga kakilala niya. Lahat utang, Kuya. Nangako po ako na babayaran ko po sila isa-sa.”
Tumingin siya sa akin nang matagal… para bang nasisilip na niya ang buong kaluluwa ko.
“Avi… ilang daang libo ang piyansa ko,” mahina ngunit mariing sabi niya. “Hindi gano’n kadaling utangin iyon. Lalo na sa mga gaya natin na wala namang makukuhang kolateral ang sinumang maaaring magpautang.”
“Nagawa namin, Kuya” sagot ko. “Huwag mo nang problemahin iyon. Ang mahalaga, makakalabas ka na rito. Hindi ka dapat nandito, eh!”
Nagsisimula na namang mangilid ang mga luha ko. Ayaw kong nakikita si Kuya sa ganitong kalagayan, lalo na nga at alam kong ginagawa lang niya ang lahat para sa akin. Gusto lang niya na mapabuti ako.
Umiling siya, saka tumawa nang mapait… tapos tumiim ang mukha niya at pailalim akong tiningnan.
“Avi… alam mong buong buhay ko, wala akong ibang gusto Kundi ang mapabuti ka.” Tumulo ang isang luha sa pisngi niya, pero mabilis niyang pinunasan.
“Alam ko naman po iyon, Kuya…” sambit ko. Naninikip na naman ang dibdib ko.
“Ipinangako ko kay Papa… kay Mama… na aalagaan kita. Tapos heto tayo.”
“Kuya–”
“Hindi pa ba sapat ang pinagdaanan natin?” nanginginig ang boses niya. “Pinatay na nga sina Mama at Papa sa harap natin. Inagaw ang bahay natin. Ginawa tayong alipin ni Tito Rolly at ng pulpol niyang asawa. Tapos ngayon, ako naman ang ikinulong para sa kasalanang hindi ko ginawa?”
Hindi ko napigilang hawakan ang braso niya, pero kumalas siya at napahawak sa ulo niya na parang mababaliw.
“Kuya, please–”
“Bakit hindi tayo pinapakinggan ng Diyos, Aviona?” tanong niya, puno ng hinanakit. “Bakit lagi tayong nagtitiis at nabubuhay na parang nasa impiyerno? Ano bang ginawa nating kasalanan?”
Hindi ko alam ang sasabihin. Damang-dama ko ang sakit. Dahil sa loob-loob ko, may bahagi akong sumasang-ayon sa kaniya.
Hinampas niya ang mesa, kaya pati si Attorney ay nagulat.
“Kapag nalaman ko talaga kung sino ang pumatay sa kanila…” usal niya sa mababang tinig pero puno ng galit na parang bulkan. “Kapag nalaman ko kung sino ang sumira sa buhay natin… kahit impiyerno pa ang pagdaanan ko, babawi ako. Gagantihan ko sila nang matindi!”
Napalunok ako.
“Kuya,” mahina kong sabi, sinusubukan siyang pakalmahin, “kakayanin po natin ito. Nag-aaral po akong mabuti para makapagtapos.”
Third Person POV
Pagkaparada ni Ashton Nicholo Aguilar sa malawak na driveway ng Aguilar Mansion, ang una niyang naisip ay ang malamig na shower at ilang oras na tulog. He needs sleep… lots of it.
Pero hindi pa man siya nakakatapak sa loob ng foyer, sumalubong agad sa kaniya ang kamao ni Asher… ang panganay sa magkakapatid.
Diretsong tumama ang suntok sa panga niya, dahilan para mahilo siya sandali at mapaatras. Mabuti na lang at hindi siya natumba.
“What the–?!” sigaw ni Ashton, hawak ang mukha niya. “Kuya Asher, ano bang problema mo?!”
Pero hindi na nagsalita si Asher. Mabilis itong sumugod ulit… parang isang trained fighter na naka-program para umatake, at saka muling inundayan ng suntok sa tadyang si Ashton.
“Oh, f**k!” Napayuko si Ashton, pero hindi siya papatalo.
Sinubukan niyang bumira ng counter punch, pero para lang siyang sumusuntok sa hangin dahil mabilis na naiwasan iyon ni Asher.
At bago pa man niya ma-stabilize ang balance niya, dumagdag pa ang isa pang solid punch mula sa kuya niya.
“Damn you, Kuya Asher!” sigaw ni Ashton, pero halos matumba na siya. “Bakit ka ba nananakit? Inaano ba kita?”
Guillard Asher Aguilar is the eldest son, the disciplined one, he was on top of his class when he was still a student at mayroon din siyang military training.
He is also a black belter sa maraming uri ng martial arts, at nagmukhang punching bag ang kapatid niya ngayon.
“Enough, Kuya!” sigaw ni Ashton habang sinusubukang harangin ang mga susunod pang atake ng kapatid.
Pero hindi pa tapos si Asher. Hinawakan niya sa kuwelyo si Ashton, galit na galit.
“Ano na naman ‘to?!” bulyaw ni Ashton.
“You should be in school, you idiot!” singhal ni Asher. “Nagkakalat ka na naman kung saan-saan! You missed all your classes this week!”
Napangiwi si Ashton. “And so what?! Problema ko ‘yon, hindi sa ‘yo! Bakit ba napaka-pakialamero mo?”
“No, Ashton!” sigaw ni Asher, halos umabot sa kisame ang lakas ng boses niya. “You’re dragging the Aguilar name down! This is the third semester you might FAIL! Baka akala mo hindi namin alam?”
Hindi na nakasagot si Ashton dahil biglang dumating ang taong itinuturing niyang kakampi… ang babaeng ayaw nilang makitang nagagalit.
“Asher! Ashton! Tigilan niyo ‘yan! Ano na namang pinag-aawayan ninyong dalawa?” sigaw ni Ashnea Aguilar, ang kanilang ina, ang babaeng kahit seryoso lang ang tono ay kinakatakutan ng lahat sa bahay, lalo na ng daddy nila.
Nakatayo siya sa dulo ng malawak nilang hagdanan, nakataas ang isang kilay, nakahawak sa dibdib na parang inaatake na naman ng stress ang puso niya.
Agad na binitiwan ni Asher si Ashton at tumuwid ng tayo, pero galit pa rin ang mukha.
“Mom,” sumbong agad ni Asher, “Ashton is not attending his classes again. Halos lahat ng professor niya galit na. He might fail again this semester.”
Nanlaki ang mata ni Ashnea. “What? Ashton, totoo ba ‘to?!”
Napaturo si Ashton kay Asher, galit at namumula ang mukha.
“You don’t get to control my life, Kuya Asher!”
“Then act like you have one!” ganting sagot naman agad ng kuya niya.
“Mind your own damn business!” bulyaw ni Ashton, halos boses demonyo na sa galit. Pagod siya at wala pang tulog, tapos ganito ang sasalubong sa kaniya.
Hinawakan agad ni Ashnea ang braso ni Asher para pigilan itong sapakin na naman ang kapatid.
“Enough, Asher. Hindi ka puwedeng manakit nang ganiyan sa kapatid mo. Violence is not the answer to this,” pakiusap ni Ashnea sa panganay niya.
“Mom? Stop defending this fool. Nagsasayang lang siya ng pera at oras!” himutok ni Asher, umiigting pa rin ang mga panga. “He’s wasting his future! And we’re all supposed to pretend na okay lang?!”
Lumipat ang tingin ni Ashnea kay Ashton na may pasa na sa gilid ng labi, at pulang-pula ang pisngi.
“Ashton…” malumanay pero seryoso ang boses niya. “We will talk about this.”
But Ashton stepped back, masama ang tingin sa kapatid. Masamang-masama rin ang loob niya.
“No, Mom. Tapos na ito.” Umiling pa si Ashton. “Since I already got hit multiple times, I already paid for what I did!”
Tumalikod siya, galit na galit, pero halatang nasaktan… physically at emotionally. Hindi na siya lumingon.
Bago siya tuluyang umakyat sa hagdan, nagsalita siya nang malamig…
“Stay out of my life, Kuya Asher. Hindi kita kailangan. Hindi ko kailangan ang kahit ano galing sa iyo!”
“Aba’t–”
Muling pinigilan ni Ashnea si Asher. Nagpupuyos ito sa pagkainis sa kapatid.
At tuloy-tuloy nang umakyat si Ashton.
“Mom! We should not tolerate this kind of behavior. Sumusobra na si Ashton. Mula noong high school siya, puro sakit ng ulo na lang ang dala niya!” reklamo ni Asher sa ina.
Malungkot lang na nag-iwas ng tingin si Ashnea. “Kakausapin namin siya ng Daddy mo, okay? Ipaubaya mo na lang muna ito sa amin. Hayaan na lang muna natin–”
“Mom!”
“Please, Asher… please.”
Marahas na nagbuga ng hangin si Asher saka padarag na umalis. Hindi siya makapaniwala sa inuugali ng kapatid.
Nalulungkot namang napahilamos si Ashnea sa mukha niya. Hindi na niya alam ang gagawin sa bunsong anak.
Nasa ganitong eksena siya nang biglang dumating si Marcus. Ngunit agad itong nag-alala nang makita ang ekspresyon sa mukha niya.
“What’s wrong?” agad niyang tanong sa asawa.
Huminga nang malalim si Ashnea bago sumagot. “Nag-away iyong dalawang anak mo.”
“Sino sa kanila?” tanong ni Marcus.
“Asher hit his brother, Ashton. Ilang linggo na raw hindi pumapasok sa school.”
“Sakit talaga sa ulo iyang Ashton na iyan. Namimihasa kasi–”
Natigil sa pagsasalita si Marcus nang panlisikan siya ng mga mata ni Ashnea.
“Huwag mo nang dagdagan ang paninisi. Kailangan nating makausap ang anak mo…” saad ni Ashnea.
“Where is he? I will talk to him, right now!” dominanteng pahayag ni Marcus.
“Mukhang pagod at puyat. Hayaan mo na lang munang makapagpahinga.”
Hindi makapaniwalang nilingon ni Marcus ang asawa.
“Honey, you’re siding him again… Ashton needs to be disciplined. Ipakasal na lang kaya natin siya? O tanggalan ng mana?”
Isang matalim na irap ang itinugon ni Ashnea saka mabilis na nilayasan ang asawa.
****
A/N:
Hello guys, next week dagdagan ko ito ng maraming update. Ipublish ko lang iyong Final Chapter ng Wildest Temptation. Sa mga hindi pa po nakapag-add, daily update po tayo sa THE WIFE'S DARKEST NIGHT. Baka po gusto ninyon i-add sa library ninyo. Salamat po!