“Hindi kita iniiwasan.” “Don’t lie.” Napangiti siya nang mapait. “Kanina sa sasakyan, para akong hangin sa iyo. Did I embarrass you? May nagawa ba ako?” Parang may kung anong kumurot sa dibdib ko. Kung alam mo lang, Ashton… kung alam mo lang kung gaano lang kita pinipilit ilayo sa gulo. “Pagod lang ako,” sagot ko, maingat ang tono. “Marami lang iniisip.” “Hindi ako tanga, Aviona.” Mahina pero malinaw ang boses niya. “Nararamdaman ko kapag may mali sa paligid ko.” Inilapag ko ang bimpo sa maliit na mesa at tumayo para kumuha ng tubig na maiinom niya. “Uminom ka muna.” sabay abot ko sa kaniya ang baso ng tubig. Hindi niya agad kinuha iyon. Sa halip, hinawakan niya ang pulsuhan ko. Mainit ang palad niya. “Talk to me.” Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa akin. Gusto kong sabi

