Sa kabila ng pagod ko sa nagdaang gabi ay maaga akong nagising. Dama ko ang pananakit ng buong katawan ko lalo na sa ibabang bahagi. Ilang beses kaming nagtalik ni Ashton sa buong gabi. Hanggang kaninang alas-tres ng madaling araw ay ginawa namin iyon ulit. Napalingon ako sa tabi ko. Tulog na tulog pa rin si Ashton. Namumula ang makinis niyang mukha at may mahihinang hilik. Halos mapangiti ako kasi hindi siya kasya sa kama ko. Kalahati lang ng binti niya ang nasa dulo ng kama. Ang tangkad naman kasi niya at ang lapad pa ng katawan. “Ang guwapo pa rin kahit tulog,” wala sa sariling naikomento ko. Sa huli ay bumangon na ako at naligo. Pagkatapos ay bumaba ako para maghanda ng almusal. May nginig pa rin ang mga tuhod ko pero pinilit kong kumilos. Habang nagpiprito ako ng itlog, napapa

