Napaupo ako sa sahig. Ako mismo ang nasa pagitan ng kapatid ko at ng lalaking mahal ko. Kinabukasan, pagbukas ni Kuya ng pinto… bumungad si Ashton. May dala itong dalawang paper bags at isang tray ng kape. Nakasuot siya ng simpleng puting polo at jeans, pero kahit ganoon, hindi maitago ang natural na tindig ng isang lalaking sanay sa marangyang buhay. Ngumiti siya. At mas lumapad pa iyon nang makita niya ako. Tila may kung anong pumitik sa puso ko at bumilis ang pintig niyon. “Good morning.” Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Mabilis akong nag-iwas ng tingin. “O, Ashton!” masiglang bati ni Kuya. “Ang aga mo, ah!” “May dala akong breakfast,” sagot ni Ashton, iniangat ang mga bag na bitbit niya. “Baka hindi pa kayo kumakain.” Amoy pa lang, alam ko nang galing sa mamahaling c

