Suot niya ang cheerleading uniform ng Herald University… maiksi, fitted, kulay pula at puti. Kumakaway siya habang pababa ng bleachers kasama ang dalawa pa niyang kaibigan na naka-cheerleading outfit din. “Wait… si Jannie ‘yon, ’di ba?” bulong ni Melody. Hindi ako sumagot. Pero naikuwento ko na kay Melody ang tungkol kay Jannie. Ang ganda niya sa suot niya at napapalingon pa ang ibang mga kalalakihang nadadaanan niya. Hindi rin maikakaila na galing siya sa isang buena familia. Diretso siyang lumapit kay Ashton na nasa sideline, may hawak na bola. May sinabi siya na hindi ko maririnig dahil sa ingay ng crowd at sa layo namin sa kanila. Ngumiti si Ashton. Iyong ngiting madalas ay sa akin lang niya ipinakikita. Bago pa namin mahulaan ang magaganap, hinila ni Jannie ang jersey ni Ashton.

