Isang singhap ang narinig namin. Ramdam ko ang bigat kahit hindi ko nakikita ang mukha ng daddy nila. “What happened?!” narinig din namin ang boses ni Ma’am Ashnea, ang mommy nila. Kahit sa speaker lang, ramdam ang labis na pag-aalala nito. “Mom, calm down,” sabi ni Millerd pero halata ring pigil ang emosyon niya. “We are still waiting for the doctor’s explanation.” Narinig ko ang paghinga ni Ma’am Ashnea sa kabilang linya. “I’m coming,” diretso niyang sabi. “We’re leaving now.” “Okay, Mom… take care,” magalang na sagot ni Millerd. Pagkatapos ay tinapos na niya ang tawag, Sunod niyang tinawagan ang dalawa pa niyang kapatid. Conference call ang ginawa niya. “Kuya Asher, Kuya Markie, nasa ospital si Ashton ngayon,” pagbabalita niya sa mga ito. “What?!” “Why? What happened?” Halos

