Nang mag-angat ako ng mukha, halos magdikit na ang mga ilong namin. Naramdaman ko ang isang kamay niya sa batok ko. Pagkatapos ay pinaglapat na niya ang mga labi namin. Halos mapaungol ako nang maramdaman ko ang kasabikan sa bawat hagod ng mga labi niya… madiin at mainit. Maging siya ay may gigil na halinghing habang lalong lumalalim ang halik. “Damn it! I miss this!” he murmured while kissing me so fervently. Hindi ko mabilang kung ilang beses akong napapasinghap. Nasa ibabaw niya ako at ayaw kong gumalaw kasi baka masaktan siya. “Damn! These lips!” halos makagat na niya ang mga labi ko pero pinigilan pa rin niya ang sarili. Alam kong ilang beses na niyang sinubukang gawin ito, pero palaging may ibang tao rito kaya hindi niya magawa. Ngayon ay nakakuha siya ng pagkakataon. “Ashton!”

