Chapter 69 Ashton’s Request-4

853 Words

Napapikit ako sandali. Gusto ko rin ang nangyari. Pero hindi ko maalis ang pag-aalala. Tapos ay napasinghap ako nang biglang may sunod-sunod na katok sa pintuan. Natulala pa ako at halos mapatalon sa gulat nang lumakas pa iyon. “Ashton? Bakit naka-lock itong pinto?” Nanlamig ang likod ko. Boses iyon ni Jannie. Kulang na lang ay tumigil ang paghinga ko. Nakatingin lang ako sa pinto. “I’ve been knocking many times already! Open this door!” dagdag niya, mas malakas pa ang boses ngayon. Nagkatinginan kami ni Ashton. Bigla kong naramdaman ang hiya at kaba na sabay na umakyat sa dibdib ko. Ako ang nag-lock niyon kahit alam kong bawal. Alam kong may visiting hours pa, pero pinili kong pagbigyan si Ashton sa hiling niya. “Just a minute,” sa wakas ay sagot ni Ashton, pilit ginagawang normal

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD