Sa gilid ng mata ko, nakita ko ang pag-igting ng mga panga ni Jannie. Napansin ko ring tila humigpit ang pagkakahawak sa CP nito. Bakit ba naman kasi puma-punchline pa itong si Ashton. Hindi na lang kumain nang matiwasay. “Hospital food is actually curated,” sabad ni Jannie, saka huminga nang malalim. “Balanced diet. Approved by nutritionist.” “Walang lasa,” diretsong sagot ni Ashton, sabay subo ulit. Hindi man lang niya tiningnan si Jannie. Mas lalo akong kinabahan. Ayaw kong magmukhang may kompetisyon dito. Pero ramdam ko talaga iyon. Tapos biglang may kumatok. Delivery. Lumapit si Jannie agad para tanggapin. Pagbalik nito, bitbit na ang tatlong malalaking paper bags na may logo ng isang high-end restaurant. Inilapag nito isa-isa sa mesa ang mga iyon. Hindi sinasadyang napalingon

